Chapter 13: New Classmate

453 10 0
                                    


LANCE POV

          Pasukan nanaman, nakakatamad talaga pumasok. Pero dahil andyan ang inspirasyon ko papasok ako. Hindi ko nga alam kung ano gagawin ko, nahihiya kasi ako kay Kyla nung makita nya kami ni Amina sa mall. Nakakahiya ano nalang ang sasabihin nya.

          Bumangon na ako at nag ayos ng sarili para sa pagpasok ko. Naisipan kong mag complete uniform ngayon. Sabagay maganda naman ang uniform ng school namin, tsaka bagay na bagay sa akin.

           Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na ako. As usual nakita ko nanaman si Amina. Nagkakain, at halatang kadadating palang galing sa apartment nya. Nakita nya ako at bumati.

"Good Morning! Yvane"  bati nya

"Same" maikli kong sagot na nagpasimangot sa kanya

"Teka, bakit ka nga pala nandito? Ehhh wala ka namang kasama dito sa bahay kundi mga katulong lang" Tanong ko

"Hahaha, nag jojoke ka ba? Di ba sa iyo ni Tito na sabay tayong pumasok magkaklase pa nga tayo ehh" sabi nya ng may ngiti sa kanyang labi

        Napatahimik ako sa sinabi nya. All this time makakasama ko pala sya araw araw at ang malala pa hindi ko na mababantayan si Kyla. Napamura nalang ako sa hangin ng malaman ko yun. Bakit ba palagi nalang malas ako?



KYLA POV

         Papasok na ako sa school nagpahatid ako kay manong. Hindi na nga pala nagpaparamdam sa akin yung bakulaw na yun simula nung nakita ko sya sa mall.

         Nakakainis man kasi ang lapit lapit lang namin pero di ko sya nakakausap palaging may kausap sa telepono. Sino kaya yun?

          By the way andito na ako sa school. Nakaksura lang kasi lahat ng tao naka tingin sa akin, ehh pano hindi titingin?  Hello? Nanalo ako ng pageant ehh.  Bigla nalang may lumapit sa akin na lalaki, ano kailangan kaya nito?

"Ate pwede po bang mag pa picture?" Sabi nya sa akin siguro mga 1st year college palang ito

"Okay yun lang pala ehhh, sige" sagot ko at nagpicture na kami

      Andami din ang nagbati sa akin, hindi ko naman dineadma nakakahiya kaya. Pagpasok ko ng room saktong kadadating lang din nung prof. Nag attendance sya at bigla syang nagsalita.

"Okay class meet your new classmate, Miss Arciga please stand in front and magpakilala ka" sabi nung prof

"Hi i'm Amina Naomi Arciga i'm 19  years old from Canada medyo advance ang studies namin dun kaya hindi na ako mahihirapan maghabol ng subject. I'll hope that we can be friends" sabi nya pa. Paalis na sana sya ng unahan pero bumalik sya at nagsalita ng:

"Oh! I forgot to tell you guys that i'm Lance Yvane Macaro is mine and I'M HIS GIRLFRIEND. Don't you ever try talk to him without any reason or my permission. So back off bitches" sabi nya pa

        As in nagulat ako sa sinabi nya at parang may tumusok sa puso ko nung sinabi nya yung mga huling salita nya. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Siguro may problema ang heartbeat ko. Magpapacheck up nalang ako mamaya.

          Madami ang nagalit sa sinabi nya kanina. Siguro dahil sa ugali nya, hindi ko namaa kasi sya masisi kung ganun sya dahil nga Boyfriend nya si Yvane daw.

I Fall In Love with a Hypebeast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon