I am Velt

6 1 0
                                    


The best part of being alive is witnessing with your bare eyes the wonders of this beautiful world: iyan palagi ang sinasabi ko sa sarili ko. Iyong tipong kahit nakakapagod bumangon minsan pero kailangan, kasi iyan lang naman ang tanging makakapagpakita ng iyong pagpapasalamat na ika'y nabiyayaan pa muli ng isang pagkakataong bigyan ng kahulugan ang magandang araw na naibigay sa'yo.

Ako nga pala si Velt. Hindi po ako makata, sadyang mala-Lakandiwa lamang kung mag-isip. Minsan.

Nag-aaral ako dati sa isang napaka-prestihiyosong unibersidad sa isa sa mga probinsiya sa Silangang bahagi ng Visayas. Unfortunately, di ko natapos ang aking pinangarap na kurso dahil nga sa pinansiyal na pagkukulang.

Nonetheless, masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Masaya kasi, I am separately, living away from my parents. Meaning, I am an independent young lad.

I don't mean to sound crude, I love my family, my parents, my brother and sisters. Hindi ko lang talaga kaya maatim iyong pagiging broken namin. Di kaya ng sistema ko, it was a long time ago yet the wound is still fresh and painful.

Sa kasalukuyan, I am a waiter/guitarist/cashier minsan sa isang café. Well, it's not an ordinary café, may kalakihan din kasi siya. It's part of a building which consists of four divisions and every divisions have three separate floors.

The first division is a fancy restaurant - I've never been assigned to this division kasi nga it requires high-standards from the crew and everyone working is just expert and flawless, iyong tipong kahit paghawak man lang ng tray napaka pro tingnan! Nakaka "whoo" minsan, para akong tange.

Anyway, ang second division naman is a paradise-themed garden na café, dito ako naka-assign as a waiter, minsan cashier kapag may pasok sa school ang ibang kasama namin.

Yep, you heard it there are working students here. Kung bakit di ako nag apply as a working student here? Well, may dahilan.

So, dito na nga tayo sa second division. This isn't themed only for girls but for general. This is like a place where you can find comfort after a long stressful day at work, or you can have your studies here while nagkakape.

Minsan, may mga parents din na animo'y dito nag pi-picnic. Every floor kasi has a corresponding setting. Sa first, if you have friends and want to have sweet snacks together- dito kayo pwede.

Sa second floor naman is for the family na gusto nga mag picnic, but the food will be ordered, no bringing of food galing sa labas kumbaga.

And the the third, the silent library. Minsan kasi may mga students na napunta sa café, kaya naisipan ng manager namin na gumawa ng separate floor para sa kanila, para naman mas maramdaman nila ang pag-aaral.

May mga available books din para naman sa mga gusto lang magrelax.
At sa tatlong palapag, ito ang pinakapaborito ko.

Ang third division naman ay isang night out bar. Sa lahat ng divisions ito lang ang palaging bukas mula gabi hanggang madaling araw, bar nga kasi.

Minsan, nandito ako as guitarist. May banda kasi, minsan kapag kulang sila, ako na agad ang pinampapalit, alam kasi ng management na medyo maalam ako tumugtog.

Di naman kasi sinasadyang na kwento ko during interview na iyon nga, nag-aala Kamikazee ako. Di naman sa rakista, ano lang, chill lang, parang James Arthur, ganoon.

And ang last na division ay ang aming pinaka function hall. Minsan dito sabay-sabay ang events eh, sa first floor may wedding reception, sa second floor may children's party, sa third floor naman, may kung anong conference meeting gano'n.

Ang maganda lang is that kahit gumawa man ng kahit anong ingay ang bawat palapag, di nakakaabala sa iba kasi gawa ng  sound proof ang bawat rooms.

Pero kahit ganito, safe pa rin. May mga nakaantabay na CCTVs in any cases of emergencies at sobrang higpit ng security kaya ligtas.

This building is very wonderful to me. Sa araw-araw na pagtatrabaho ko kasi dito, nakakapagod man, pero sa tuwing nakakatanggap kami ng mga positibong reaksiyon mula sa madla at nakapagpapasaya kami sa kanila, lahat ng kapaguran nawawala. It was all worth spending the day.

At isa ito sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan kong huwag na munang ipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto ko na lang muna mag focus at ibigay ang isang daang porsyentong lakas ko sa trabaho.

Lalo na't sa araw-araw na pagpapagod ko, isa lamang at bukod-tanging pumapawi sa lahat ng kapaguran ko na animo'y isang napakalaking premyo: ang masilayan lamang ang isang napakamabining tanawin.

Isang mala-anghel sa liwanag, na nagbabantay sa aking lilim na damdamin.

Ako'y nasa tabi lamang nakamasid, siya naman ay nakatungo palagi at ang atensiyon niya'y buo para sa isang aklat na napakapalad.

Kung maaari lamang humiling na maging aklat, ginawa ko na, upang kahit papaano man lang masilayan ko ang kanyang napaka maamong mga mata...................

***********************

At ako nga ay heto na naman at tulala sa kalawakan. Muli ho, inuulit ko, hindi ako makata. Minsan lang. Minsan. Sa tuwing masisilayan ko lamang ang isang diwatang ilang taon ko na ring sa malayo tinatanaw.

At narito sa aking likuran ang aking kaibigan sa trabaho, nangungusisa na naman at ako'y sinusundot-sundot.

"Mukha ka na namang timang diyan 'pol." Sabi ko sa kanya, parang siya pa itong kinikilig.

"Asus, ako pa daw. Eh ikaw nga itong looove struck at STUCK! sa kawalan. Kung ako sa'yo Velt, lapitan mo na. Ako nahihirapan sa'yo eh." Saad niyang para bang nagdadrama. Hayy.

"Oo na po, sige na, wag na dami satsat. Kuhanin mo na order niya at ako na bahala mag prepare. Huwag kalimutan ngumiti ha?" Pisil-pisil ko pa ang pisngi niya pagkasabi ko no'n, sabay talikod.

Makaalis na nga lang at baka maabala ko pa aking anghel na prinsesa.

~~~~~~~~~~~~~~~'''''~~~~~~~~~~~~~~~

Hello po! First story ko po ito... Hope you like it.

Lahat nga po pala ng pangalan ng characters, description of place and events ay pawang kathang-isip ko lamang po. If ever some parts of the stories are familiar to you, well, I think our imaginations are somewhat in sync. 😉

Have a blessed day!! 😘

Can I be HimHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin