Chapter 7♥♥

18 0 0
                                    

DENISE POV:

" Aray ko naman nasasaktan ako bitawan mo ako!" Pag mamakaawa ko sa kanya. Sobrang higpit ng pag kakahawak ni Sandra sa braso ko .

"Ano bang kasalanan ko ?" Muling pag mamaka- awa ko pero hindi niya ako pinapakinggan.

"Ikaw na ahas ka tigilan mo na ang Future boyfriend ko!" Ani Sandra.

" Bakit inaagaw ko ba ang boyfriend mo!" Galit na tugon ko naman.

Buti na lamang ay kumawala na siya sa pag kakahawak niya sa braso ko , grabe sobrang sakit at mukang papasa pa ata to.

" tsk. Tandaan mo subukan mong gawin na agawin sa akin si Joshua kung hindi ako makakalaban mo ." Galit na sabi niya naman sa akin na may kasama pang pag ngisi. Akmang sasampalin niya na ako dahil inangat niya na ang kanang kamay niya. Mabuti na lamang ay nasalo ko to.

"Bago mo ilapat yang palad mo sa pisngi ko siguraduhin mong malinis yan kung hindi baka palad ko ang lumapat diyan sa pag mumuka mo" pataray na sagot ko.

Agad niyang tinanggal ang kamay niya sa pag kakahawak ko mukhang napahiya siya sa mga sinabi ko.

" hindi pa tayo tapos tandaan mo yan!"pag babanta naman sa akin ni Sandra.

"Talaga baka gusto mong  gawin na natin ang part two"pang - asar na sabi ko naman.

Agad naman na umalis siya at si Camille. Buti nga sa kanila yon.

Narinig ko na lamang na may pumapalakpak mula sa likod ko nilingon ko naman ito si Aedam lang pala.

"Grabe very good ka! " sabi naman ni Aedam.

"Tama ang ginawa mo Denise lumaban ka para patas lang kayo" sabat naman ni Alex.

Bago pa man ako umupo sa arm chair ko nilingon ko muna yung dalawa at aba lang ha ang sama ng tingin nila sa akin. Ginantihan ko na lamang sila ng pamatay kong ngiti.

Bigla na lamang kaming tumahimik dahil bumalik si Ms. Alcantara .

"Class may sasabihin lamang ako . Para bukas sa Music natin mag ready kayo ng pinaka favorite song niyo then kung may instrument kayo dalhin niyo."

At patuloy ng lumabas si Ms. Alcantara.

* Nag bell *

Mabuti naman at uwian na kanina pa ako naiinip.

" guys tara sa mall?" Pag aaya sa amin ni Alex.

Pumayag naman kaming dalawa ni Aedam, buti pa na sumama na lamang ako sa kanila kaysa naman na nasa bahay ako at nakatunganga lamang .

After 35 minutes.

Nang makarating kami dito sa Valencia Mall dumeretso naman kaagad kami sa KFC at doon na kakain. Habang kumakain kami napansin ko na tahimik ang dalawa.

" huy!! Bat ang tahimik niyo naman ata alam niyo naman na hindi ako sanay ."pag bibiro ko sa kanila.

"Ahm Denise may gusto sana akong sabihin sayo" malungkot na tugon ni Alex at tumigil muna siya sa kanyang pagkain.

"Bakit may problema ka ba?"nag aalalang tanong ko naman.

" after this month kasi aalis na kami ni mom." Sagot niya  sa akin habang naka yuko.

"Bakit san kaba pupunta?" Tanong ko naman.

" uuwi na kaming singapore dun narin kami titira at dun na ako mag - aaral." Sabi niya naman sa akin. Muntikan na akong mabulunan sa sinabi niya bakit naman kailangang umuwi pa siya don eh maganda naman ang buhay nila dito.

My childhood best friend fall inlove with me. ( on going)Where stories live. Discover now