Chapter 7:Elly is Missing

3 1 0
                                    

Ezel's POV

Gabi na pero nandito pa rin kami kaya gutom na ako siguro naman pati sila nakaramdam na ng gutom.Kaya naisipan kong tumayo na at naisipang pumunta ng kitchen.

"O San ka pupunta ezel?"

"Sa kusina lang,Bakit inaakala mo ba na ako ako ang killer?"

"Hindi naman naniniguro lang."

"Tssk,Mapagkakatiwalaan ako noh!E ikaw?"

Saad ko sabay alis sa pwesto nila.
Kahit ako Hindi ako makapaniwalang may namatay saamin at Hindi namin alam kung sino ang killer.

Sino nga ba Saamin?......

Tumungo ako sa kusina ng makaramdam ako ng malamig na hanging dumaan sa likuran ko.

Kaya naman napalingon ako bigla.

"S-Sino yun?"

Bulong ko sa sarili ko,Binaliwala ko lang yun kasi baka dala lang ng hangin sa labas kasama ang tagaktak  ng ulan.

"Ezel?"

"UY!!!TSK,Ano kaba naman bat ka nanggugulat?"

"Hindi kita ginulat aa."

"Pero nagulat ako."

"Tssk,Ganun ka naba matatakutin?"

"H-Hindi ako bakla noh!Bat ako matatakot?"

"Hindi naman lahat ng Lalaki Hindi natatakot."

"Teka nga,Bakit kaba pumunta dito?"

"Gusto lang naman kita tanungin about sa litrato.San mo nga pala nakuha yun?"

"Dun sa sulok ng may hagdan kaninang umaga,pero teka lang aa paano napunta and litrato na yun dun kung talagang kinuhanan tayo ng litrato malalaglag lang ang kuha na yun dun mismo sa pwesto kung saan kumuha ang killer."

"At lahat tayo bura sa litrato."

"A-Ang ibig mo bang sabihin may pinahihiwatig ang killer saatin?"

"Malamang meron, Is a lang ibig sabihin nun,Gaya sa pamahiin kapag kumuha ka ng litrato at bura ang mga bahagi o mukha nito maaaring mamamatay ka."

"WtF,Wag ka ngang manakot dyan,Naniniwala ka sa pamahiin na yun?"

"Oo naman at bakit hindi?"

"Mga wala naman mga katuturan yang mga pamahiin nayan e."

"Pwes, Kung Hindi ka maniniwala di wag Hindi kita pinipilit."

Paalis na sana siya ng bigla ko nalang siyang hinatak pabalik sa pwesto niya kanina.

"Ano ba?"

"Te-Teka,Kung may kinalaman ang litrato?"

"Ano naman dun?Natatakot ka?"

"Malamang Oo,Lahat naman ata siguro tayo natatakot diba,Bakit Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot."

"O bat parang Hindi ka interesado sa mga sinabi ko?"

"Kung may interes man ano naman kinalaman mo dun?"

"Napansin ko lang aa, Simula nung nakapasok tayo dito kahit ano ano nang nangyayari."

"Hindi kaba nakakaintindi?May iba pang tao dito,Sa tingin mo talaga may papatay?At sa tingin mo talaga babaha ba ng ganyan kataas ang tubig kung may curse ang Mansion na to?At sa tingin mo saatin?Talagang may papatay?"

"Oo naman.Kasi mapagpanggap sila,At ikaw paano mo naman nasabi na may curse nga tong Mansion?"

"Isang tao lang ang pwedeng makasagot kung may curse nga ang Mansion na to?...........Si Elly."

Palagay ko nababasa niya ang isip ko at ang unang babaeng pumasok sa utak ko ay si Elly kasi siya at siya lang ang pwedeng makasagot ng lahat ng katanungan namin.
Umalis na si Clarice at balak Kong sundan siya kaya naman minadali Kong ibinaba ang hawak Kong baso at sinundan siya sa paglalakad.

"Guys do you think makakal---------"
"Nasaan Si Elly?"
"Huh?Nandi---------Huh?Na-Nandito lang siya kanina e,Nasaan na siya?"
"Diba katabi mo lang yun?"
"Akala ko magkayakap kayo?"
"Hindi noh!Bat ko siya yayakapin Hindi kami Close."
"Close ka ba niya?"
"Tssssk."
"ELLYYYY?"
"Uy,wag ka namang sumigaw dyan,Nakakatakot kaya kumukulog pa e."
"Edi matakot ka lang ng matakot,Mamamatay ka kaagad."
"What are you fucking saying?"
"Halina na kayo,Hanapin natin siya."
"Duhhh,Sa ganit-------"
Natigil siya ng tingnan siya ng masama ni Clarice kahit nga ako natawa sa naging reaksyon niya e pinigilan ko nalang.
"Guys,Mas mabuti kung maghihiwa-Hiwalay tayo Sa paghahanap."
"Hanap lang bro,Walang tayo."
"Bakit sinabi ko bang meron?ano ako bakla para patulan ang kagaya mo?"
"Tssk,Wag na nga kayong magtalo,Ako sa way na to."
"Ako rin."
"Ako dito."
"Ako sa taas."
"Kami ni Kalvin sa 2nd floor."
"Kami sa 1st."
"Kami dito."
"Tara,Sigurado akong nandito lang siya."

"Saan na ba yung folder na yun?Nandito lang yun."
*DUG*
"Ugh,G-GUYS?KA-KAYO BA YAN?"
*Dug,Dug,Dig,Dug,Dug,*
"GUYS,HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN AA?"
Palakas ng palakas ang Hindi ko mawaring tunog sa pintuan kaya naman dahan dahan kung kinuha ang mga envelope at bagay na pwede Kong mapukpok kung sino man ang tao sa pinto--Elly
*Gulp*

"Guys,Hindi talaga ako nakikipagbiruan aa?!!"

"ELLYYYYYYYY?ELLY,NASAN KAA?NANDITO KAMI!"
"ELLY!!!ELLYYY NASAN KAAAA?"
"ELLLYYYYYYYYY?!!"

"ELLYYYY,NARIRINIG MOBA KAMII?NASAAAAN KAAA?!"

Kanya kanya kaming sigaw sa kahit saang sulok ng mansion pero Hindi parin namin makita si Elly,kinukutuban na ako sa sitwasyon ngayon e.
Para bang kutob ko siya yung killer at nagaantay na lang na mabibiktima.
"ELLYYYYYYYY?NASAAAA------UGH,B-Bakit?"
"Hindi kaba nanghihinala ngayon?Nawawala si Elly at may kutob ako na------"
"Siya ang killer?Oo lagi ka namang may kutob sa iba e Hindi mo muna siguraduhin ang mga nangyayari bago ka magsabi ng kutob-Kutob mo sa ibang tao."
"Hindi ko naman pinapahiwatig na siya talaga ang killer e,Kinukutuban lang talaga ako."
"Wag mong isipin na siya talaga ang may pakana bang lahat ng to,Kasi alam Kong inosente siya."
"Paano mo naman nasabi yan sakanya?"
"Kasi mas kilala ko siya kesa sayo."
"Haayst,ituloy na nga lang natin ang paghahanap."

"ELLYYYYYY?ELLYYY NASAAN KAAAA?"
"ELLYYYYYY?"
"ELLY!NANDITO KAMI."
"ELLYYYYYY?"

"Ugh,ito na nga yun,Teka bakit wala dito yung mga files na dating nakatira dito?"

*Dug,Dug,Dug,Dug*
"Ugh,Si-Sino yan?"
*Dug,Dug,Dug*
Napaatras ako kasi natatakot ako na baka minumulto nila ako.at alam Kong sila yun.
"Ell----Elly?Ba-Bakit,Saan kaba nagpupupunta?A-Ano yang hawak mo?"
"Tsaka,Bakit may Lubid dyan?"

Tanong ko ng kinakabahan pa.
Habang nakaseryosong tingin naman si Clarice na lumapit Kay Elly.
"Anong hinahanap mo?"
Tanong niya sabay ikot ng tingin sa paligid.
"Umm,Ezel,Pwede mo bang isara muna ang pinto?"
"Ba-Bakit ko naman gagawin yun?"
Kinukutuban talaga ako sa inuutos niya saakin?Bakit ko naman isasara ang pinto?Ano bang balak niyang gawin?
"Clarice,Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa ganitong sitwasyon pero naguguluhan na ako,Tingin ko May iba nga tayong kasa-kasama dito."
"Oo Meron talaga Elly."
"Hoy,Clarice wag ka ngang manakot dyan."
"Bakit natatakot kaba?Pwes nananakot nga ako."
"Hindi na kasi nakakatawa."
"May nakakatawa ba sa mga sinasabi ko?"
"Teka,Tama na muna yan,Sa ngayon kailangan Kong alamin kung saan nilagay ng lolo ko yung files ng unang nakatira dito bago siya mamatay."
"Teka!Patay na ang lolo mo?"
"Oo,Pinamana niya ang Mansion na to Kay Mama pero nabaliw si mama since tumira kami dito at binalewala ko lang yun kasi dating may sakit si Mama sa pagiisip niya."
"So anong hinala mo na ngayon?"
"May kutob ako na Takot at Gulat ang ikinamatay ni Jason."
Kinilabutan ako sa mga sinabi niya sa harap namin ni Clarice kaya napalunok nalang ako.

The Haunted MansionWhere stories live. Discover now