Chapter 11 : Mystic Circle

6 0 0
                                    

"Yah" sigaw ko at pinalakad na ang aking daustius para sundan si Headmistress Astrid. Nang ako ay pumasok na sa tarangkahan ay napansin ko kaagad ang kapal ng pader at ng tarangkahan na sa palagay ko ay tatlong metro ang kapal. "Bakit kailangang ganito kataas at kakapal ang tarangkahan ng paaralang ito?" takang tanong ko sa aking isipan dahil parang may kakaiba sa lugar na ito. Though, I know that this world is strange to begin with pero pakiramdam ko talaga ay mayroong mali. It's like they're trying to seclude this school to the world na para bang isa itong preso na may halimaw na nakakulong o di kaya ay mayroon itong iniiwasan sa labas ng mga pader nito.

"This world is not the safest place for you after all" may pag-papakahulugang saad ni Headmistress na hindi ko namalayang kasabay ko na pala. "Creepy" medyo tumataas ang balahibo kong saad sa aking isip. Naguguluhang tinignan ko si Headmistress na ngayon ay nakangisi.

"Did I scare you that much? haha I guess your mom didn't tell you yet pero don't worry you'll find out soon kaya naman don't drive your curiosity too much" natatawang saad nito habang ang kanyang mukha ay maaliwalas ng tignan. "B-bipolar"

"U-uhmmm okay po" tipid na tugon ko na naman at sinuri na lamang ang daang tinatahak namin. "Puno" All I can see on both side of our path are tall trees. Those tress don't look magical to me and they seem to be the normal trees that we have on mortal world. The thick branches of the trees and the fog gave me an impression of a scary forest where horror and suspense films are taken at  parang sa kahit na akong oras ay mayroong lalabas na killer mula sa mga puno. Sa dulo ng daan ay matatanaw naman ang mala-palasyo ang disensyong gusali painted in white. Hindi ko maulunigan ang kabuuhan ng gusali dahil bukod sa malayo ito sa akin ay medyo mahamog din ang paligid. "Must be the academy" ani ko sa aking isipan.

"As you can see, the forest we're seing right now covers excactly three-kilometer radius of the Mystic Circle's area. The area it covers starts from the gate na umaabot hanggang doon lamang" saad nito habang itinuturo ang dulo ng gubat kung saan tanaw ang napakalaking gusali."Sayang naman yung space ng school na ito" nanghihinayang kong saad sa aking isip dahil napakalaking espasyo ang hindi nagagamit ng paaralang ito. "Sabagay, I do get na siguro ay mahalaga sa mundong ito ang kalikasan pero hindi ko naman expected na grabe naman pala sila maglaan ng lupa para sa mga halaman"

"Ah Headmistress, gaano po ba kalaki ang lupang inookupa ng paaralan na ito?" takang tanong ko dahil mukhang malaki yata ang lupaing sakop ng paaralang ito para sayangin lang nila ang three-kilometer radius na lupain.

"One. Hundred. Hectares."  mabagal at tipid na sagot naman nito na parang hindi malaking bagay ang isandaang-ektarya ng lupain para sa kanya. "O-one hundred hectares?!" gulat at hindi maka-paniwalang sigaw ko sa aking isip.

"Ah" malikot ang mata kong tugon na tila sinusuri ang paligid. I mentally snapped and said to myself that I should focus kaya naman ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa daang tinatahak namin.

Tumigil na sa paglalakad ang aming mga daustius at huminto sa harap ng napakalaking gusali. Sinuri ko ang mga haligi nito ng maigi at tinignan ang mabusising disenyo at pag-kaka ukit ng mga simbolo. Ang disenyo naman ng entrance ng gusali ay mapapansing hango sa isang monasteryo dahil puno ito ng cloisters. "Para akong nasa medieval era"

Bumaba na kami sa aming mga daustius at itinali ang aming mga ito sa isang puno malapit sa entrance ng paaralan.

Sinabihan ako ni Headmistress Astrid na sumunod lamang sa kanya kaya akin itong sinundan. Pumasok na kami sa entrance at diretsong tinahak ang pasilyo. Ilang sandali lamang ay huminto kami sa tapat ng dalawang pintong kulay ginto. Kumatok muna si Heamistress bago nito itinulak ang isa sa mga pinto. "Pumasok na tayo" then she entered the room so, I followed her inside.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zaiyah Mythril : UNTOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon