KKK (Kala Ko Kami)

1.4K 9 1
                                    


NaKKK ka na ba? Yung mapapasabi ka na lang na "kala ko kami" hindi pala..

Yung feeling na sobrang sweet nya sayo at pakiramdam na tapat pero yun pala hindi ka pa sapat.

Yung feeling na inaalala ka niya parati, mapa-umaga man o gabi.

Yung bungad niya sa twing tatawag siya ay..

"I miss you" kahit na sandali palang kayo nag kahiwalay, tapos magtatapos sa "I love you" kahit na una palang ng pagkikita niyo ay wala namang kayo.

So bakit ganun? Nadala ka nanaman ng mga mabubulaklak na salita at darating nanaman yung araw na mag isa ka na, mag isa ka nanaman.

Tapos iiyak ka nanaman,
Tapos sisisihin mo nanaman ang mundo, kung bakit siya.. bakit siya yung minahal mo..

Bakit kasi.. may mga taong nag papakita ng motibo para umasa tayo? Bakit kasi.. alam naman nila na madali tayo'ng mafall sa mga sweet words tapos pag nasaktan tayo.. tayo pa may kasalanan. Tayo pa kailangan mag adjust.

May nakapagsabi noon na..

Bakit ang mga babae nag aayos?

Bakit ang mga lalaki ay parang ang dali lang nila mag sinungaling?

Kasi daw.. girls fell inlove in using sweet words, while boys fell inlove on physical appearance.

Tapos ito nanaman nasasaktan ka nanaman. Sa taong minsan ka'ng pinakilig, pina-ibig at pinasaya, pinatawa, at ngayon araw-araw, gabi-gabi ka'ng umiiyak.

Nag tatanong sa dilim na baka sakali may sumagot.

Bakit niya ako sinaktan?
Bakit ako?
Bakit ganito?
Bakit?

Dahil ano? Dahil nasaktan ka na rin at pinaglaruan ka na rin kaya gumaganti ka sa mga taong wala namang kinalaman sa nangyari sayo.

Pag naloko ka kasi ng babae man o lalaki.. sasabihin mo'ng "parepareho lang kayo"

Bakit naging shota mo na ba lahat?

Bakit ako yung kailangan magdusa sa kasalanan ng iba?

May nagawa ba ako.. sayo?
May natapakan ba ako?
May kasalanan ba ako?

Kung bakit ka nasaktan noon?

Sapagkakaalam ko wala naman.. wala naman akong kinalaman sainyo noon. Pero bakit ako?

Niminsan ba tinanong mo ako? Kung ano ba nangyayari sakin? Tanungin mo ako ngayon..

Kung bakit ako nag kakaganito.

Nag kakaganito ako dahil pinaramdam mo sakin, na ako lang, na mahal mo ako, na tayo lang walang iba. Pero sa isang iglap may mga dumating at sa isang iglap.. parang wala na lang ako sayo.

Kala ko naman importante
Kala ko naman mahal mo
Kala ko kami.. hindi pala.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now