Virgin 32.

802 12 0
                                    

She's dead! Samantha's dead!


Nagulat silang lahat sa bigla kong pagbukas ng pintuan. Ang mama ni MJ nakatayo sa gilid ni Josh, si MJ naka upo sa harapan niya sa mesa.

"J-Josh!"

"Hey dude, gising ka na pala?"

Di ko lang siya pinansin, dumeretso ako kay MJ. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papalapit sa akin.

"Anong problema Darryl?" Tanong ni MJ habang nakatingin sa akin na nagtataka.

Nagtataka lang ding tumingin sa akin si Josh at Tita. Tumingin ako kay Josh, na halos magliyab ang mga mata ko.

"Umalis ka sa tabi ng taong yan, Tita!" Sabi ko.

"Ano bang nangyayare Hijo?" Nagtatakang tanong niya

"Oo nga naman Darryl, ano nga bang nangyayare?" Nakangiting tanong ni Josh.

"Wag ka nang mag maang-maangan Hector!"

Ngumiti lang ito, nagtataka paring nakatingin si Tita sa akin. Habang si MJ naman ay nagtago na sa likod ko.

"I admire your persistence Carter, pero I think you are already crossing the line." Sagot nito.

Nagsimula nang umatras si Tita ng sabihin ni Hector ang pangalang Carter.

"Si-sino si Carter?" Nagtatakang tanong nito kay Josh.

"He's my twin-brother, at bakit po kayo umaatras?" Sagot nito kay Tita.

Tumayo ito at humarap kay Tita, nanlaki ang mga mata ni tita sa sobrang kaba, pero hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

Unti-unti nang dumidilim ang paligid, at unti-unti na ding nagiging hoodie ang suot ni Hector.

"Alam niyo ba, siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Tapos ngayon, siya rin ang may kasalanan kung bakit ka mamamatay, di ba't masaya tayong tatlo kanina nung wala pa siya? Pero bigla siyang dumating at sinabi ang lahat. I just want your daughter, pero ngayon I need to kill you both to get My Lady!" Sabi nito

"What a desperate monster!" Sigaw ni Tita sa kanya.

Nabalot nanaman ako ng takot, di ko alam kung ano ang gagawin. Niyuyugyog ako ni MJ para bumalik sa senses ko.

"Darryl! Darryl!" Sabi nito.

Dinukot ni Hector ang puso ni Tita. Hinakawan niya ang kamay ni Hector para hindi agad nito maalis ang kamay sa pagkakabaon sa dibdib niya.

"Umalis na kayo! Darryl, Carter, kung sino ka man, pakiusap, iligtas mo ang anak ko" matapang na sinabi ni Tita.

"T-tita!"

"Mooooom!"

"Sige naaaaa!" Sigaw niya ulit at sumuka na siya ng dugo.

Nagsimula na akong umatras at hawak ko parin ang kamay ni MJ. Halos ayaw niyang umalis dahil sa nangyare sa mama niya.

"MJ! Come to your senses! Mas may masamang mangyayare kapag nakuha ka niya!" Sigaw ko sa kaniya.

Tinapon ni Hector si Tita dahil sa ayaw nitong bumitaw. Naiwan ang puso niya sa kamay ni Hector.

"Mooooom, Nooooo!" Sigaw ni MJ.

Pilit ko na siyang hinila, pero halos di na ulit ako makaalis sa kinatatayuan ko nang humarap sa amin si Hector.

"Ano na Carter? Nasaan na ang tapang mo?" Tanong nito.

Unti-unting nanghihina si MJ, niyakap ko siya at mas lalong nagalit si Hector. At biglang nagsara ang pintuan na kaninay hinayaan kong bukas.

"Kung ayaw mo pang mamatay, release her!" Sabi nito.

"Kung gusto mo siyang makuha, dadaan ka muna sa akin. Kahit na mas mahina ako kesa sayo, gagawin ko parin ang lahat para protektahan ang taong mahal ko!" Sagot ko.

"Sa tingin mo may kapangyarihan ang pagmamahal Carter?!" Sabi nito.

Sana nandito si Samantha, kahit na ang liwanag lang niya, pwedi nang panglaban sa kadiliman na binibigay ni Hector.

Biglang nagbukas ang pintuan, lumingon kaming tatlo sa tang naroon, and it was Hiedy.

"Ha-Hiedy?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"You asked for my help, right?" Samantha! "Hiedy let me control her body, kinausap ko siya through vision and she wanted to help you." Sagot nito.

Tumingin ito kay Hector, at mas lalong natuwa si Hector sa nangyayare. Biglang napaligiran ng liwanag si Samantha.

"Maaari na kayong tumakbo, pipigilan ko siya hanggat kaya ko." Sabi nito.

Biglang nagbalik ang lakas ni MJ sa pagdating ni Samantha. Tumakbo kami palabas. Merong sasakyan na naka park doon, pero di ko alam kung bakit mas pinili kong tumakbo nalang.

Pagdating namin malapit sa puno kung saan ako sinaksak ni Hector noon, nandoon na silang dalawa at naglalaban ng kadiliman laban sa liwanag.

Nagawa naming makalampas sa punong yun, dahil sa liwanag na binibigay ni Samantha na nagpapabulag sa kadiliman ni Hector.

"Hiedy!" Bigkas ni MJ.

"Hi MJ." She answered and smiled.

Pero di namin inaasahan na yun ang gagawin ni Hector na paraan para makalapit kay Samantha.

Sinaksak niya si Samantha sa dibdib gamit ang kamay niya, and he smashed her on the floor.

"I-I Love you Hector." Bulong nito.

****

The Virgin Marry | Completed | Book 1 Of The Kingdom Of VaneiahWhere stories live. Discover now