"Mahal Ko"

331 3 2
                                    



Ito nanaman ako muling mag papahayag ng saloobin ko. Kaibigan, itong mundo sabi nila bilog, alam mo kung bakit? Kasi yung pagmamahal at sakit umiikot lang. Kaibigan, alam mo bang may dulo ang bilog? Oo..yung pinagmulan ng lahat. Pinagmulan kung saan kayo pinagtagpo ay roon din kayo magkakalayo.

Ito nanaman ako nagsusulat ng akda para sayo kaibigan.
Naranasan mo na ba maiwan?
Naranasan mo na ba ipagpalit?
Naranasan mo na ba balewalain?
Naranasan mo na ba magpakatanga?
Siguro? oo? baka?
Tandaan mo kaibigan, iwan ka man ng lahat, ipagpalit ka man ng biglaan, balewalain ka man ng taong iyong mahal at magpakanga dahil nga mahal mo siya.

Ayos lang.. ayos lang yun. Sabi nga nila kung may aalis edi may darating hindi mo man napansin kasi binalewala mo kasi nagpapakatanga ka pa roon sa umalis. Pero sana mapagtanto mo na kaya mong tumayo mag-isa, kaya mo umabante kahit walang nakaabang. Ipagpatuloy mo lang ang paglalakad sa masikip at madilim na daanan. Maging matapang ka sa laban nang iyong istorya.

Ito nanaman ako serysong nagsusulat at nag sasalita sa patagong silid.
Kaibigan, gusto ko lang sabihin sayo na wag ka mag pagamit o mag pakontrol sa iba kasi tandaan mo lahat tayo may kanya kanyang istorya, yung iba sumuko na kasi hindi na talaga kaya, yung iba natapos na kasi tinapos na nang iba ng hindi man lang nila napaghandaan. Yung iba lumalaban pa kasi kaya pa.. kaya pa kasi may naniniwala pa.. kasi may tiwala pa sila sa sarili nila at lalaban pa sila kasi naniniwala silang binigay itong pagsubok na ito kasi may tiwala ang panginoon sa kanila na kaya nila lagpasan ang trahedyang to kasi naniniwala sila. Kaya sana kaibigan, magtiwala ka sa sarili mo na kaya mo pa.

Ito nanaman ako pasimpleng naluluha habang sinusulat itong akdang to. Kaibigan, sa istorya mo ako yung pasali sali na sana kahit papaano matulungan ka.
Sabi ko nga noong nakaraan kapag nagdasal ka mararamdaman mo yung presensya nya pero wala ka makukuhang sagot. Ito ako ngayon.. sana kahit papaano nagawa ko yung tungkulin kong maging maliit na instrumento ng panginoon para masabi sayo na..
Umiyak ka, ayos lang maging mahina, nandito lang ako hindi kita pababayaan kaya wag kang matakot mahal ko.

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now