Prolouge

15 0 0
                                    

     “Wag!!!” malakas na sigaw ni Baek upang pigilan ang kaibigan na sunugin si Kyungsoo.

    “Ah!!!” sigaw naman in Kyungsoo habang unti-unti siyan sinusunog ng kaibigan.

    “Tama na!!!” sigaw na muli ni Baek dahil di niya na makayanan ang mga nakita niyang pagkamatay ng mga kaibigan niya.

    Pagkalipas ng ilan pang segundo ay tuluyan nang naging abo si Kyungsoo.

    “Kyungsoo...” pagdadalamhati ni Baek.

    “Magaling, Chanyeol. Sa wakas makakahinga na ko ng maluwag sapagkat wala na si Kyungsoo.”

    “Hayop ka! Ubod ka ng sama!” sigaw ni Baek sa dating kaibigan na ngayon ay isa ng halimaw.

    “Baek, hindi ako hayop. Alam mo yan. Isa pa, kung ano man ako, ganun ka rin dahil magkauri lang tayo.”

    “Ikinakahiya kong maging kauri ang isang ubod ng sama at manlolokong tulad mo!”

    “Baek, Baek, Baek. Alam mo bang pinapatawa mo ko? Di mo ba alam na manloloko ka rin?”

    “Anong pinagsasabi mo? Kung may manloloko man rito, ikaw yun at hindi ako.”

    “Hay, hanggang ngayon itatanggi mo pa rin ba na manloloko ka rin?”

    “Di ako manloloko. Kailan man ay hindi ako nanloko.”

    “Talaga? Simula palang may napansin ka na. Simula palang alam mo ng may mali pero ano? Nagpanggap ka na wala kang napapansin, na walang mali. Pinaniwala mo ang lahat na magiging okay lang ang lahat kahit alam mong dadating tayo sa puntong ito  kaya oo, Baek, manloloko ka. Niloko at pinaniwala mo sila, kami, sa isang bagay na malabong mangyari.” saglit na huminto sa pagsasalita ang dating kaibigan ni Baek at pagkatapos ay muling itong nagpatuloy sa pagsasalita. “Alam mo kung nagpakatotoo ka lang sana samin edi sana hindi na tayo umabot sa puntong ito. Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito, Baek. Ikaw at wala ng iba pa.”

     “Ako? Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kaya wag mong sabihin na ako ang may kasalanan bakit nangyari ang lahat ng ito!”

     “Hindi ka ba nakikinig? Alam kong nanghihina ka ngunit di mo ba naiintindihan ang sinabi ko kanina? Napigilan mo sana ang lahat ng ito kung sa una palang sinabi mo ng may mali, na mangyayari ito.”

    “Ikaw ang may kagagawan nito kaya bakit mo sinasabing kasalanan ko lahat ng ito?!”

    “Dahil hindi ko naman alam na ito pala ang kapalaran ko, na ito ang tunay na ako, pero ikaw, simula palang alam mo na kung anong klase ako ng tao o kung ano man tayo at kung sino talaga tayo.”

     “Bakit mo ba ipinagpipilitang may alam ako sa simula palang kung alam ko mismo sa sarili ko na wala naman akong nalalaman?!”

     “Wala ba talaga o nagpapanggap ka lang?” tanong niya kay Baek pagkatapos ay tinawag na nito si Chanyeol at umalis na ito.

     Pagkalapit ni Chanyeol kay Baek ay agad siya nitong tinurukan ng kung ano dahilan para lalo siyang manghina at unti-unting mawalan ng malay.

     “Wala ba talaga o nagpapanggap ka lang?”

     Wala ba talaga akong alam....o nagpapanggap lang ako?

     May mali sa simula palang pero....di ko alam kung kelan nagsimula ang lahat o baka.....alam ko talaga ngunit nagbulag-bulagan lamang ako...

EXO: The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon