Chapter 17: Meeting

395 9 0
                                    


KYLA POV

Hindi ko lang talaga ma gets kung bakit nag pigil si Amira na maging kapartner ako ni Yvane. Sa bagay boyfriend nya yun ehhh, ikaw ba naman ang nasa kalagayan nya? 

     Pero parang hindi naman sila ehh , parang ang layo layo ng loob nila sa isa't isa.

*FLASHBACK*

"No!" Sabi ni Amina

"Bakit naman?" Tanong ni Edsel

"Boyfriend ko sya ehh bakit ba? " pabalik na tanong ni Amina

"Alam mo Amina insecure ka ehh noh? Di mo ba alam na nakakainis din yun? It's just a role play! Bakit ba palagi ka nalang kontra? Kung hindi mo matatanggap na mag kapartner si Kyla at si Jejebuster humanap ka na ng ibang grupo kasi kahit kulang kami ng isa, makakaya namin dahil HINDI KA KAWALAN! So go kung gusto mo na palaging sayo si Yvane, over acting.  At kung gusto mo na ikaw ang bida, aba sumali ka dun kila Monique dun ka magandang bida hindi dito" sabi ni Morisse

"Really? Huh?" Tanong ni Amina na hindi talaga nagpapatalo

"Yes? Bakit umaangal ka? Bago ka palang dito Amina, tandaan mo yan. At hindi mo kami madadala sa pa irap irap mo. You're such a bitch!" Sabi ulit ni Morisse

"How dare you to call be bitch huh?" Tanong ni Amina na akmang sasabunutan na si Morisse

    Pero pumigil si Jerome at nagsalita.

"Guys stop that mahiya naman kayo! Wag kayong ganyan, ikaw kasi Amina wag ganyan ang ugali mo bago ka palang pero kung mag asta ka kala mo matagal ka na dito! At ikaw naman Morisse matuto ka nalang umintindi dahil alam kung mas marami ka ng natutunan dito sa kanya! Kaya kayong dalawa pag hindi pa  kayo tumigil ako mismo ang mag sasabunot sa inyo!" Sabi ni Jerome

   
       Natahimik silang dalawa.
Narealize ko din na okay lang na sya ang maging bida. Bagay naman sila ehh kaya napag desisyonan ko na na...

"Guys si Amina nalang ang gawing nyong bida tsaka tama nga naman sya para naman kasing awkward yun diba? Kaya payag na ako na maging sya ang bida." Sabi ko

*END OF FLASHBACK *

So ganun nga ang nangyari naging bida sya.  Ngayon mag memeeting kami tungkol dun sa role play hinihintay ko lang na sunduin ako ni Lay kababata ko sya.  Nagpahatid ako para naman may pakinabang sya.

   

      After ng ilan ma paghihintay nakarating na ako. Pero parang wala pa si Amina, anong nangyari?

"Hello guys!" Masaya kong bati sa kanila

"Hi" sabi nila

"So? Tara umpisa na tayo?" Tanong ko

"Wala pa nga yung bida ehh" sabi ni Shaniah

Pagkatapos nya nun sabihin dumating na si Amina.

"Hello sorry I'm late" sabi nya

"Bitch!" Sabi ni Morisse na bigla ko namang siniko

"Tara na guys umpisa na tayo" sabi ko

"Okay" sabi nila lahat

"So ganito yun magiging topic natin , yung babaeng bida magiging panget muna sya pansamantala ahh tapos yung lalaki naman gwapo sya hearthrob, mabait, at magalang. Isang araw may gaganapin na prom sa school nila , ayaw pumunta nung babae pero pinilit sya ng mga kaibigan nya na pumunta, so ayun na nga wala naman na syang nagawa. Pag dating nila nag sisimula na sumayaw ang mga tao,  pero sya nakaupo lang sa isang gilid at malapit sa table ng boy, malapit ng mag uwian pero mag aanounce ang emcee which means is ikaw yun Ricci na kumuha na ng last dance, and ikaw naman Yvane bilang bida na lalaki ikaw ang mag aaya sa babae at sya ang isasayaw mo sa huling sayaw mo sa gabing yun. At habang nagsasayaw kayo magkakatitigan lang kayo hanggang matapos yung tugtog. And then close na " mahabang paliwanag ni Morisse

"Okay na yun ang ganda naman ehh" sabi ni Marcus

"Basta yun lang ahh sa susunod na araw na ang simula ng practice natin ha" sabi pa ni Morisse

"Opo mama" sabi naman ni Edsel na ikinatawa ng lahat

"And ikaw pala Kyla ikaw ang isasayaw bago si Amina ha, at ibig sabihin nun kaibigan ni Yvane at pangalawa ka sa huli na isasayaw nya maliwanag ba?" Tanong nya

    Tumango nalang ako bilang pag oo

"Okay guys tapos na ang meeting natin sa chat nalang natin pag usapan ang iba. Bye" sabi ni Morisse at umalis na

At ako na ang sunod na lumabas,  ewan ko ba kung bakit nung sinabi nya na ako ang pangalawa sa pang huli na isasayaw parang may kumirot sa dibdib ko. Ang sakit.

#KayaPaYanKyla
#LabanLangKahitMasakitNa

A/N:

Wag kalimutan mag comment gusto kong makarinig ng opinyon nyo guyssss... please kahit ilan lang ohhh. Thanks

Wag kalimutan mag vote!

Enjoy reading readers!

I Fall In Love with a Hypebeast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon