Chapter 25- Training with THEM (1)

5.2K 131 14
                                    




Haiii! Before I start! Last chapter ay may nasabing traydor tama? May ilalagay akong clues dito para malaman kung  sino yung traydor. So keep your eyes open. Chos!





______________________________



Nandito na kami sa tapat nang isang pinto. Pinihit ni Hades yung doorknob at binuksan. Pagpasok namin sa loob ay namangha ako kahit walang kamangha-mangha. Kasi pagbukas mo nang pinto mapupunta ka sa isang parang desert. As in walang puno! Walang tubig! Walang kahit ano kungdi open space lang talaga.




"Wow!naman! Eto talaga yung PTR?" Manghang tanong ko. Nang nakapasok na kami ay sinara na namin yung pinto. Yung pinto dito sa side na to parang nakatayo lang, walang kahit anong pader eh.





"Let's start our training." Walang emosyong sabi ni Blue, kelan kaya to ngingiti o magiging masaya? Tanong ko lang.






Pumila kaming lahat. Ewan ko kung anong plano, nakikipila lang ako eh.




"First let's have a duel. Without magic, but with your magic weapons..." sabi  ni Blue. Nakahinga ako nang maluwag kasi yun yung ginagawa ko tuwing training nang hating-gabi. Hindi ko pa nagagamit yung magic ko, at ewan ko kung kelan ko gagamitin.







"Let's start with Cyan and Black, since hindi ko pa alam ang mga kakayahan nilang dalawa." Napatingin ako kay Blue nang sabihin nya yon. Ako talaga yung una? Ay hindi lang pala ako, si Black pa. Naglakad si Black palayo nang konti sa amin, tiningnan nya ako. Kaya pumunta ako kung nasaan sya.





"Sandali lang naman to kasi titingnan ko lang kung hanggang saan yung alam nyo." Saad pa ni Blue. Huminga ako nang malalim bago ilabas ang Moon bow ko. Oo sakin na to, binigay na sakin.



Nilabas din ni Black ang weapon nya. Isang sword na black. Nakita kong nagulat yung iba, maski si Blue, nanlaki ang mata.




"Omy! The Million Armor Weapon!" Rinig kong sabi ni Leira. Tiningnan ko ang hawak nyang sword, kumunot ang noo ko. Ano bang meron sa weapon nya?





"Cyan! Mag-ingat ka! Legendary weapon yan! Kayang magbago!" Rinig kong paalala ni Ice. Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Hindi ko pa nga masyadong alam kung pano iha-handle yung moonbow tapos isang legendary weapon na agad ang kakalabanin ko? Unbelievable!






"START!" sigaw ni Blue, napatingin ako sa kanya. This is Crazy! Ok lang sana si Vin o kaya si Leira eh! Pero isang wielder nang isang legendary weapon? Aba wag na!



"CYAN! KAYA MO YAN!" napatingin ako kay Vin nang 'isigaw nya yon, Concentrate... isip ko. Ewan ko' kung anong gagawin ko , pero alam ko na dapat hindi ako magpatalo. Tumingin ako kay Black, at nagulat ako nang  bigla syang umatake. Buti naharangan ko gamit ang moonbow ko, pero dahil sa lakas nang impact ay napatalsik ako.




Sh*t! Ang lakas! Bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako. Nakita kong umatake ulit sya, hindi nagawang iwasan yon kaya nadaplisan ako sa may kanang braso. May konting dugo na lumabas don pero hindi naman masakit.



Nakita kong umilaw yung espada ni Black at nagiba nang anyo. Mula sa espada ay naging pana na din. Umamba sya nang tira sakin at pinakawalan, pero bago pa man dumating sakin ay nagpakawala din ako nang sariling arrow kaya ang nangyari ay nagkasalubong ang dalawa, creating a big explosion.





Napabagsak kaming lahat dahil sa nangyari. May ilang umubo dahil sa sand na nasama at nalipad. Tumayo ako at tiningnan si Black sa pwesto nya, nakatayo din sya at nakatingin sakin.








Black's POV




To tell you honestly, hindi ko ineexpect yon. Nasangga nya ang tira nang Million Armor Weapon na wala pang nakakagawa. Ang Million Armor ay isang uri nang weapon na nagiiba ang anyo, isa nga sa legendary weapon kaya walang kahit anong pwedeng makasangga nang atake neto.





Pwera nalang sa isa... ang kambal netong weapon ko, ang Starlight. Yon lang ang maaaring makasangga nang kahit anong tira neto, kaya nagtataka ako bakit nasangga nya. Imposible namang Starlight yung hawak nya dahil ang Starlight ay nawawala dati pa.




"Ok ka lang Cyan?" Napatingin ako sa nagsabi non. Lumapit sya kay Cyan at sinuri ang kabuoan neto. Nakita neto ang daplis sa kanang braso nya kaya tumingin sya sakin.



Sa pagtingin nya, nakiga ko ang imahe na mangyayari, kung wala pang magagawa ang iba.




*****



Hinahampas-hampas nya nang latigo ang isang mage na parang kilala ko. Rinig na rinig ang pagmamakaawa nang taong yon na tumigil na pero hindi parin sya natigil at nagpatuloy lang sa paghampas sa likod nya.



"Parangawa mo na! Tumigil ka na!!--AHHH!!" sigaw nang mage nang hampasin na naman sya neto. Tumawa nang nakakapangilabot ang traydor.



"T-tama na ----"




*****




Bigla syang umiwas nang tingin sakin at inasikaso si Cyan.



Huminga ako nang malalim. Sana makilala nila bago pa iyon mangyari, pero kung hindi responsibilidad ko na protektahan sila laban sa kanya.









_____________________________________________________









END











Hi nalang kay Shamille7!!















Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Where stories live. Discover now