Kabanata 16

62.5K 2.1K 367
                                    

Avianna's P.O.V

Alam kong naaalibadbaran na siya sa akin pwes, parehas lang kami ng nararamdaman

"Pa, hindi pa ba pwedeng umalis yung babaeng 'to?"....inirapan ko lang siya

"Frost, umayos ka. Ikamamatay mo kapag wala siya sa tabi mo."

"Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa nandito 'yan. Nasaan na ba si Cali, siya yung kailangan ko hindi yung babaeng 'to.".....akala ko ba break na sila.

"Ilang beses ko bang sinabi na wala na kayo nung babaeng 'yon?"

"Pa, naman!"....bigla siyang tumayo kaya medyo napaatras ako.

"Frost, ano ba yung nakita mo sa babae na 'yon?"

"Mahal ko siya kaya wala kayong karapatang pigilan ako."

"Mayroon akong karapatan kaya manahimik ka diyan at magpahinga. Malapit na ang festival at hindi ka pwedeng mawala doon."

"Fvck you."....nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo Frost, tandaan mong kaya ka nabubuhay dahil inuutos ko na halos magmakaawa ako para gumaling ka lang kaya wala kang karapatang sumagot at magsabi ng kung anu-ano."....feeling ko dapat wala ako dito. Nagkakainitan na silang mag-ama eh.

"Humiga ka na."

"Manahimik ka nga!"....buong lakas nya akong tinulak at namangha ako dahil tumama na naman yung likod ko sa matigas na pader. Napangiti na lang ako. Sabi na eh, magrarambulan lang kami dito. Unti-unti akong tumayo. Medyo masakit yung impact non.

"ORION FROST!"....galit na sigaw sa kaniya ni Punong Maestro.

"Wala akong pakialam kung siya ang kailangan ng katawan ko, hindi ko kailangan ng isang Full Elemental Mage sa harap ko, baka nakakalimutan nyong sila ang dahilan kung bakit wala na si Mama!"....sigaw nya sa tatay niya. Nanatili lang akong nakatayo at inaalalayan ang sarili ko.

"Orion Frost , inuutusan kitang manahimik hindi bilang tatay mo kundi bilang Punong Maestro."

"Anong paki-alam ko sayo? Isa kang punong maestro na walang magawa sa unti-unting pag-gunaw ng mundong 'to. Iyan, yang babae na yan ang pinagmamalaki nyo? Walang kwenta."

"Frost, itigil mo ang bibig mo."

"Bakit ko ititigil? Totoo naman lahat ng sinasabi ko."

"Orion Frost 'wag mong hintaying patahimikin kita."

"Pa, matagal na akong walang takot sa inyo."

"Aba't!"....lalapitan na sana ni Punong Maestro ang anak niya pero sumigaw ako

"Tama na po, aalis na lang po muna ako kung iyon ang gusto niya."

"Hoy babae, wag na wag ka nang babalik dito. Walang kwenta ang lahi mo, sana hindi na lang kayo nabuhay. Wala kang kwent kaya umalis ka na sa harap ko."

"Fine, kung iyon ang magpapasaya sayo. Get well soon Orion.".....madiin kong sabi sa kaniya. Mas nakita ko ang galit sa mukha niya ng tinawag ko siyang Orion. Kahit nangingilid ang luha ko dahil sa sinabi niya , hindi ko pinahalata ito kaya mabilis akong lumabas sa kwarto niya. Napahawak ako sa likod ko dahil sa sobrang sakit. Hindi pa nga ako tuluyang nakakarecover sa unang ginawa niya, napangalawahan pa. Unti-unti akong naglakad pababa sa hagdan.

"Nandito ka lang pala"....hinihingal na sabi ni Collins sa akin.

"May pinagawa lang si Punong Maestro"

"Teka nga, umiiyak ka ba?"....mabilis kong pinunasan ang mukha ko at naramdaman ko nga ang mg luha ko.

"Hindi, napuwing lang."

Mage AcademyWhere stories live. Discover now