Himbing sa Ugoy ng Duyan

107 0 0
                                    

Paano ka ba namin mapasasalamatan aming inang mahal?

Na nagtanim sa amin ng magagandang asal

Biyaya ka sa amin ng Poong Maykapal

Dito sa mundo kami' y iyong niluwal.


Hindi masukat ang tuwa ninyo ni itay

No'ng una kaming makita ngiti ay sumilay

Tuwa at saya ay sadyang walang kapantay

Samahan ninyo'y lalo pang tumibay.


Sa gitna ng hatinggabi lagi mong nilalambing

Hinahaplos mo kami habang tulog na nahihimbing

Hindi mo hahayaan na kami'y lamukin

Lahat ng pag-aalaga ay iyong gagawin.


Nasaksihan namin sa aming paglaki at paglago

Ang iyong hirap pati lahat ng sakripisyo

Kahit kailan hindi narinig ang iyong pagsuko

Kahit na nga ang palad ay nangapal na sa kalyo.


Hindi ka ipagpapalit sa lahat ng sinuman

Mawala na silang lahat, manatili ka lamang

Walang katumbas ang humilig sa 'yong kandungan

Tila isang sanggol na himbing sa ugoy ng duyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Himbing sa Ugoy ng DuyanWhere stories live. Discover now