3

405 9 0
                                    

Sa isang malawak na kagubatan
May anim na magkakaibigan
Na sa tingin ko'y may kailangan


Matatagpuan ang isang paaralan
Na sobrang tago dito sa kagubatan
Na halatang may kinukubling kapighatian


Paaralan na hindi sakop ng Gobyerno
Na halatang itinago
Mula sa Publiko



May ngalang Hell University
Na noon ay Philippine High University
Na kung saan legal ang pumatay


Sa loob ng paaralan
Susubukin ang lahat ng emosyon
Na magpapabago sa nakagisnan


"Once you Enter, There's no Turning Back"
Katagang iyong isasaliksik
Na sa isipan ay iyong isisiksik


Ang magkaibigan ay sinubok
Nang maraming pagsubok
Mula nang sila ay pumasok


Mga Gang na mala demonyo
Ngunit tumutulong sa Misteryo
Na kanilang plinano


Patakaran sa Gabi
Na ranging sarili
Ang iyong kakampi


Tiwalang hindi dapat ibigay sa iba
Tanging sarili lang ang dapat may tiwala
Mula sa taong gagawa sa iyo ng masama


Ngunit na kaya nilang lampasan
Sa tulong ng magkasintahan
Na nagpabago sa paaralan


Nang dahil sa magkasintahan
Nagkaroon ng kapayapaan
Mula sa demonyong paaralan


Ngunit di nagtagal
Marami ang sumagabal
Sa planong ginawa ng matagal


Ngunit hindi sila nagtagumpay
Dahil sa magkasintahang gumagabay
Sa lahat ng nananatiling buhay


Nagtagumpay ang magkasintahan
Pati ang magkakaibigan
Sa planong matagal na pinaghirapan


Nang dahil sa sabwatan
Nagkaroon ng kapayapaan
Mula sa demonyong nakagisnan


Nagkaroon ng kaginhawaan
Sa demonyong paaralan
Dahil sa pagtutulungan


At nabaon sa lupa
Ang masasamang alala
Na kanilang nalikha


Ngunit sa di inaasahan
Sa pagkamit ng kalayaan
May naghihintay na kahirapan


Na haharapin ng magkasintahan
Dahilan para mauwi sa hiwalayan
Dahil sa kanilang paglilihiman


Nang dahil sa isang Tao
Na sobrang napakamisteryoso
Na mahirap ipagtanto kung sino


Ibang klaseng tao
Na ang hinatid ay gulo
Sa magkasintahang parehas sumuko


Hanggang sa napagtanto
Kung sino ang taong ito
Dahilan para sumuko ng husto


Hanz Sierge ang ngalan nito
Mula sa nakaraang impyerno
Na pinagmulan ng gulo


Ngunit natapos ito dahil sa liwanag
Na sa kanila'y naghatid ng magandang paliwanag
Mula sa pangyayaring sa kanila'y nagpakabagabag


Nagkaroon ng saya
Ang lahat ng kaba
Dahil sa liwanag na Kay ganda


Ang dilim ang kumilos
Ngunit liwanag ang tumapos
Na naghatid ng magandang pagtatapos


Bow!

Written by: Jenalyn Buhat

HUF PoemsWhere stories live. Discover now