Chapter 5

32.4K 793 14
                                    

Nagtaxi lamang sila patungo sa grocery store at mabilis naman silang nakapamili dahil walang masyadong tao. Nag taxi lang din sila pabalik sa bahay ni Snow at nang makarating sila doon ay nandoon si Lexious at nanonood ng tv sa living room.

"Daddy! I'm home na po!" Sigaw ni Thor at nagtatakbo kay Lexious at kaagad na kinandong naman ito ng binata.

Siya naman ay nakangiting naglakad patungo sa kusina at inayos ang mga pinamili nila. Nagulat na lang siya ng biglang may kamay na pumulupot sa bewang niya.

"Iniwan niyo ako dito." Parang nagtatampong sambit ni Lexious at inilagay nito ang baba nito sa may leeg niya.

Siya naman ay parang kinapos ng hininga. Napakalapit ni Lexious sa kaniya at kinakabahan siya. Hindi siya nakapagsalita o nakagalaw man lang kaya naman natatawang humiwalay si Lexious sa kaniya.

He kissed her cheek and smiled at her.

"Anyway, may dala akong mga damit kaya dito ako titigil ng ilang araw. Okay lang ba?" Tanong nito sa kaniya at sumandal pa ito sa island counter.

Para namang may sariling isip ang ulo niya at tumango ito. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Lexious.

"Nice. And bukas ihatid mo na lang si Thor sa school niya then pwede ka nang umuwi para makapagpahinga ka naman. Ako na lang ang susundo sa kaniya pagkatapos ng trabaho ko. Maaga naman akong matatapos bukas." Sambit pa nito kaya naman kaagad siyang umimik.

"Hindi mo naman kailangan na gawin yon." Sambit niya rito pero nagkibit balikat naman ang binata.

"But I want to, kaya makinig ka na lang okay?" Anito at lumapit sa kaniya bago siya mabilis na hinalikan sa labi at ngumisi.

Tinalikuran siya nito at lumabas ng kusina kaya naman napahawak siya sa dibdib niya.

What is that man doing to me? Diyos ko Zshana! May anak ka na!

Nang matapos siya sa ginagawa niya sa kusina ay nagluto na rin siya ng hapunan nila. Nagluto lang siya ng fried chicken dahil paborito itong ulam ni Thor bago siya pumunta sa living room para tawagin si Lexious at si Thor.

Nakita niya naman na parehas nanonood ang dalawa ng tv habang nakakandong pa rin si Thor kay Lexious at nakasandal ito sa dibdib ng binata.

Parang may kamay na humaplos sa puso niya nang makita niya ang dalawa. Ganito ba ang pakiramdam na makita na mayroong ama ang anak niya?

Lumapit naman siya sa dalawa at kaagad siyang tiningnan ng mga ito. Sabay pang lumingon ang anak niya at si Lexious kaya naman napangiti siya.

They are so cute!

"Mamaya na kayo ulit manood. Kumain na muna tayo." Aniya at pinatay ang tv.

Si Lexious naman ay ibinaba mula sa pagkakaupo sa hita nito ang bata at tumayo.

"Okay. Let's eat then. Come on bud." Anito at si Thor naman ay humawak sa kamay ni Lexious at nauna pang maglakad ang dalawa patungo sa kusina.

Naiiling na nangingiting sinundan niya ang dalawa.

Good God. If this is a dream then I don't want to wake up.

Nang matapos silang kumain ay pinaliguan niya si Thor sa kwarto nila at si Lexious naman ay naroon sa kwarto na titigilan nito at naliligo rin. Pagkatapos na pagkatapos niya namang paliguan ang anak niya ay siya naman ang naligo.

NANG magising si Zshana ay halos atakihin siya sa puso sa gulat ng makita na napakalapit ng mukha ni Lexious sa kaniya.

Dapat ay sa kabilang kwarto ito matutulog kagabi pero si Thor ay ayaw pumayag na hindi nito katabi si Lexious at siya kaya naman dito na natulog ang binata.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora