Chapter 1

680 36 20
                                    

Chapter 1

*.*.*

Ashley's Point of View

Nang makasakay na ako ng bus pauwi sa probinsya namin hindi ko parin mapigilang mairita. Mainit parin ang ulo ko dahil wala parin ako nahahanap na trabaho. Lagot talaga ako nito sa tatay kong hari mamaya dahil naka-ilang balik na ako sa Maynila pero hindi parin ako wala parin akong trabaho na napapasukan. Sayang ang gastos ko ng pamasahe tuwing umaga dahil gustong-gusto ko kasing makatulong sa mga magulang ko at makapag-ipon ako para sa susunod na school year.

College na ako at nasa third year na kaya mas lalo kaming umaaray sa bahay dahil sa mga tumataas na presyo ng mga bilihin. Gusto ko din makapag-ipon para sa tuition ko sa pinapasukan kong university. Kailangan talaga namin ng pera kaya gusto kong magkatrabaho, yung sakto sa suweldo at hinding-hindi ko pagsisisihan na papasukan ko.

Umiling ako ng mahina nang maalala ang nangyari kanina. Ayaw ko kasing maging maid o baby sitter. Halos 'yan kasi ang pwedeng pasukan na trabaho ngayon pero ayaw ko dahil maarte ako. Oo, sobrang arte ko. Bahala na kayo kung anong sabihin ng iba, basta maarte ako. Period.

Matapos ang isang oras na byahe, narating na rin namin ang terminal ng probinsya. Ngayon, sasakay na naman ako ng tricycle pauwi sa bahay. Alam kong naghihintay na naman ang ama ko sa pintuan at magtatanong sa'kin kung natanggap na ba ako sa ina-aplyan kong trabaho at malamang magagalit naman 'yon dahil wala paring tumatanggap sa'kin.

Hindi nga ako nagkamali dahil malayo palang ako kitang-kita ko na ang mala hari ng kagubatan kong tatay na naka-upo sa plastic na upuan at hinarang sa harap ng pintuan habang hinihintay ang pagdating ng mala prinsesa ng kaartehan niyang anak.

Nang makababa na ako ng tricycle, matapos kong ibigay ang bayad ko kay manong driver ay agad na akong dumiretso sa bahay.

Ramdam ko ang pangangatog ng aking mga laman dahil sa inaasahan kong sigaw at galit mula sa kaniya. Ilang hakbang pa at malapit ko nang masaksihan ang ubod ng angas kong ama dala ang malagim nitong paghihimagsik.

"Ano na Ashley? May trabaho ka na ba?!" Tanong ni tatay na matalim ang tingin sa'kin.

Lupa, lamuyin mo na ako, please.

Pinagtitinginan na kami ng mga chismosa naming kapit bahay at alam mo naman 'yan sila, akala na naman nila pinapagalitan ako dahil sa tinatangihan ko ang alok ng Mayor na maging asawa niya ako.

Usap-usapan kasi sa amin na may balak daw si Mayor na gawin niya akong asawa at ang response ko lang naman ay "Ew!"

Masyado kaya akong maganda para maging first lady ng maitim, kalbo, at may malaking tiyan na mayor na 'yon.

Kahit nga si tatay ayaw rin, eh. Kaya nga hindi ko alam kung bakit mali-mali ang chismis na naririnig ko mula sa neighborhood ko. Char!

Pero gano'n naman talaga ang chismis, walang katotohanan. Okay lang sana sa'kin kung ang usapan nila na masyado akong maganda para sa mga cheap na trabaho na mas offered ngayon. Pero wala akong magawa dahil ang mga chismosa ay puro naglalahad ng mga negative vibes sa mundo. Ugh!

"W-wala na namang tumanggap sa'kin, Tatay." I stutter before my father. Halos hindi ako makapagsalita nang makita ang nakamamatay niyang tingin.

"Ikaw talagang bata ka, 'yan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Paulit-ulit mo nalang ba gagawin 'yan anak?!" Sermon ni Father dear ko sakin.

"Ikaw Tay, paulit-ulit ka na rin bang magtatanong sa'kin niyan? Eh, tuwing umuuwi ako ganiyan na ganiyan naman ang palagi mong sinasabi sa'kin." Pabalang kong sabi. Ang sarap niya kasing pilosopohin dahil ang cute niyang tingnan kapag nagagalit pero nakakatakot lang.

"Nako, Ashley 'wag na 'wag mo kong sabihan ng ganiyan. Ang gusto ko lang naman ay huwag kang maging maarte sa paghahanap ng trabaho ngayon." Pangaral niya.

"Alam ko naman po 'yon. Pero—"

"Ashley naman, eh. Kasasabi ko nga lang na 'wag kang maging maarte tapos ngayon may 'pero' ka na naman. Ikaw talagang bata ka kay tigas-tigas ng bungo mo."

"Syempre naman, Tay. Eh, kung hindi matigas ang bungo ko sana matagal na akong namatay dahil palagi niyong hinahampas ng libro 'tong ulo ko." pabirong kong sabi.

"Naku, Ashley. Wala talaga akong napapala tuwing ikaw ang kinakausap ko." reklamo niya at napakamot ng ulo. "Bumili ka na nga lang do'n ng gulay sa palengke at para makapag-luto ka na rin ng ulam natin. Gutom na ako, kaya bilisan mo d'yan."

Binigyan niya ako ng limandaang piso para pambili ng gulay. Heto na naman kami. Gulay na naman nang gulay. Ako kasi eh, ubod ng arte.

Pumasok muna ako ng bahay upang mag palit ng damit. Nang maabot ko na ang sala nakita ko ang macho gwapito kong kuya na si Kenzo.

"Oh! Narito na pala ang pinaka-arte kong kapatid. Ano kamusta ang job seeking? Nakuha ka ba?" Bungad niyang tanong.

"Hindi. As always. Ano, masaya ka na? Magbihis ka na nga do'n nakahubad na nalang palagi. Hindi na ako nagtataka bakit pati bakla napaibig mo!" Sagot ko sa kaniya at naglakad sa kuwarto.

Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi ko parin naaalis sa isipan ko ang mga nangyari. Hindi parin ako maka-move on. It hurts me so bad. That freaking heartbreak.

I locked the door and shook my head. I know I am over reacting but seeing my brother everyday makes me remember what happened that one night.

"Bunso..." He called. "Galit ka parin ba sa'kin?"

I didn't answer.

I just opened the closet and change my clothes para pumunta ng palengke.

Nang lumabas ako, I sighed softly nang wala si kuya sa sala.

Lumabas naman ako kaagad at sumakay ng bike at nag-paalam na kay tatay.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbibisikleta sa highway, hindi ko agad napansin ang nakaparadang sasakyan sa harap ng isang boutique kaya nataranta ako sa pag-preno.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang maalalang hindi pala gumagana ang break ng lumang bike namin. Sa mabilis na pangyayari napasigaw na lamang ako nang mabunggo ko ang sasakyan na iyon.

Hindi na ako nagdalawang isip at tumayo ako agad kahit umi-impit ako sa sakit ng balekawang ko sa aking pagbagsak sa lupa. Mabilis kong tiningnan kung may damage ang kotse na nabunggo ko at may kaunting gasgas nga ito. Napakagat naman ako sa mga kuko ko sa daliri dahil hindi ko alam kung anong gagawin.

Kunot-noo kong tinitigan ang pamilyar na hitsura ng sasakyan. Parang kilala ko ang may-ari nito. Nakita kong binibili 'to kanina habang pauwi ako eh.

Ilang saglit, may lumabas na isang lalaki mula sa loob ng boutique kaya bigla akong napayuko. Galit ito. Sobrang galit.

"What the hell did you do to my car?! Did you know na kakabili ko lang nito? Ang tanga mo kasi. You should've payed attention where you're going! Tingnan mo tuloy ang nangyari!"

Nagrereklamo naman ang isipan ko. Mas concern pa talaga siya sa sasakyan niyang mas kaunting gasgas kesa sa'kin na nadisgrasya. Ako dapat ang tinulungan niya because I'm hurt.

Kahit nga miss are you okay? Walang gano'n na tanong mula sa kaniya.

"I'm going to make you pay!" Inis na bulyaw ng lalaki.

Tiningala ko ang taong mas maarte pa sa akin dahil mukhang pamilyar Ang boses nito.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakita ko ulit ang lalaking dumurog ng aking puso.

"Ikaw?!"

*.*.*

Chapter No. 1 Ended

The Gay's MaidWhere stories live. Discover now