Sa isang pribadong paaralan
Na hindi saklaw ng gobyerno,
Natunton ng magkakaibigan
Ang paaralang impyerno.
Binalot ng kyuryosidad ang isipan,
Kaya walang pagaalinlangan
Na pasukin ang paaralan.
Ngunit dahil sa kyuryosidad,
Sila ay nalagay sa kamay ni kamatayan.
Kahit anong gawin,
Ika'y Hindi palalabasin.
Kailangan kalabanin,
Ang mga taong nagwawangis itim.
May tinatawag na Black Blood Gang
Na tuwing sasapit ang takdang oras
Tiyak na ang buhay ay malalagas,
Kung ika'y nasa labas.
Ang lalaking nakaupo't walang buhay,
Na may pako sa dila'y sila rin ang pumatay.
Maraming pagsubok ang humadlang,
Kaya mas lalo silang tumapang.
Nang dahil sa pagkalate sa klase,
Siya ay naparusahan ng presidente.
Ngunit lingat sa kaalamang sila ang magkakatuluyan,
Handang pumatay at mamatay para sa minamahal.
Maraming naisiwalat na sekreto,
At handang hamonin ang kamatayan para sa kapangyarihan ng pagmamahal.
HELL UNIVERSITY, skwelahan na Hindi saklaw ng gobyerno.
Dito nagkatagpo,Ang mga nagmamahalan.
Written by: Dawn Kirsten Villanueva
![](https://img.wattpad.com/cover/147608478-288-k675013.jpg)
YOU ARE READING
HUF Poems
Mystery / ThrillerA collection of poems written by some students from our Online University. PLAGIARISM IS A CRIME! Thanks to @maxcynnegirl for the book cover!