Chapter 1

45.3K 721 152
                                    

NOTE: KINDLY READ MY LAST NOTE. THANKS!

Chapter 1:Facebook

"Ms. West, stand up!"

Nagulantang ako sa pagsigaw sa akin ng Teacher ko.

"S-Sir..."

Kabado akong napatayo at marahan siyang tiningala. Wala akong ibang makita sa mukha niya kung 'di pagkairita.

"Kanina ka pa nakatulala! Lutang ka nanaman! Lagi ka na lang lutang tuwing nasa klase ko!" Sigaw niya sa akin.

"S-Sorry, Sir..." Pagpapaumanhin ko at tumungo.

"Get out of my class! Meet me in this room at three-PM sharp!"

Napabuntong hininga ako at hinagilap ang bag ko para isukbit iyon sa balikat ko. Kinuha ko ang mga librong hindi ko naman nagalaw tsaka ito binuhat. Sinulyapan ko muna ang mga kaklase kong pinanonood ang bawat paggalaw ko. Inirapan ko sila isa-isa bago ako tumalikod at lumabas ng classroom na iyon para tumungo sa library kung saan gusto akong papuntahin ni Sir.

Ano bang magagawa ko? Pinapupunta ako dito ni Sir at para wala nang gulo pa ay susunod na lang ako sa kaniya. Tinatamad akong makipag-diskusyunan kaya gagawin ko ang gusto niya ngayon. Ngayon lang naman. Ganyan na talaga si Sir, ayaw na ayaw talaga niya ng lutang sa klase niya. Ewan ko ba kung bakit lutang na lutang ako tuwing nasa klase n'ya ako.

Gwapo naman 'yan si Sir, e. Matangkad, maputi, mabait, nakalalaglag panga at panty para sa karamihan ngunit 'wag nila akong igaya sa kanila. Kahit pa ganito ang itsura ni Sir, nagmumukha pa rin siyang tatandang binata dahil palagi na lang mainit ang ulo niya. Siya ang pinakagwapong teacher dito sa University'ng ito kaya lahat na lang ng estudyante dito ay may gusto sa kaniya, kahit ibang teacher pa nga,e.

Mabait naman yan, medyo strict at mainitin ang ulo lang talaga.Siya ang ultimate crush ng mga kaibigan ko pero ewan ko ba kung bakit hindi ako natatamaan sa charm n'ya.

Siguro dahil hindi pa ako nakakamove on sa ex ko? I don't know. Wala,e. Mahal ko pa. Paano ako magkakagusto sa iba kung iisa lang naman ang gusto ng puso ko kahit wala nang pag-asa?

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating ako sa library. Medyo may kalayuan iyon sa building na pinanggalingan ko kaya ilang minuto ang inabot para makarating ako sa loob. Nang makapasok ako ay naghanap agad ako ng mauupuan at doon na sinayang ang oras ko.

Keith:
Anong balita? Nakita ko si Sir, ah?

Sino pa bang sir?? E 'di si Sir Arvin. Sir Arvin Llaneza, hot but strict sya. Gwapo but masungit. Intelligent and smart. Oh? Saan pa kayo?? Sa kanya na! Insert sarcasm on my previous statement.

I'm Catriona and I'm taking up Culinary, mahilig kasi akong magluto at iyon na talaga ang ginagawa ko simula pagkabata ko.May business na din kaming mga restaurants sa mga malls, Culinary din kasi ang kinuha ni Mommy but si Daddy ang kinuha dati ay Business Management.

Binasa ko pa ang ibang text ng kaibigan ko.

Thea:
How are you? Nasigawan ka? Where are you?

Paano naman kaya nakarating sa kaniya na nasigawan na naman ako ng Llaneza na 'yon? Siya lang talaga ang may ganang sigawan ako sa lahat ng naging Teacher ko dito, huh? Kapal.

Erianne:
Saan ka?

Hindi ko na sinagot pa ang mga text ng mga kaibigan ko, bukod kasi sa tinatamad akong magreply ay gusto ko munang mapag-isa. Baka kasi kung sabihin ko ay puntahan pa nila ako dito sa library. Knowing them, hindi mapakali kapag wala ako sa tabi nila na para bang dala-dala ko ang mga buhay nila.

My Professor, My Boyfriend (Professor Duology 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя