Virgin 21.

1.1K 10 0
                                    

The Shadow


Nagdesisyon si MJ na umuwi na, magpapahatid sana siya kay Josh kasi mukhang awkward pa ang sitwasyon namin. Pero tumanggi si Josh, dahil sa inaantok daw siya.

"Ingatan mo siya dude, kaya ko pa naman siyang ihatid, pero I want to give you the chance para magkausap kayo ng maayos." Sabi nito sa akin bago ko sinundan si MJ sa labas.

Lumabas ako ng pintuan, inaantay ako ni MJ sa malapit sa gate. Nang isasara ko na ang pintuan, pinigilan ito ni Hiedy, at kinausap niya ako.

"Ano yung nangyare kanina? Anong ginawa mo at bakit biglang nag iba ang temperatura?" Tanong niya.

"Sinubukan ko lang kung talaga bang si Josh nga ang lumalabas sa panaginip ni MJ." Sagot ko.

"Ha? Napatunayan mo ba? Anong ginawa mo?"

"Sa tingin ko oo, napansin mo din diba? Habang nag iiba ang temperatura, nanghihina ang physical body ni Josh, muntik nang lumabas sa kanya si Hector." Sagot ko.

"Sino naman si Hector?"

"Siya ang lalaking naka hood sa panaginip ni MJ, at hinarass ko si MJ kanina para mapatunayan yun."

"What?!"

"I want you to do me a favor. Keep in touch while aalis ako kasama si MJ. Wag ka na munang umuwi, at ireport mo sa akin kung may changes kay Josh dito."

Tinawagan ko ang phone niya, at nilagay ko ang earpiece sa tenga ko. Habang naglalakad tinantanong ko siya kung may sudden changes ba kay Josh. And so far, wala pa naman.

-

"Hey, sorry nga pala sa kanina. Naisip ko lang kasi na mapapatunayan nating siya at si Hector ay iisa kung mag resist ka." Sabi ko bilang pagbasag ng katahimikan.

"Oh, ha? Yung kanina? Sana ni inform mo ako nang hindi kita mapagkamalang manyak!" Medyo galit na sabi niya.

"Kapag ininform kita, siguradong papayag ka lang, kaya mas minabuti kong hindi ipaalam sayo." Sagot ko.

Hinawakan ko ang kamay niya, at hinila niya ito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"I just want to hold your hand while naglalakad tayo." Sabi ko.

Pumayag siyang hawakan ko ang kamay niya, at tinanong ko si Hiedy kung may pagbabago kay Josh, at wala pa rin.

"Tunkol sa nakikita mo kapag dumadating si Hector, may kasama ba siya? Or alam mo na,-"

"Meron," pagpuputol niya. "There is a shadow who was always there everytime na may dinudukot siyang puso. Pero ang shadow na yun, hindi niya kasama para pumatay. Ang shadow na yun, gusto niyang pigilan si Hector, pero wala siyang magawa dahil sadyang mas malakas si Hector sa kaniya.-

"The shadow is the cleaner of the aftermaths, at sa tingin ko siya ang dahilan kung bakit parang nagiging panaginip ko lang ang lahat. Kasi everytime na may mangyayaring ganun, aalis nalang kaagad si Hector, matapos niyang ibigay sa akin ang pusong dinukot niya para kainin ko ito.-

"Hindi ko maalala na kinakain ko nga ang mga pusong yun, dahil sa tuwing mag aatemp na akong kakagat, biglang lumalapit sa akin ang shadow, at nawawalan ako ng malay. The next thing I know is, nasa kwarto na ako at mahimbing ang tulog."

"So ibig mong sabihin, ang shadow ang parang escape goat mo?" Tanong ko.

"Oo, siya nga. Kung papipiliin ako kay Hector at sa Shadow na yun, mas pipiliin ko ang shadow na yun kesa sa kaniya. I mean, sino ba naman ang may gusto sa isang killer?" Sabi niya.

Biglang nagpanick sa kabilang linya, todo salita si Hiedy na hindi ko maintindihan.

"M-merong pagbabago! Ano nanamang ginagawa mo jan? Si Josh, nagkakaroon ng tabon ang isa niyang mata, at- at, nagiging elf siya!" Nanginginig na sabi ni Hiedy sa kabilang linya.

At dahan-dahan nagbago ang temperatura sa amin ni MJ, agad kaming nagbitiw ng kamay, at dali-daling naglakad papunta sa bahay nila.

****

The Virgin Marry | Completed | Book 1 Of The Kingdom Of VaneiahWhere stories live. Discover now