Chapter 1

1.5K 121 4
                                    

Dear diary,

Nakaupo ako ngayon sa bench sa tapat ng soccer field. Marami ring mga estudyante ang tumatambay at nakaupo sa malawak na damuhan. Lahat may kanya- kanyang trip. May mga naghaharutan, nagtatawanan, nag so- soundtrip at kung ano- ano pa. Pero ako, nakatingin lamang sakanya, sa lalaking lihim kong inibig.

***

"Nag da- daydream ka na naman."

Dali- dali kong tinuklop ang diary ko. Hay, ito na naman po siya, ang makulit at pasaway kong best friend, si Mich.

"Ano na naman yang ginagawa mo? Nagsusulat na naman diyan sa diary mo? Hay, naku Bry, bakit ba hindi mo na lang sabihin kay Josh iyang nararamdaman mo sa kanya? Hindi itong may pa diary ka pang nalalaman, hindi naman niya mababasa. Ayan lang Bry oh, ang lapit lapit lang ni Josh. Ilang hakbang lang ang kailangan mong gawin maabot mo na siya", mahabang litanya ni Mich sa akin.

"Hindi naman kasi ganon kadali yun, Mich. Ni hindi ko nga alam kung kilala niya ako o alam ba niyang nag e- exist pala ako. Tapos gusto mong Sabihin ko sa kanya na gusto ko siya? TSS! Ang hassle naman ata non."

Oo, tama ang narinig niyo. Hindi niya ako kilala pero siya kilalang kilala ko. Minsan na rin niya akong nagging stalker. Alam ko kung saan siya nakatira, sino ang parents niya, sino ang mga kaibigan niya, maging ang schedule niya.

Nakakatawa di ba? Ganon ko siya ka gusto. Pero ang malungkot nga lang ay dahil wala siyang alam na may isang Bryana Mendez ang lihim na umiibig sa kanya.

" Bry!"

"Huh?"

"Anong huh? Wala ka bang balak na pumasok?

Nag bell na kaya"

Napatingin ako bigla sa paligid. Hala ka, kami na nga lang in Mich ang naiwan dito sa field.

"Ano na?", muling tanong Mich sa akin

Agad naman akong napatayo.

"Oo na, aalis na. Tss!"

***

Uwian na, kasalukuyan na akong nag aayos ng mga gamit ko.

"Bry, mauna ka na sa pag- uwi. May practice pa kasi ako para sa competition.", sabi ni Mich sa akin na ngayon ay busy'ng busy rin sa pagliligpit ng mga gamit niya.

Kung nagtataka kayo, member ng dance club si Mich at rinig ko malapit na ang inter school competition nila. Kaya proud na proud ako sa best friend ko eh, maganda na, talented pa.

"Ok Mich, ingat sa pag uwi ah?", sagot ko sabay beso beso sa kanya.

"Ikaw rin, ingat"

Lumabas na ako at naglakad. 
Nasa hallway na ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

PSH! Ang epic fail talaga ng ulan na ito. Buti na nga lang at maydala akong payong.

Kinuha ko ito mula sa bag ko at saka binuklat. Lulusong na sana ako nang bigla na lang may tumabi sa akin. Pagtingin ko.

*dug! dug! dug! dug!*

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.

Parang slow motion ang ginawa niyang pagtingin sa akin. Ilang segundo pa akong natulala nang ngumiti siya.

"Pwede ba akong makisabay sa iyo?"

"Huh?", wala sa sariling naisagot ko.

"Pupunta kang bus stop di ba? Makikisabay sana ako sa iyo, wala kasi akong dalang payong ^____^", nakangiti niyang sabi at bahagyang napakamot sa batok niya.

"Ah...o-oo...p-pwede naman", natataranta kong sagot.

Naku naman Bry, umayos ka. Huwag kang magpahalata.

"Salamat ah, ang bait mo naman."

Napayuko ako bigla para takpan ang hiyang nararamdaman ko.

Ramdam ko rin kung paano uminit ang pisngi ko.

"Akin na yang payong mo, ako nang hahawak. Baka kasi mahirapan ka."

"Ah... H-hindi.. Ok lang naman eh", tanggi ko.

"TSS! Akin na kasi. Huwag ng matigas ang ulo."

Kinuha niya mula sa kamay ko ang payong na hawak ko. Para pa akong nakuryente nang dumampi ang mga balat namin.

"Tara"

Tahimik kaming naglakad na dalawa. Hindi ako makapagsalita, naiilang kasi ako sa kanya.

Sa loob ng dalawang taong minahal ko siya ng palihim ngayon lang nangyaring nagkalapit kami ng ganito. Sobrang lapit na niya sa akin, pwedeng pwede ko na siyang hawakan.

Pero hindi pa rin pala pwede. Kasi hindi naman pala niya ako kilala at lalong hindi naman niya alam na mahal ko siya.

"Ako nga pala si Josh Fuentebella, ikaw anong pangalan mo?"

Napatingin ako sa kanya na nagkataong nakatingin din pala sa akin.

Agad naman akong napaiwas ng tingin.

"Bry.. Ako si Bryana Mendez"

"Nice name. Nga pala Bry, salamat sa pagsabay sa akin. Kailangan ko ng mauna baka hinahanap na ako sa amin.", paalam niya ng makarating kami sa bus stop.

"Ito nga pala ang payong mo.", muli niyang inabot sa akin ang payong ko.

Wala na akong nagawa ng tuluyan na siyang sumakay sa tumigil na bus.

Napayuko na lamang ako. Ang bilis naman, aalis na agad siya. Hay!

"Bry!"

Muli akong napa angat ng tingin. Nandon pa rin ang bus at hindi pa umaalis.

"Ingat ka", nakangiti niyang sabi.

*****

Dear diary,

Nakasabay ko kanina sa iisang payong si Josh. Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very much

Dear Diary (On Going)Where stories live. Discover now