Chapter 1

0 0 0
                                    

May 8,2018.Ngayon ang araw na aalis ako para makipagsapalaran sa Manila at doon magkolehiyo.

"Anji!Sorry nalate kami!"

Muntik ko nang malimutan hindi lang pala ako ang aalis.May kasama pala akong babaeng pandak pero bawing bawi naman sa ganda at ang kambal niyang matangkad at may itsura rin naman.The Lopez twins.They are Fraternal twins.And also my 2 bestfriend.Kaya wag na kayo magtaka kung si Darcy ay pandak at si Darius naman ay matangkad.

"Sino naman ang may kasalanan ngayon?"Ang sabi ko Habang nakacross arm.

Tawang tawa naman sila mama dahil nagkukurutan ang magkambal.

"Si kuya kasi eh!Natanghali ng gising!"paninisi ni Darcy sa kuya niya.

Pinisil naman ni Darius ang ilong ni darcy.

Umiling nalang ako saka nakitawa na rin sakanila.

"Ate Anji.Huwag ka nalang umalis"

Panlalambing naman ni Castor o mas kilalang Cast.Cast na daw siya ngayon eh.Sabi niya....Hahaha...Pangmatanda daw kasi ang Castor.

"Naku,Anji.Mukhang ilang araw akong kukulitin ni Cast nito."Ang sabi ni ate.Saakin kasi nasanay si Cast.Nagtatrabaho na kasi si ate bilang Accountant sa isang malaking kompanya nagbabakasyon nga lang siya ngayon dito sa Cebu.

"At kapag bumalik na rin ang ate mo sa Makati ako na naman ang kukulitin ng bunso natin." Ang sabi ni mama na mukhang namomoblema na.

Samantalang si Cast,Ay masama na ang tingin saamin.Hahaha...siguro iniisip niyan ngayon na pinagtutulungan na naman namin siya

"Pamilya ko ba talaga kayo?Kung makasalita kayo parang wala ako dito ah" Pagmamaktol ni Cast.

Niyakap nalang namin si Cast at nakisali rin sa yakapan sila Darcy at Darius.

"A-ano ba mga ate,mama,Kuya darius.P-pinagtitinginan na tayo oh.Nasa Airport pa naman tayo"

Etong bata tong talaga.10 years old palang pero isip matanda na.

Inalis naman namin ang yakap namin sakanya at saktong sakto kailangan na naming umalis.

"Paano ba yan?aalis na kami.Ate ikaw na bahala kela mama at Cast ha.Text mo na rin ako kung nasa Makati ka na.Ikaw naman Cast Huwag makulit ha.Ma,Huwag mong pabayaan ang sarili mo ha"Sabi ko sakanilang lahat.

Inakbayan naman ako ni Darius

" Naks!kung makapaalam naman neto parang hindi na tayo babalik ah.Chill lang Anji"tawang tawa sabi ni Darius.
Siniko ko nga siya at agad naman siyang napamura at napahawak sa tiyan niya.Tinawanan naman siya Darcy.

"Sige na anak.Mag-ingat kayo ha?text niyo lang si angel kung nasa Manila na kayo."ang sabi ni mama habang niyakap ako uli.

I will surely miss them.

"Hahaha...Cast anong nangyari sayo?Umiiyak ka ba!?" Tawang tawang sabi ni Darcy.

"Hindi ah!Napuwing lang" depensa naman ni Cast.
Hahaha...gasgas na yan na linya.

"Bakla ka Cast nu?" Pag-uusisa ni ate Angel sa kanya.

Natawa naman kaming lahat.

"Naku bro,Sayang ang lahi!" Ang sabi naman ni Darius.

Ang saya talaga nilang tingnan.Kung pwede lang ihinto ang oras.Ginulo ko nalang ang buhok ni Cast.At niyakap muli silang lahat.

Pagpasok namin sa eroplano ay agad kong isinuot ang headset ko.Hiwalay kami ng upuan nila Darcy at Darius.Sila kasi ang magkatabi so eto ako ngayong hindi kilala kung sino ang katabi ko.2nd time ko pa lang naman makasakay sa eroplano.

Makatulog na nga....

Pagmulat ko ng aking mata ay humikab muna ako.Anong oras na ba?pagtingin ko sa aking orasan ay 4:00 palang.3:30 kasi kaming umalis sa Cebu.

Pagtingin ko sa gilid ko ay wala parin ang katabi ko.Pero may bag naman dito.Siguro nag cr lang.Hindi ba siya natatakot na baka manakawan siya?Dapat hindi niya diyan iniiwan.Mahirap na.Makatulog na nga ulit.

Nagising ako mula sa mahinang pagtapik sa aking balikat.Pagmulat ko ay nakita ko si Darcy at si Darius.
Kami nalang pala ang naiwan dito.

"Ang sarap ng tulog mo Anji ah" Ang sabi ni Darcy.

"Halata nga" pahabol ni Darius.

Nagstretch muna ako at agad kinuha ang maleta ko sa lalagyan sa taas.

"Pasensiya na.Napasarap eh.hahaha...halina?"

"Hahaha...Anji talaga.Yey!Excited na ako...Ano kaya ang itsura ng apartment natin?" Excited na saad ni Darcy habang pababa kami ng eroplano.

Kahit naman ako excited rin kaso hindi ko nga lang pinapahalata.

"Pwede bang sainyo rin ako makiroom mate?" Pagmamakaawa ni Darius saamin.Binatukan naman siya Darcy

"Sira ka ba!?Duh...Babae kami.Kaya hindi pwede.Lalaki ka kasi kuya"

"Hahaha...Binibiro ko lang kayo.Ang daya naman kasi eh"

"Ano?" Sabay na tanong namin ni Darcy.Hindi kasi namin narinig yung last part na sinabi niya.

"Wala...Bilisan na nga natin.Gutom na ako." At nauna na siyang naglakad.Langya talagang darius to.Hindi mo maintindihan.

Bumili muna kami ng makakain namin for dinner.Pagod pa kasi kami para magluto.Ang sabi naman kasi ni Ate kumpleto na daw doon.May pagkain na.

Nagpahatid nalang kami sa taxi.Habang nagbabiyahe ay salita ng salita parin si Darcy samantalang si Darius mukhang pagod na.Hindi talagang nauubusan ng energy si Darcy.

Pagbaba namin ng taxi ay laking gulat naming hindi apartment ang tumambad sa harapan namin kundi isang condo!Tinanong pa nga namin ulit ung taxi driver kung tama ba talaga ang pinuntahan namin.Ang sabi niya oo daw.RoseVein nga daw eto.

Ang mahal kaya ng condominium. Paanong naafford to ni ate at ng parents nila Darcy?

Ay wait.Mayaman na pala si ate ngayon.Ikaw ba naman maging accountant sa isang malaking kompanya.Plus,Wala ka pang masyadong paggastusan.Matipid kasi si ate.

Pagdating namin sa Unit namin ay laking gulat naming sobrang laki nito at ang ganda pa.May 3 room,Living room,Cr at kusina.Kumpleto ang lahat.

"Gosh!Ang laki at ganda naman dito Anji.Paano na afford to nila mama at ni ate angel?Sabagay mukhang marami namang pera si ate angel mo anji" Manghang sabi ni Darcy habang inililibot ang paningin sa loob ng condominium.

"Hindi ko nga inaakala na condo pala ang ipapatira saatin.Sandali matextan nga."

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko

To:Ate Angel

Ate ano to!?akala ko apartment? Bakit naging Condo!?Ang mahal nito ate.

Agad naman siyang nagreply

From:Ate Angel

Your welcome sis ;-) Labya

Ang ate ko talaga.Kaya kami naiispoil eh.

To:Ate Angel

Thank you ate Gel.Take care kayo diyan.

I'am thankful for having a loving family.Kahit wala na ang aming ama.Hindi ko nga alam kung buhay pa yun o hindi na.Pero kahit ganun,He is still my father.

Loving FearTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang