Chapter 2

8.2K 164 1
                                        




After sa halos mahigit anim na oras na paghihintay sa interview ay sa wakas natapos na din ako.Kaagad na akong lumabas ng building na iyon.Grabe ang laki pala ng hotel na ito sa malapitan.Sana dito na ako swertehin!Iyon iyong panalangin ko kanina ng mapadaan ako ng simbahan.



Malaya kung nilanghap ang hangin pagkalabas ko mismo.Para kasing may naamoy na akong panibagong pagbabago na magaganap sa buhay ko.Masyado ko kayang ginalingan kanina ang interview.Kahit na mas nakakatakot ang nag-iinterview sa amin kaysa sa ermat ko.Idadag mo pa iyong binigay nilang test na mas malupit pa sa isang board exam.


"Pangit!,"tiling sigaw ni Annie.And speaking of her,siya lang naman po ang kaisa-isa kung kaibigan sa buong buhay ko.Annie Solis po ang buong pangalan niya at hindi naman siya mataba.Iyon iyong pinapaniwalaan niya.Kaya hinayaan ko na,ang sweet kung friend ano?Magkaibigan na kami simula noong nag-kinder kami hanggang ngayon.Kaya nga sa sobrang kapit-tuko naming dalawa na parang ayaw ng mawalay sa isat-isa ay lumipat din ito ng Cebu pagka-graduate niya mismo.Dito na siya naghanap ng trabaho kahit na tutol ang mga magulang niya.



Hay ewan ko na lang sa biik na ito kung makatili akala mo naman ang tagal naming hindi nagkita,eh parang kanina lang magkasama kami.Tumatakbo pa ito papunta sa akin.Tsk! Parang hindi dalaga,mukhang katawan niya lang ang nagmamature ang isip hindi.



Kung gaano man ako ka malas sa isang trabaho ganoon naman ito ka swerte.Siya iyong tipo ng tao na parang nagiging madali lang ang lahat sa kanya.Iyong parang nang umulan ng swerte natulog ako at siya nakasalo ng parte ko sana.



Siguro isa din sa dahilan dahil mabait ito na bata sa mga magulang niya.Hindi ito sumasagot kagaya ko.Kaya siguro ako pinaparusahan.Ouch!



"Kamusta ang interview?,"excited niyang tanong kaagad ng nasa harapan ko na siya.Pinulupot nito ang kamay niya sa braso ko saka sabay na kaming naglakad.



"Okey lang naman,"walang gana kung sagot.



"Anong okey lang?Ano pa ba iyong sinabi nila?,"pangungulit nito na niyuyugyog pa ang kabilang balikat ko.


"Ano ba,"saway ko sa kanya dahil medyo nasasaktan na ako.At isa pa medyo nasa bad mood na ako ngayon,red tide kasi.



Pinipilit ko lang na kalimutan muna dahil may interview ako.Kinakailangan kung magfocus dahil para ito sa future ng napaka-cute kung kapatid na si Randy.



Sa lahat kasi ng araw na pwede akong madatnan bakit ngayon pa na may important event ako.


"Tatawagan lang daw nila ako within this week,"sagot ko para na rin matigil na ang pangungulit niya.

My Grumpy Ex (Completed)Where stories live. Discover now