AYAW KO NA NG LARO, LALO NA NG TAGU-TAGUAN.

76 5 4
                                    


  Ayaw ko na ng laro, Lalo na ng tagu taguan. 

 Kasi mukhang tapos na ang lahat,

 Hindi pa kita natatagpuan.

 Hindi ko parin makorner ang iyong tunay nararamdaman,

 Kahit na alam kong laro, masakit parin pala kapag alam mong pinaglalaruan ka lang.


 Kapag ako ang taya, 

 Pakiusap wag ka na mandaya.

 Kasi ako nga kusa nang nagpapakita, 

 Pero hanggang ngayon hindi mo parin nahahalata. 


 Ewan kung madaya ka ba talaga, 

 O nag aalala na.

 Na baka sa laro ito'y mapagod na tayong dalawa. 

 Na sa sobrang galing nating magtago ay mapagod na sa paghahanap,

 At sa pagtatapos na mauwi ang lahat. 


Seryoso na muna, walang biro

 kasi medyo magulo na, medyo madugo.

 Suko na ako, ayaw ko ng magtago. 

 OO NA. MAHAL NA KITA! Walang preno, walang hinto. 

Tapusin na natin to, tama na ang laro.  


~


August 14, 2018


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula ni Key_boardWhere stories live. Discover now