This is nerve wrecking...

5 0 0
                                    

The weather is so nice! Naglalakad na ako papuntang bar. Sana di umulan mamaya, ayokong mabasa si Zen.

"Velt!"

Napansin kong may nakaway sa'kin sa malayo. Si kuya Ray pala, ang drummer ng banda.

"Kuya Ray! Musta?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Heto, maliban sa umalis si Troy, ayos lang naman."

Sabay na kaming naglalakad papuntang bar.

"Narinig ko nga po kay Miss Elvie. Uh, malaki po ba problema niya?"

Diretsong nakatingin lang si kuya sa daan.

"Namatay sa aksidente bunsong kapatid nila, nasa ICU naman ang mama niya. Kahapon lang namin  nalaman."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na may halong yelo dahil sa sinabi ni kuya Ray.

Paanong nangyari--

"Sinundo ng mama ni Troy si Trixie, kapatid niya, galing sa school. Habang natawid sila may biglang ten wheeler truck na nawalan ng preno kaya dire-diretso nitong nahagip ang dalawang naunang kotse. Tumilapon sa unahan ang isang kotse, natamaan sa bewang si tita habang nagpagulung-gulong naman si Trixie. Ang bilis ng pangyayari......"

"Dinala sila sa ospital, pero dead-on-arrival na si Trixie dahil sa sobrang daming dugong nawala sa kanya, plus nabasag...... Nabasag na din ang kanang bahagi ng skull niya."

"Kuya....."

Malapit na kami sa bar nang tumigil sa paglalakad si kuya. Napatigil na rin ako. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

"Pumunta dito kahapon si Troy, dala ang CCTV footage na hiningi nya sa mga police...... Hindi namin alam kung paano mag re-react sa nakita namin," mapait na napangiti si kuya at tumungo.

"Nang gabing yon, di kami tumugtog. Hindi namin kayang ikumpas mga kamay namin. Maging si Rex, nanuyo ang lalamunan."

Can I be HimWhere stories live. Discover now