3

21 5 2
                                    

Nathalie's POV

Nagising ako ng mapayapa, walang Chloe na bubulabog sa akin ngayong umaga. Pagkatingin ako sa wall clock ko ay 7:00 na.

Pero bago pa ako makabangon ng higaan ko ay mayroon akong natanggap na text.

From: Terrence

Good morning beautiful! Gising na malilate na tayo :)

Tss, ano na namang trip neto? Hindi ko na lang siya nireplyan, sayang din load noh.

Agad naman akong nagligo at ginawa ang mga bagay na ginagawa ko araw araw tuwing umaga. Bumaba na rin ako pagkatapos gawin ang mga 'yon. Agad naman akong binati ni mama pagkababa ko.

"Oh good morning anak, may bisita ka nga pala." Bisita? Ng ganito kaaga?

"Ah, good morning Nathalie." Ah siya na naman pala. Anong ginagawa ng isang 'to dito?

"Bakit ka nandito?"

"Hahatid ka sa school, di ba sabay tayo papasok ngayon?"

Tss, dumiretso na lang ako sa dining table at naghanda na ng kakainin naming tatlo.

"Oh Terrence, halika na. Kumain ka na rin dito, sabayan mo na kami.

"Ay hindi na po, kakakain ko pa lang po kanina sa bahay."

"Ahh sige sabi mo." Tapos binalik ulit ni Terrence ang atensyon niya sa kanyang cellphone.

Pagkatapos ko mag-umagahan ay nagpaalam na rin ako kila mama dahil aalis na kami ni Terrence. Lumabas na rin kaming dalawa ng bahay.

"Terrence hindi mo naman ako kailangan ihatid sa school. Kaya ko naman sarili ko, may pera naman ako pang-commute."

"Hindi okay lang, kahit araw-arawin ko pa. Okay lang talaga" Tapos nginitian niya lang ako. Tss, bahala nga siya sa buhay niya.

At siyempre, dahil hindi naman mapipirme ang bunganga niya ay dinaldal niya lang ako buong biyahe.

Nagsuot na lang ako ng earphones dahil wala naman akong paki sa mga sinasabi niya at nakakarindi rin ang boses niya.

Pagkarating namin sa school ay hinatid niya rin ako papunta sa room namin. Di rin naman mawawala ang mga fangirls niya na patay na patay sa kanya.

Ano ba nakita nilang maganda sa mokong na 'to? Eh ang ingay ingay ng bunganga, di maitikom. Siguro sa susunod magdadala na lang ako ng duct tape para manahimik na siya.

Bago ako pumasok sa room ay nagpaalam na siya sakin. Di rin naman natagal ay dumating na rin ang prof namin.

"Okay, good morning class you'll be meeting your new classmate today. Be nice to him! Please come in Mr. Bautista." May pumasok naman na isang matangkad na lalaki.

"Mr. Bautista please introduce yourself." Teka lang, pamilyar sakin ang lalaking ito.

"I'm Piers Sydney Bautista, 18 years old." Saan ko nga ba siya nakita? Ano ba yan, hindi na naman gumagana ang utak ko.

"Okay Mr. Bautista, you can seat beside Ms. Ocampo at the back."

Bakit sa tabi ko? Nananahimik ako dito mag-isa sa likod tapos itatabi niya sakin 'yan.

Sumunod naman 'yung Bautistang 'yun at lumapit na siya sa gawi ko.

"If you need some help or if your not yet familiar with the rules and regulations of this school, Ms. Ocampo can help you guide you on those matters." Tumango naman 'yung Bautista.

Trust me, I Love YouWhere stories live. Discover now