Chapter 11

4 1 0
                                    

Clarice's POV

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon malakas parin ang kutob na may kinalaman talaga tong  mansion sa pagkamatay nina Anny at Jason at Kay Marie.Hindi ko man alam ang sagot ay gagawin ko ang lahat para matuklasan lahat ng yun.

"Clarice,nagising ka ata?"-Cloe

" Oo e,Ikaw bat Hindi kapa natutulog?"

Tanong ko,Kaming dalawa lang ang gising at lahat sila tulog ng mahimbing habang nakasara naman ang pinto na tinapalan pa ng mga tela at ikinabit sa bakal ng bintana.

*BLAG*

"HA!"

Nagulat kami ni Cloe ng biglang nasira ang pinto at pumasok ang malakas at malamig na hangin.

"AHHHHH!CLOE TULOONGGGG!"

Isang aninong itim ang bumalot saakin at kinaladkad ako papalabas.
Dahil sa malakas na sigaw ko ay lahat sila nagising at nataranta habang hinihila parin ako ni Cloe papasok pero Hindi parin ako makawala sa itim na yun,Hindi ako makahinga at wala rin akong makita pero nararamdaman ko ang paghatak at paghawak ng mahigpit ni Cloe sa kamay ko.

"CLARICE,W-WAG KANG BIBITAW!LABANAN MO SIYAAA!"-Cloe

Pilit ko mang kumawala sa maitim na bumabalot saakin ay Hindi ko magawa at dahil sa ramdam ko ay may humawak na mga kamay sa nakawala kong kamay at sa Hindi ko maipaliwanag na lamig ang humahatak din saakin.

" CLARICE,HAYAAN MO NANG SUMAMA KA SAAMIN.ITO ANG KAPALARAN MO!"

Isang boses lalaki at babae ang naririnig ko habang bumabalot saakin ang itim na aura at alam Kong boses iyun ni Jason at Anny,Sinusubukan nila akong isama sakanila pakabilang buhay.At dahil sa unti unti na akong Hindi makahinga at tuluyan nang nahilo at nakadama ng sakit sa dibdib.

Cloe's POV

"CLARICE,W-WAG KANG BIBITAW!LABANAN MO SIYAAAA!"

Isang malakas na sigaw ang sinabi ko sakanya habang bumabalot sakanya ang itim na aura at para bang unti unti niyang pinapatay si Clarice sa loob nun.
Lahat kami humatak sakanya at dahil sa sobrang lakas ng aura na yun ay kahit siguro ilan pang tao ang humatak Kay Clarice ay Hindi makakahatak.

"Guys,Walang titigil!"-Elly

" H-Hindi ko na kaya,Masyado siyang malakas e!"-Sandra

"Ibigay niyo na ang purong lakas niyo!"-Mike

" Isang bagay lang ang makakatalo sa kadiliman na yan,At yun ay ang Krus!"-Steve

Kinuha ni Steve ang krus o kung tawaging Rosaryo,Pero Hindi namin maabot ang kamay niya kasi patuloy na itong papalabas ng pinto.

"IBATO MOOOOO!"
Sigaw namin ng sabay sabay ngunit Hindi ito naabutan ng kwintas at patuloy na nga itong nawala kasama si Clarice sa imahe naming lahat.

"Huhuhuhu,Ano nang gagawin natin Joshua, Wala na si Clarice huhu paano na toooo?"-Jeca

Malalim na ang gabi ng mangyari ang bagay na yun.
Sa ngayon naghahanda kami ng mga kagamitang pwedeng ipanlaban sa masasamang ispiritu at para hanapin si Clarice.
Pilit ko mang ikalma ang sarili ko pero Hindi ko magawa.
Sobrang kaba at takot ang naramdaman ko nang biglang mangyari ang Hindi namin inaasahan nung mga oras na yun.

Other's POV

" he he he he he,Clarice ikaw naba yan?Heheh sobrang ganda mo na at ang tangkad mo."

Isang malambot na boses ang maririnig mo mula sa Isang madilim na bahagi ng sulukan kung saan marahang ibinaba ng itim na aura si Clarice sa papag nun.

The Haunted MansionWhere stories live. Discover now