#KasalananngpagIbig

63 2 0
                                    


Mahal, naalala mo pa ba yung pakiramdam noong mahal mo pa ako?

O nakalimutan mo na lahat, maging ako mismo?

Pero mahal,

wag kang mag alala, hindi kita sinisisi.

Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari.

Kasalanan ko ito na dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo dati,

Ay nagbulag-bulagan ako, kahit alam kong sayo ako ay may kahati.

Mahal, wag mo sanang iisiping ikaw ang may kasalanan,

Siguro sa ating dalawa ako talaga ang may pagkukulang,

Kaya iniwan mo ako ng walang pag aalinlangan.

Mahal, wala kang kasalanan, akin nang naiintindihan.

Na sa modernong panahong ito, kasalanan na ang magmahal ng lubusan.

~KEY_BOARD

0642082417

Mga Tula ni Key_boardWhere stories live. Discover now