(Cara's POV)"Ano?Natanggal ka na naman sa trabaho?Ano ba naman iyan Cara!,"maagang sermon sa akin ng maganda kung ermat(Mama).Mukhang nasira ko na naman ang umaga niya. "Ilang taon ka na bang ganyan palagi?Akala ko dahil naka-graduate ka na makakatulong kana sa mga gastusin dito sa bahay.Hanggang ngayon pala bubuhayin ka pa rin namin ng Papa mo.Ano ba namang buhay toh!"
Isa siyang public school teacher sa secondary at Filipino subject ang tinuturuan niya.Dati nasa Maynila kami nakatira pero dahil sa isang malaking kontrobersiya na nangyari ay nalipat kami ng Cebu.Kaya dito na ako nakapagtapos ng college.
Si ermat iyong taga-cebu talaga at si erpat naman iyong taga-Maynila.
"Honeypie naman,ang puso mo!,"awat sa kanya ni Papa sabay kindat sa akin.Mabuti na lang hindi iyon nakita ni ermats dahil kung nagkataon.Siguradong may malaking giyera na naman na magaganap.Aawayin na naman nito si erpat dahil kaya daw lumalaki ang ulo ko dahil kinukunsinti niya ako.Well,talagang ganoon lang talaga ang erpats ko.Laging sa akin kumakampi kaya mas close ako sa kanya noon pa man kaysa kay mama.
Isa lang man siyang simpleng tao at may simpleng pangarap sa buhay.Kaya nga sa sobrang simple niyang tao naging simple rin ang trabaho niya.
Tagapag-alaga sa nag-iisa kung kapatid na si Randy ,apat na taon pa lang ang edad.Pero biro lang po iyon!
May trabaho naman po siya maliban diyan.May maliit itong pwesto sa isang mercado na medyo may kalapitan din sa bahay namin.Nagtitinda ito ng mga gulay at prutas sa umaga at naglalako naman ng balot sa gabi.Ganoon po siya ka sipag.
"Sinasabi ko naman kasi sayo noon pa na mag-teacher ka na lang.Pero iyang kurso mo pa rin talaga ang ipinilit mo na wala ka namang napala.Hanggang ngayon palipat-lipat ka pa rin.Parang kulang na lang ma-ubos mo na lahat ng hotel dito sa Pilipinas bago ka maging permanente."patuloy pa ring sermon niya na pilit ko ring pinapalabas sa kabila kung tenga.
Hay ewan ko na lang ba sa ermat kung toh!Lagi pa ring binabalik ang mga lumang issue na nakabaon na 4 years ago pa.Lagi na lang pinag-iinitan ang kurso ko kasi dapat daw naging kagaya na lang niya ako.Pero wala talaga sa bukabularyo ko ang ganoon.
Una kasing dahilan,hindi ako masipag mag-aral.Pangalawa,madaling uminit ang ulo ko kaya hindi ako pwede sa mga pasaway na estudyante.Makapatay pa ako pag-nagkataon.Pangatlo,ilang taon na akong nagkandakuba sa pag-aaral tapos sa paaralan pa rin ang bagsak ko.Pang-apat,kapag teacher ka hindi mo rin maiwasan na mapapabayaan mo ang pamilya mo.Dahil mas natuturuan mo pa ng mabuti ang mga estudyante mo kaysa sa sarili mong mga anak.Mas kilala mo pa sila kaysa sa mga anak mo pati nga favorite color nila alam mo.Pero iyong sa anak mo?May alam ka ba?Siguro iyong iba pero sa ermat ko,walang alam iyon tungkol sa akin.Ni minsan nga pati birthday ko makakalimutan na niya eh.Ang lungkot naman noh?
"Huwag po kayong mag-alala,maghahanap na ako ng trabaho bukas mismo,"nakasimangot kung sabi.Mukhang tenga ko lang iyong mabubusog ngayong umaga,nawalan na ako ng ganang kumain eh.
"Tapos?Pagkalipas ng ilang buwan,maghahanap ka na naman ulit,"supalpal na naman niya sa akin.Ayaw niya talaga akong tantanan.
"Ma naman,"ingos ko na naiirita na rin. "Alam ko pong ampon ako kaya huwag nyo naman po akong i-down ng ganito,"hindi na ako nakapagtimpi ng inis ko.Nakaka-irita na kasi.
"Aba'y empaktang anak toh!,"galit niyang singhal sabay batok sa ulo ko. "Kung ampon ka lang malamang matagal na kitang pinalayas.Pasalamat ka dahil galing ka mismo sa akin.Hay,ewan ko ba sayo kung saan ka nagmana."
"Honeypie naman!,"awat ulit ni Papa. "Subukan muna kasi nating intindihin ang sitwasyon ng anak natin.Kahit naman sinong tao kung iinsultuhin ng ganoon.Malamang iinit din ang ulo at ipagtatanggol ang sarili." Pagtatanggol ni Papa sa akin na sinabayan pa ng kindat ulit.Gumanti naman ako ng thumbs up sa kanya saka ngumiti.
Kung laging mainit ang ulo ni ermat sa akin kabaliktaran naman sa erpat ko.Siya iyong tinuturing kung superman ng buhay ko at my forever favorite bff.Siya iyong tipo ng tao na kaya mong sabihin ang lahat kahit gaano pa man iyon ka komplikado dahil susubukan niya pa rin iyon na intindihin.
"I love you!,"mahina kung sabi sa kanya at nag-finger heart gesture.Nahuli ito ni ermat kaya mas lalong naga-laiti ito sa galit sa aming dalawa.Feeling kasi nito parang tinuturing na lang namin na joke ang mga sinasabi niya.
"Iyan!Diyan kayong magaling na mag-ama.Ewan ko sa inyo,magsama nga kayo,"at padabog na nitong kinuha ang mga gamit niya sa pagtuturo at tuluyan ng umalis ng bahay.
Ni hindi na nito nagawang magba-bye man lang kay Randy.Tiyak kawawa na naman ang mga estudyante niya sa kanya mamaya.Katakot-takot na surprise quiz na naman ang ibibigay niya dito.
"Masanay ka na doon sa Mama mo,nak!,"ani ni erpat at naupo na sa katabi kung silya sa hapag kainan. "Ganoon lang talaga iyon kapag malapit na ang bayaran ng kuryente at tubig." Pagbibiro niya.
"Sanay na po ako doon,"mahina kung tugon at itinuloy na din ang pagkain. "Tulog pa rin po ba si Randy?"
"Malamang,mamaya pa iyon magigising kaya ikaw muna ang bahala sa kanya ngayong araw.Alam mo na,kakayod ng husto ang gwapo mong ama,"masigla niyang sabi habang binibilisan na ang pagkain.
Minsannalulungkot din naman ako sa sitwasyon naming magpamilya.Para kaming mgamanok,isang kahig isang tuka.Kailangang magtrabaho ng husto para makakain.Niminsan din sa buhay ko hindi ko rin nakita na binagalan ng erpat ko ang pagkainniya.Lagi itong mabilis dahil may hinahabol na oras.

YOU ARE READING
My Grumpy Ex (Completed)
RomanceCara Santos is a graduate of hotel and restaurant management pero sa tatlong taon niya after maka-graduate ay wala pa rin siyang mahanap na permanent na trabaho.Ilang hotels na rin ang napasukan niya pero lagi siyang napapa-alis dahil sa hindi rin n...