Chapter 1: Love Story?

5.8K 195 17
                                    

Luther's POV

Back when I was a kid, I always dream to become a doctor. Gusto 'kong tulungan 'yung mga taong may karamdaman. I think, it's kinda cool wearing a lab coat with stethoscope on your neck.

I strived so hard in my studies back when I was in college. Hindi madali ang mag-aral para maging doctor. It takes a lot of tears and money.

Luckily, natupad ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap. I'm Dr. Luther Velasco and I'm one of the most in demand cardiothoracic surgeon here at this huge hospital.

Actually, masyado pa akong bata para sa isang doctor. I know that I'm good-looking. Sabi nga nila, hot doctor raw ako hahahah.

Nakaka-stress... Minsan, gusto ko nang matunaw dito sa trabaho ko but I believe that being a doctor is more than just a job. I am here to save lives of my patients.

Pumasok muna ako sa office ko para ayusin ang mga gamit. I always come to work early. Sobrang dedicated ako dito sa trabaho ko.

Paglabas ko ng office ay nakasalubong ko naman sa daan ang head nurse.

"Good morning Dr. Luther!"

I smiled at her...

"Nabalitaan mo na ba doc? May bagong nurse raw ngayon dito sa hospital. Mamaya siya magsisimula."

Umiling-iling na lang ako. I don't usually talk. Siguro, sa mga ka-close ko lang. Masyado na kasi akong nag-mature dahil sa trabaho ko.

"Doc, I saw him earlier at the lobby. Grabe, ang gwapo rin niya! Mukhang may ka-kumpitensya ka na hahahah."

I laughed because of what she said...

A nurse? Actually, mas interested ako kung doctor din na kagaya ko.

May edad na ang head nurse namin pero masayahin pa rin siya.

"Sige po, kakain muna ako sa cafeteria," sabi ko.

Lalakad na sana ako para kumain sa cafeteria pero bigla na lang may nagkagulo. Tumingin ako sa hallway at may pasyente na namang sinusugod sa emergency room.

"Call Dr. Gomez!" A nurse shouted.

Jusko po! Matanda na si Dr. Gomez. Baka hindi na niya maabutan ang pasyente kahit na tumakbo pa siya.

Honestly, sanay na sanay na ako sa mga ganitong scene sa hospital. Tumakbo na lang ako kaagad papunta sa pasyente.

"No need for Dr. Gomez, I'm here..."

Mukhang malala ang nangyari dito sa pasyente. I'm checking him while running to the ER.

Nalaman ko na nasagasaan pala ang pasyente. May bali ang rib cage niya. Too bad... I really need to save him. This kind of fracture cannot easily be treated.

Puro dugo na rin ang lab coat ko dahil sa pasyente. Tumatakbo rin ang mga kasama ng pasyente habang umiiyak.

Kailangan ko na siyang operahan kaagad para maging stable ang lagay niya. Ilang oras din ang inabot ng surgery. Kawawa naman ang pasyente.

Nagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. The patient needs to stay in this hospital for long. Mabuti at wala namang fracture ang ulo niya dahil mas may chance talaga na makaligtas kapag katawan lang ang may injury.

Lumabas na ako ng ER at tinanggal ko na ang gloves at face mask.

"Kamusta na po ang asawa ko?" Umiiyak na tanong ng babae.

"Don't worry, stable naman ang lagay niya ngayon. I just need to check him again just to make sure. 'Wag po kayong mag-alala, magiging ok rin siya," Magalang 'kong sabi.

Perfect TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon