chapter 19

4.6K 64 3
                                    

kasalukuyang Nasa bahay ampunan si Chiffy binisita niya ang panibagong charity na kanyang susuportahan . Mga batang 13 na pataas ang nakatira dito at timing na may activity doon ngayon kung saan ipapamalas nila ang kanilang talento . Nakalumbabang nag aantay ng susunod na batang mag sasalita . Bukas na siya hahatulan ng bitay . Bukas na siya uuwi sa bahay nila ni kim for 2 months magsasama sila . Mahirap pero sana kayanin niya .. Rerendahan nalang niya ang puso niya . Pero paano .??????..

Hello po !!!! Ang tinig na pumukaw sa isip niyang magulo ..

Inihahandog ko po ito sa mga taong umaasa. 11:11 po pamagat nito .. Ito ay ang aking tula salaysay ng bagito na hindi niya namalayang nakatayo na sa entablado habang kong saan saan nglalakbay ang diwa niya ....

Spoken word of poetry ang tawag dito at usong uso ito ngayon sa mga cafe ..

Mapakinggan nga .

Malamig nanaman ang gabi
Ipipikit ko na ang mga mata ko
Para siguro hindi ko maramdaman
Na wala ka sa aking tabi
Para siguro hindi ko maisip
Na siya ngayon ang nasa bisig mo

11:11 na pala
Ipipikit ko muli ang aking mata
Pagkatapos ay titingala
At kakausapin si bathala

Maaari bang siya'y saakin ay ibalik?
Maaari bang siya'y saakin ay muling masabik?
Maaari bang matupad ang aking hiling?
Maaari bang siya'y muling makapiling?

11:12 na
Mga mata ko ay nakasara
Habang humihiling ng himala
Habang tumutulo ang mga luha
Heto parin ako, umaasa

Pero sino bang niloloko ko?

*Kahit ilang 11:11 pa ang dumating
Hindi na siya mapapasakin

Napalunok siya .. Esaktong ganoon ang naramdaman niya nung mga panahong iniwan siya ni kim na mag isa .. kuhang kuha ng mga tulang iyon . Talented na mga bata sapol sa kaibuturan ng puso niya ang tula .

Sumunod ang Isang dalagita . Hello po . Para po ito sa mga Nagmahal , Hindi minamahal ng minamahal , Nasaktan , Hindi pa nakaka move on. Siya ba ang muse ng mga batang ito ? . Kulang na lang ay maglupasay siya sa patama ng mga tulang iyon .

Ang pamagat po nito ay GaGo.. Napatawa siya sa title nito .. hehehehe parang asawa niya lang Gago .

Dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Yung araw na di na tayo nagpapansinan
Hindi ko man to dapat nararamdaman
Pero sa sobrang pagmamahal di ko na to kaya pang pigilan

Alam ko naman na ako'y isang hamak lang na kaibigan
At hinding hindi mapapasayo kailanman
Alam mo ba kung bakit hindi ako nagbabago?
Kasi mahal kita. Oo, mahal kita. gago

Minura kita kasi kailanman di mo naman ako kayang mahalin
Minura kita kasi ang tanga mo para di ako pansinin
Ngayon ako itong nagpapakatanga kapapantasya sayo
Oo gago rin ako para maghintay sa pagmamahal mo

Napabuntong hininga siya ... Oo gago ang asawa niya ... Pero mas gaga siya...........

Love and hate series : Valderama Sisters The Lost sheep(Lea Isabelle) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon