15🍀📞

371 23 2
                                    

Unknown is calling...

Answer | Reject

"Oh?"

"Chars. Sunbaenim. Lingon ka sa labas ng office mo."

"Nasa labas ka?"

"Wala. Di mo pa ako pwedeng makita."

"Di hindi ako lilingon. Peste talaga."

"Waw ha. May ibibigay lang naman ako sayo."

"Ano ba kasi yun?"

"LUMINGON KA NGA DIBA?"

"Di ako bingi!"

"Argh! Lumingon ka kasi!"

"Ayoko nga. Baka kalokohan nanaman yan."

"Hindi nga to kalokohan eh! Lumingon ka na kasi!"

"Nasan ka ba? Bat nakikita mo ako?"

"Sekreto nga para bibo!"

"Nakikita mo talaga ako?"

"Oo nga kasi! Lingon na sa labas! Dali!"

"Nasa labas ka rin ba?"

"Sabing Sekreto!"

"Di waw. Ayoko na."

"Lumingon ka na please bago kunin ng ibang tao yung regalo ko sayo!"

"Ugh fine."

"Lumingon ka narin."

"Oh My Ghad... hoy ano to?!"

"Labas ka dali. Basahin mo yung note sa loob ng box. You're welcome."

Call ended.

Dali daling lumabas ng opisina niya si Taeyong at bumaba sa may hagdan. Nasa third floor kasi yung office niya.

"Sir Taeyong-"

Lumabas si Taeyong at maingat na tumawid sa daan.

"Grabe talaga ha..."

Hindi na niya binuksan yung sobrang laking box at binuhat ito pabalik ng office niya. Nahihirapan siya sa pag buhat nito kasi mas malaki pa nga sa kanya.

Buti nalang hindi siya nasagasaan sa pagtawid sa daan.

"Tulungan ko na po kayo sir."

"Okay lang." Ngumiti si Taeyong at umakyat sa hagdan daladala yung sobrang laking box.

"Ano kayang laman nito?" Tanong niya sa sarili.

"Fak!" Naiiyak siya nung nabagsakan yung paa niya sa pag bitaw niya sa box para buksan yung pinto.

Binuksan niya yung pinto at binuhat ulit yung box. Inigay niya ito sa may coffee table at hinubad yung sapatos niya para makapatong sa sofa. Mas matagkad pa kasi sa kanya yung box.

Binuksan niya yung box at nanlaki yung mata niya sa nakitang human sized teddy bear.

Kinuha niya ito mula sa box at muntik na nga siyang mahulog sa sofa dahil sa nahihirapan parin siya sa pagbuhat nung teddy bear.

Nakita niya yung note sa may box at pinulot niya yun at binasa.

"Payag si Ten-sunbaenim. Wag lang daw kita sasaktan para hindi niya ako papatayin. Wow... hindi ako nakapaghanda na siya pala ang nawawalang anak ni satanas? Di jowk. So I got his permission already so... it only depends to you now."

Agad siyang tumayo sa tapat ng glass wall niya habang buhat buhat niya yung higanteng teddy bear. Umaasa siyang makita niya yung nagpadala nito. Kahit saglit lang talaga pero wala siyang nakitang tao.

"Ang unfair? Kilala niya ako pero ako hindi ko siya kilala. Nakikita niya ako pero ako hindi ko siya nakikita. Ano to? Lokohan?"

Ibinaba niya yung teddy bear at umupo sa tabi ng teddy bear habang yakap yakap parin ito.

Hinihintay niya parin yung nagpadala nun at nagbabakasakali na makita na siya.

Fanboy? || JaeYong ✔Where stories live. Discover now