Kabanata 40

48.9K 1.6K 49
                                    

Frost's P.O.V

Magsisimula na ang ball pero wala pa rin siya. Nandito na kaming lahat sa labas at handa ng pumasok sa loob.

"Kuya!"...nagulat ako bigla kay Loki.

"Anong kailangan mo?".....tanong ko sa kaniya.

"Wala po"...nakangiti niya ulit na sagot, tinanguan ko lang siya. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari. Hindi ko dapat ginawa 'yon baka mas lalo siyang nagalit sa akin. Napahawak ako sa ulo ko nabigla ako ng may kumawit sa isa kong braso.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"....seryoso kong tanong kay Calisha

"Hindi ka pwedeng pumasok ng walang kadate kaya ginagawan na kita ng pabor".....nakangiti niyang sagot sa akin, kakalasin ko na ang hawak niya sa akin ng biglng bumukas ang pintuan. Bwisit namn oh.

"Master Frost and Calisha".....may mga nandito na pala at mukhang hindi sila intiresado sa entourage kaya pumasok na lang sila dito para maging tiga-palakpak. Umakyat kami sa stage kung nasaan ang mga Head Master, Head Mistress at si Papa. Si Alyana ang naging date kunwari ni Loki. Masyadong bata si Loki para kay Alyana.

"Hijo, napakagwapo mo pa rin"....bati sa akin ni Professor Dandeliona

"Ganoon din po kayo, hindi po kumukulas ng kagandahan nyo."....sabay ngiti ko ng matamis sa kanila. Nakipagkamay ako sa kanilang lahat bago maupo sa inassign na upuan para sa amin. Nasa gitna naming dalawa ni Collins si Loki at mukhang masaya si Loki ngayon.

"Kyle Nightmare and Hailey Chale Willock"

"Kevin Sky and Corrine Gilfire"

That's her new friends, Hailey the strongest witch. Naalala ko na naman si Avi, ayoko naman talaga dito kung wala siya pero ewan ko ba. Naguguluhan na din ako. Patuloy lang ang pagpasok ng mga estudyante galing sa iba't ibang paaralan habang ako dito iritang irita na, hindi ko makita si Caspian. San na naman ba nagsususuot 'yon?

"Everyone!"....tumahimik ang lahat ng tumayo na si Papa

"Gusto ko lang kayong pormal na i-welcome sa ating taunang pista. Welcome to Magic Fest Grand Ball students! Maraming salamat sa inyo at kayo ay dumalo. Malaking bagay ito para sa aming lahat na Mage. Maging masaya sana ang buong gabing ito para sa ating lahat. Hindi ko na hahabaan pa dahil alam kong handang handa na kayong magsimula"....napairap na lang ako sa kawalan, para nga sa akin masyado ng mahaba ang speech niya eh. Nagsimula na sila habang ako dito nakaupo at tinitingnan lang silang lahat.

Napukaw ng atensyon ko ang pag-alis nila Hailey. Saan naman sila pupunta sa oras na ito? Shoot! Nakita ko na si Caspian, mukhang kinausap siya nila Hailey bago umalis.

"Kuya, ayos ka lang?"...malambing na tanong sa akin ni Loki. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa kaniya hindi niya pa rin magawng magalit sa akin. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.

"Ayos lang ako, hindi ka pa ba nagugutom?Magpasama ka kay Alyana sa baba para kumuha ng pagkain."

"Sige po"....tumayo naman siya at masayang nagpasama kay Alyana.

"Kuya, long time no see. Namiss kita."....nakangising bati sa akin ni Collins.

"Hindi kita namiss kaya tumigil ka"....seryosong sagot ko sa kaniya at hindi ko man lang siya tiningnan habang sinasagot ko siya bakit pa? Bakit ako mag-aaksaya ng oras sa kaniya? May isang babae akong gustong makita ngayong gabi at naiirita ako dahil wala pa soya. Kung wala siyang magagawang matino at iinisin lang ako mabuti pang manahimik siya dahil iritang irita na ako ngayon at gusto nya pa yatang dagdagan

"Bakit wala siya?"

"Wala ka ng pake doon"

"Kuya, may paki ako dahil kaibigan ko siya."

Mage AcademyWhere stories live. Discover now