15 DAYS

97 1 0
                                    

REBECCA' s POV

dear diary...

june 16, 2017

"Rebecca..."

Narinig kong may tumawag sakin kaya napalingon ako dito at nagulat ako nung makita ko si mama

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit,pagkaalis ko ng yakap ko sa kanya ay nakangiti na sya sakin kaya napangiti nalang din ako bago inilibot ang paningin kung nasaan kami pero purong puti lang ang nakikita ko

"asan po tayo mama?"-taka kong tanong at nginitian nya lang ako

"mama?"-muling tawag ko sa kanya at hinawakan nya ang kaliwang pisngi ko tsaka ako nginitian

"gusto mo na bang sumama sakin?"-nakangiting tanong nya sakin at kumunot naman ang noo ko

"mama...patay na po ba ako? p-pero mama bakit ikaw po ang kasama ko? hindi ka pa naman po patay ah?"-takang tanong ko sa kanya

"wag kang mag alala rebecca,hindi ka pa patay...may nangangailangan pa sayo meron ka pang kailangan pasayahin..."-nakangiting sabi nya kaya naman mas lalo akong nagtaka

"mama asan po ba tayo?"-tanong ko muli ngunit ngiti lang ang isinagot nya

"bumalik ka na don rebecca,may tamang oras para bumalik ka dito,at sa oras na mangyari yon,sasama ka na sakin..."-sabi nya tsaka ako hinalikan sa noo at nararamdaman ko nalang yung kamay nya na unti unting bumibitaw sa pisngi ko at unti unti na rin dyang lumalayo sakin

"MAMA!!!"-sigaw ko pero tuluyan na syang nawala sa paningin ko

---

"kaano-ano kayo ng pasyente ko?"-rinig kong tanong ni doktor tan

nararamdaman kong gising na ko pero bakit ganto? hindi ko maimulat ang mga mata ko at hindi ko maigalaw ang mga parte ng kamay ko gaya ng naramdaman ko kagabi

Teka asan nga ba ko?

Anong nangyari kagabi?

A-ano yung...ano yung napanaginipan ko?

Si mama...

BAKIT BA HINDI KO MAIGALAW ANG KATAWAN KO?! BAKIT HINDI KO MAIMULAT ANG MGA MATA KO?! ANONG NANGYAYARI SAKIN?!

"kaibigan po ako ni rebecca,ako po si ivan,at ito naman po ang kapatid kong si vanessa,tapos ito po si mommy vaine,ano po bang nangyari kay rebecca?"-rinig kong tanobg ni ivan kay doktor tan

Shit! Baka sabihin ni doktor tan kay ivan ang kalagayan ko! hindi pwede! kailangan kong pigilan si doktor tan pero paano?! ni hindi nga ko makagalaw dito!

"hindi nya pa ba nasasabi sa inyo?"-tanong ni doktor tan kay ivan

"ang alin po?"-takang tanong ni ivan

Please doktor tan,wag mong sasabihin,please...

"sa tingin ko ay kailangan ng may makaalam ng kalagayan nya bukod sakin dahil lumalala na ito at hindi na nya kakayaning mag isa"-sabi ni doktor tan at gusto kong magwala pero hindi ko magawa dahil ang katawan ko ay tulog pa din!

"a-ano pong ibig nyong sabihin?"-kinakabahang tanong ni ivan kay doktor tan

"Rebecca has stage 4 blood cancer or should i say,leukemia...matagal na nyang alam na may ganitong klaseng sakit sya at nung una ay stage 3 lang ito pero hindi ko akalaing magiging stage 4 pa pala,lalo pang lumala at pati ako ay kinakabahan na sa kalagayan nya,walang nakakaalam ng sakit nyang yan dahil ayaw nyang ipagsabi,kami lang dalawa ang nakakaalam,halos araw araw naman syang nagpapacheck up sakin at siguro naman akong iniinom nya ng tama sa oras ang mga gamot na ibinibigay ko sa kanya,pero sadyang malakas ang sakit nya at kahit patuloy nya pang labanan ito ay maliit na ang tsansang gumaling pa sya,alam nyo bang binigyan ko na ng taning ang kanyang buhay? 30 araw...30 araw ang sinabi ko sa kanya at ngayon ay ang nalalabing 15 na araw nalang ang itatagal nya sa mundo pero patuloy pa rin syang lumalaban,ngayong mas lalo ng lumala ang sakit nya ay hindi sapat na chemotherapy lang ang ibigay ko sa kanya,kailangan na nyang magpaconfine dito sa ospital dahil araw araw at oras oras na namin syang gagamutin"-mahabang paliwanag ni doktor tan at para naman akong nabinge

30 Days [COMPLETE]Where stories live. Discover now