cHaPtEr 1

3 0 0
                                    

"Boss may tubig ka ba dyan nauuhaw kasi ako,pahingi nga dapat mineral water ha tas lagyan mo narin ng ice para malamig"

"Wow,grabe kung maka request bat sino ka ba?"
Saad ng kalbong pulis na nakaupo sa kanyang desk
Pwedi na sigurong panalaminan yang ulo niya sa sobrang kintab wala kasi ni isang buhok ha ha

"Bilisan mo na lang Boss
Wag ka ng maraming tanong kanina pa ako nauuhaw
sa sobrang init ba naman sa edsa tas naabutan pa ako ng traffic mabuti at napigilan ko ang suspek sa pagsaksak sa bata o diba ang cool ko kanina"

"Di ka lang pala senyorita mahangin ka rin pala"
Pabulong na saad ng kalbong pulis eh kung gawin kong bola yang ulo niya naku pag ako nakawala dito uupakan ko talaga siya
Pero dahil good girl ako behave muna para makalabas na ako sa mabahong kulungan na ito

"Hep hep,may sinasabi ka ba Boss?"
Tanong ko sa kanya

"Oo,may sinasabi ako bat may angal ka ba ha?"
Abat tong mokong nato
Kung gawin ko kayang bolang crystal yang ulo niya tas ako ang manghuhula

"Tsk.ewan ko sayo
Pwedi bang kunan mo nalang ako"
Utos ko sa kanya nakakapikon na talaga ang matandang hukluban nato
Porket pulis eh gaganyan ganyan na siya?
Ay naku,di tatabla yang tapang tapangan style niya saken

"Ms.Falcon malaya kana"
Kuminang naman ang mga mata ko sa narinig yari ka saken ngayong kalbo ka

"Yes Malaya na ako!
O pano ba yan Boss malaya na ako o bat nagtatago ka diyan sa likod ni Po3 Franco?"

"Takot lang iyan sa iyo Ineng"

"Ha Ha Ha,Oo nga
Nabahag na ang buntot"
Pang iinis ng mga lalaking mga rapist ang hitsura kay kalbo

"Magsi tahimik nga kayo
Ako takot diyan?"
Sabay turo sa sarili
"Eh,napa ka patpatin tignan nabulag kayo sa kagandahan at karesma ng babaeng yan"

Bang . Bang . Bang .

"Di ba talaga kayo titigil ha?
Kung gusto niyong mag away doon kayo sa labas hindi dito sa loob dahil may inaasikaso ako.
At ikaw naman Panot"
napuno ng tawanan ang buong kulungan dahil sa itinawag ni
Po3 Falcon Ha Ha
Good job Sir saludo na ako sa inyo

"Po3 Falcon naman!
Bat kailangang tawagin mo akong panot?
Ano ba yan"
Tatawa tawa naman palabas ng kulungan at kumaway pa ako sa kanila
Actually,di naman masamang mag stay ng panandalian doon sa loob ng kulungan mas nakakapag isip pa nga ako kung anong kalukuhan at stunts ang gagawin ko sa susunod
At naalala ko na naman "SIYA" ulet
Makabalik na nga lang
Sa Mansion at ng makapagpahinga na ako
My god!halos di na makatingin si manong taxi driver saken dahil sa hitsura kong ito!
Grrrr..!bat ka ganyan makatingin manong?
Gusto mo ng sapak?
Well di ko naman masisisi si manong eh pano ba naman
Para na akong ginahasa ng sampung lalaki dahil
Sa malagkit na pawis at yung straight hair ko eh
kumulot na
Nakakabanas talaga ang kalbong pulis na iyon

Montayre Series 1: Ryan LouisWhere stories live. Discover now