1

31 5 1
                                    

Nathalie's POV

"Alam mo mas maganda ka 'pag nakangiti." Sino na naman ba 'tong maingay na kupal na 'to. Parang t*nga lang eh kitang nagbabasa ako eh tapos manggugulo. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa aking pagbabasa.


"Kahit di pa kita nakikitang ngumiti, alam kong maganda ka 'pag nakangiti." Hindi ko tinatanong.


"Uy miss 'di mo man lang ba ako papansinin?" Ang kapal din pala ng mukha neto, tama bang kuhanin na lang bigla 'yung librong binabasa ko?


"Ako nga pala si Terrence. Ikaw, anong pangalan mo?" Ano namang paki ko?


"Akin na yung libro ko."


"Ang haba naman pala ng pangalan mo, nice name huh, 'akin na yung libro ko'." Tinignan ko lang siya ng masama.


"Oy chill ka lang miss, ibabalik ko naman sa'yo 'tong libro mo, sabihin mo muna sakin pangalan mo." Ang kulit talaga ng isang 'to eh. Umalis na lang ako at iniwan siya doon tutal pwede ko naman bilin na lang ulit yung libro na yun.


"Bakit mo naman ako iniwan, nag-uusap pa tayo 'di ba?" Hinabol pa talaga ako ng gunggong.


"Hatid na lang kita sa room mo, saan ba yung room mo?" Kailan ba siya titigil, naririndi na ako sa boses niya. 'Di ko na lang siya pinansin ulit at binilisan ko pa ang lakad ko.


"Uy wait lang, ang bilis mo naman maglakad. Kabayo ka ba?" Tiningnan ko lang siya ng masama at mas binilisan pa ang paglalakad dahil baka masapak ko na 'tong lalaking 'to. Kanina niya pa ako iniinis ah.


"Joke lang! Ito naman di mabiro. Alam mo ang cute mo 'pag naiinis ka."


"Buti na lang nagkalakas loob akong kausapin at lapitan ka ngayon. Matagal na kasi kita gustong kausapin pero natakot ako baka kasi di mo lang ako pansinin and as expected hindi mo nga ako pinapansin ngayon." Eh shunga ka pala eh sino ba kasing may sabi kausapin mo ako?


"Ano bang kailangan mo sa'kin?"


"Sa wakas! nagsalita ka na ulit. Gusto ko lang naman makipagkaibigan." Tss wala akong time para sa nonsense niya.


"Manggulo ka na lang ng ibang tao 'wag ako."


Buti na lang nakarating na rin kami sa room ko, baka kasi di ako makapagpigil at maputol ko yung dila ng madaldal na lalaking 'to. Papasok na sana ako sa room ng bigla niyang hatakin ang kamay ko.


"Oh eto na yung libro mo, kahit di mo sinabi pangalan mo ibabalik ko pa rin. Malalaman ko rin pangalan mo, uso rin naman kasing magsuot ng id paminsan minsan. Sige alis na ako, kita na lang tayo mamaya." Hinampas niya pa talaga sa ulo ko yung libro ah, di naman malakas pero kahit na!


Hayzz buti na lang at konti pa lang ang tao sa room nasa canteen pa siguro 'yung iba. Matutuloy ko na ulit ang pagbabasa ko.

Trust me, I Love YouOnde histórias criam vida. Descubra agora