21🍀

326 15 3
                                    

Finally! Nakauwi narin si Jaehyun. Nagpaiwan kasi muna sina Ten at Doyoung sa Thailand. Gusto raw makilala ng pamilya ni Ten si Doyoung.

Kailangan na talagang umuwi ni Jehyun kasi bukas na bukas na yung 100th day nila as a couple. Importante kasi yun!

Nakausap niya si Taeyong kanina sa telepono at hula niya sa mga oras na ito, tulog na tulog na yung prinsesa niya.

Inaantok at napapagod na si Jaehyun pero kailangan niya na talagang maghanda para sa surprise niya para kay Taeyong.

Umuwi muna siya sa condo unit niya para makapaghanda. Alas onse na. madilim at malamig na sa labas pero patuloy parin si Jaehyun sa paghanap ng bukas na tindahan ng party supplies.

May nakita siyang isa at agad agad siyang pumasok sa tindahan at bumili ng mga balloons at candles. Umorder din siya ng cake sa kabilang shop.

"Jet lag?" Tanong ng may-ari ng shop. Ngumiti si Jaehyun at tumango.

"Opo Ma'am... kararating ko lang galing Thailand."

"Thailand? Yung anak ko'ng si Dodo di parin umuuwi. Hay nako... namimiss ko na yung batang yun isama mo narin yung kyot at mabait niyang boyfriend na si Ten."

Nanlaki ang mga mata ni Jaehyun sa narinig.

"Mama po ba kayo ni Kim Doyoung?"

"Yeps... bakit mo kilala si Doyoung? May atraso ba sayo ang anak ko?"

"Wala naman po. Ako nga pala si Jung Jaehyun. Sa katunayan kasama ko po sila sa Thailand kanina... well kaming tatlo kasi yung pinadala don."

"Eh bakit di pa umuuwi yung anak ko saka yung son in law ko?"

"Gusto po makilala ni pamilya ni Ten si Doyoung... nauna na po ako kasi 100th day namin bukas ng boypren ko."

"Ay hala! Mamaya ba kamo! Anyways. Heto na order mo. May discount ka pa kasi special day niyo pala ng labs mo saka close kayo ng Baby Doyoung namin saka ni future son in law. Congrats!"

"Thank you po."

"Mauna na po ako."

"Sige Jaehyun. Magingat ka!"

"Salamat po ulit!"

Tumakbo si Jaehyun palapas ng tindahan dala yung cake at bulaklak matapos magbayad... malapit lang naman yung building na tinitirahan ni Taeyong so nilakad lang niya ito.

Tinext niya rin si Yuta at Hansol na buti nalang gising pa dahil nanonood parin ng cartoons dis oras ng gabi.

"Welcome back bro." Bati ng dalawa saka niyakap si Jaehyun.

"Thank you hyungs."

"Si Taeyong?"

"Tulog na."

Tinulungan ni Hansol at Yuta si Jaehyun na mag-set-up ng surprise niya para kay Taeyong. Mabuti nalang yung mga letters na color gold yung gamit nila. Malaking problema kasi kung yung ordinaryo g balloon yung gagamitin nila kasi pag pumutok, wala na...

Natapos sila around one at nag pahinga narin yung magjowa.

Si Jaehyun naman naiwan pa sa kusina at nag-iisip at naghahanda pa kung ano yung lulutuin niya for breakfast.

Matapos siyang magplano kung ano yung gagawin nila ni Taeyong bukas, pumasok siya sa loob ng kwarto ni Taeyong.

Tulog na tulog nga yung prinsesa niya habang yakap yakap si Jaeyong, Yung teddy bear.

Hinubad muna ni Jaehyun yung hoodie at belt niya bago inalis si Taeyong kay JaeYong. Dahan dahang umakyat si Jaehyun sa Kama ni Taeyong at humiga.

Niyakap niya si Taeyong saka bumulong ng;

"Bhe... nandito na ako... happy 100 days. Hihi."

Agad namang nagising si Taeyong at nanlaki yung mata niya nung naramdaman niya ang yakap ni Jaehyun at narinig niya ang boses ni Jaehyun.

Hindi niya maiwasang umiyak sa saya at niyakap si Jaehyun ng mahigpit.

"Yihieee. Na miss niya ako."

"Sobra. Namiss kita sobra."

"Wag ka nang umiyak kasi three days yung break ko. Magdiwang tayo bhe!"

Ngumiti lang si Taeyong at tumango. Hinalikan siya ni Jaehyun sa noo at mas lumapad yung ngiti niya.

Namiss niya talaga si Jaehyun.

"Tulog kana ulit bhe. Mahaba pa ang araw natin bukas."

"Ikaw rin. Alam ko'ng pagod ka sa biyahe."

"Hoy. Mas pumayat ka!"

Tumawa lang si Taeyong at di maiwasan ni Jaehyun na kurutin yung pisngi niya. Ang kyot kyot talaga ni Taeyong pag tumawa. Nakakawala ng pagod...

Fanboy? || JaeYong ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon