Chapter 6

2.7K 45 0
                                    

Celine

Ilang linggo na rin simula nung maging kami. Sobrang sweet nya talaga. Araw-araw syang nagpapadala ng bulaklak. Dumadalaw sya sakin kapag may free sya. At para sakin effort yon. Sobrang swerte ko na si Tots ang girlfriend ko. Wala na kong hihilingin pa.

Nalaman na din ng teammates ko nung isang gabi na dumalaw si Tots.

Flashback

Nandito kami ngayon sa dorm at nanonood ng movie nang may kumatok sa pinto.

"Ako na." Sabi ko sa kanila.

Pagbukas ko ay yung taong pinakamamahal ko ang nasa harapan ko. May dalang ilang box ng pizza at alam kong para sa team yon.

"Ay si Tots naman pala. Pasok ka Tots." Sabi ni Ate Bernadeth.

Pumasok naman si Tots at inabot ang pizza sa mga teammates ko.

"I think it's time." Bulong nya sakin.

Alam ko na ang ibig nyang sabihin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ay ano yan? Mukhang may sasabihin." Tanong naman ni Marianne.

Loka tong babaeng to. Alam nya na kasi kung ano yung sasabihin namin. Sya ang una kong sinabihan.

"Ah kasi guys. Girlfriend ko na si Celine." Matapang na sabi ni Tots.

Nagulat naman silang lahat at di kalauna'y naghiyawan.

"Sabi na nga ba eh. Real ang ToLine. Shini-ship ko kaya kayo. Buti di kami hopia. Matweet nga." Sabi naman ni Cza.

"Wag!" Mabilis kong sabi sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong nya sakin.

"May mga tao kasing di kami matatanggap at huhusgahan kami. Baka ibash nila si Celine, malapit pa naman ang Finals. Baka di sya makalaro ng maayos. Sa tamang panahon na lang siguro." Mahabang sabi ni Tots at sumang-ayon naman ang lahat.

End of Flashback

Bukas na ang laban namin sa La Salle at kinakabahan na ako. Inspired din syempre.

Nandito kami ngayon sa gym at nagt-training. Break namin ng 5 minutes nang may pumasok sa gym.

"Ayun naman pala. Buti pa si Ceddy may inspiration." Pang-aasar ni Marianne.

"Ahh. Guys may dala akong pagkain don. Para sa inyong lahat." Sabi naman ni Tots at lumapit sa sakin.

"Pawis na pawis ka baby oh! Talikod ka dali punasan ko likod mo." Sabi nya sakin at tumalikod naman ako.

Habang pinupunasan nya yung likod ko ay nandon pa rin yung kakaibang kuryente.

Pagkatapos nyang punasan ay humarap ako sa kanya at hinalikan ako sa noo.

"Kain muna kayo baby." Sabi nya sakin.

"Baby 5 minutes lang kasi break namin eh. Alam mo na? Puspusan." Sabi ko sa kanya.

"Nagpaalam na ko sa Coach mo baby. Pumayag sya na kumain muna kayo." Sabi nya sakin at lumingon ako kay Coach.

Pagtingin ko ay nakain na rin sya at nagthumbs up pa. Natawa naman ako.

"Lakas mo kay Coach baby ah." Sabi ko at hinalikan sya ng mabilis sa labi dahilan para mapangiti sya.

"Ngiting-ngiti. Tara kain ka din baby." Sabi ko sa kanya at pinitik sya sa ilong.

Expect the Unexpected (ToLine)Where stories live. Discover now