2

27 5 1
                                    

Nathalie's POV

Umagang umaga, rinig na rinig ko na agad yung bunganga ng mabait kong kapatid.

"Ate bumangon ka na diyan, kakain na raw sabi ni mama!!" Sigaw niya sakin tapos hinampas hampas niya pa ako ng unan ko, di pa siya nakuntento niyugyog niya pa talaga 'yung kama ko.

"Ate gumising ka na sabi eh!" Pangungulit niya pa.

"Oo na! Lumabas ka na sa kwarto ko!!"

"Okay po madam!" Agad naman siyang lumabas ng kwarto ko.

Pumasok naman ako agad sa cr para maligo at magsipilyo. (A/N: Hindi ka tatae?) Kailangan pa ba ibroadcast 'yun?

Pagkalabas ko ng banyo ay nagbihis na rin ako at kinuha ang mga gamit ko para makababa na at baka balikan pa ako ng magaling kong kapatid.

"Oh good morning anak, umagang umaga bakit nakasimangot na naman 'yang mukha mo?" Bungad sakin ni mama.

"Eh kasi naman ma, 'yang magaling kong kapatid umagang umaga nakasigaw na naman."

"As if naman magigising ka pag nilambing lambing kita d'on 'ate gumising ka na, nakahanda na yung pagkain sa baba'." Sabi niya with her soft tone. Tsk, pabebe na naman 'to.

"May alarm clock naman kasi ako diba? Dinaig mo pa 'yung megaphone sa lakas ng boses mo."

"Kasi nga po inutusan ako ni mama na gisingin ka, sumusunod lang naman ako."

"Nako, tama na 'yan halina na kayo at kumain na. Malate pa kayo niyan sa school. Ikaw Chloe bakit hindi ka pa naggagayak, hindi ka ba papasok ngayon?" Sabi ni mama habang naghahain. Tinulungan ko naman si mama na ihanda ang mga plato.

"Absent raw teacher namin eh mamaya na lang ako papasok sa second subject." Ang sipag talaga neto.

"Ay pasaway ka talagang bata ka. Tara kumain na tayo." Si chloe ang nag lead ng dasal pagkatapos ay kumain na rin kami.

Pagkatapos namin kumain ay nag paalam na rin ako kay mama na aalis na ako. Mahirap na baka malate pa ako, mataray pa naman teacher namin sa first subject.

"Ah sige po ma, alis na po ako. Sorry po kung natarayan ko kayong dalawa ni Chloe kagabi." Tapos binalikan ko 'yung pingi niya.

"Ano ka ba anak, okay lang yun. Oh siya sige, lumarga ka na baka malate ka pa sa school mo."

"Sige po ma, I love you. At ikaw Chloe ayusin mo 'yang pag aaral mo ah." Tango lang ang natanggap kong sagot mula sa kanya, pasaway talaga 'tong batang to.

"I love you anak, mag ingat ka ahna!"

Lumabas na agad ako ng bahay para maglakad papunta sa gate ng subdivision namin. Di ko naman inaakala na may bisita pala kami ng ganito kaaga.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ang ganda namang bungad yan nathalie. Wala ba akong Good Morning diyan?"

"Tss, ano na naman bang kailangan mo?"

"Nakalimutan mo na ba? Di ba nga hahatid kita sa school ngayon? Tara, sabay ka na sakin."

"At ang sinabi ko naman ay ihatid mo na lang ang sarili mo. Bahala ka diyan." Naglakad na ako palayo sa kanya.

"Ah okay gets ko na, so you're playing hard to get huh?" Luh pinagsasabi neto. Hinayaan ko lang ang sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Trust me, I Love YouWhere stories live. Discover now