Chapter 3

28 6 0
                                    

"Pareho ba tayo ng course?" tanong ni Chesca sa akin. Nandito kami ngayon sa room ni Lily. They invited me to bake cupcakes, kaya eto kami at gumagawa. Bawal ang mga appliances dito pero sadyang matigas ang ulo ng mga to. Akalain mo yung nag ambag ambag sila para lang makabili ng oven tsaka mga gamit sa baking? Tsaka gabi daw sila bumili para di masyadong halata. And ang reason nila sa guard is, package daw yun para kay Mitch. Mga pasaway talaga tsk!

"Architecture." sagot ko.
Bumagsak ang balikat nilang lahat sa sagot ko.

"Eeehhh, bakit yan? Ayaw mo bang maging flight attendant?" tanong naman ni Lily na sinang ayunan ni Mitch. Oo na, magaganda tong mga to baliw nga lang. Lily is really tall, siguro isang dangkal agwat namin, sakto lang kasi height ko. Si Mitch naman, mataas din mga inches agwat namin. At magkasing-taas naman kami ni Chesca. Nalaman ko din na 1 year older ako sa kanila. Kasi naman nag stop ako nung highschool kasi tumira kami sa US non ng 2 years at nung bumalik na kami sa Pilipinas, doon naman lumabas ang sakit ko.

"No, it's really my dream to be an Architect."

"I'm not good in that field but mas mabuti na yan kesa kay Chesca na puro nalang papel, ballpen at sci cal ang hawak." natatawang sabi ni Lily.

"Hey! Ganon naman talaga kapag accounting. You are facing Math, dzuh." sabay irap ni Chesca.

"Shift ka nalang ng course Saph para magkasama tayo pleaseee." it's Mitch, parang bata na nagmamakaawa.

"Mitch, 3rd year na tayo. Sayang ang 2 years na pag-aaral nya kung mag shi-shift lang sya. Tsaka haler, di pa din tayo magkakasama kasi babalik siya sa 1st year. Bobo mo din eh no." it's Lily.

"Ay oo nga pala no? Bat di ko naisip yun?" at kunwaring nag isip kung bakit di niya naisip yun. Tapos nagpatuloy sa ginagawa, weird.

It's been a week na nagkakilala kami and they adopted me to be their friend, kaya naman may mga alam na ako sa kanila, at sila sa akin. Lagi nila akong iniistorbo sa kwarto ko kaya naman nasanay na ako. Lagi din nila akong kinukulit na magkwento tsaka maraming katanungan tungkol sakin. At nakakasabay na din ako sa kabaliwan nila minsan. Minsan lang kasi nababaguhan pa rin ng konti. 6 pala ang rooms dito sa GA (Girls A). It means we are all vip's kasi ang lalaki ng rooms dito. At sila ang mga ka floor ko, mga baliw, akalain mo yun? 6 lang daw talaga kasi unahan ng reserve. Yung dalawang ka floor ko, di ko pa kilala but sabi nila toxic daw mga yun. Ewan, baka nakaaway na nila or something. Sa GB naman, may mga rooms din individual but mas maliit sa room namin. Sa GC, yun na yung may room mate ka. 2 sa isang kwarto. And so on, sa GD, GE, etc.

After eating all the cupcakes, na ang iba ay sunog, dahil kay Mitch kasi umidlip pala siya at hindi binantayan ang oven. Kung hindi pa namin naamoy habang nanonood ng movie, siguro sunog na ang kwarto ni Lily at kicked out na kami dito. Umuwi na ako sa kwarto ko at nag half bath. Ang lagkit kasi ng icing na nilaro namin kanina, nila lang pala kasi nadamay lang ako. Pipikit na sana ako when my phone rang. It was mommy, shit! Nakalimutan kong tumawag. Every friday kasi dapat tatawag ako sa kanya and it's friday but nakalimutan ko.

"Sapharrini Vein Lastrindge, bakit hindi ka tumawag?! Alam mo bang nag aalala na ako? It's already 9pm for godsake! Alas otso dapat tatawag ka na! Hindi ako mapakali sa--"

"Mom, relax okay? I'm fine, you don't have to worry."

Bumuntong hininga muna siya bago nagtanong ulit,"Ano ba kasing ginawa mo? Bat di ka tumawag?" she's relaxed now.

"I'm with my friends, we were having fun."

"Oh my god, really baby? You have friends naaa?" she sounds excited and happy.

"Yes mom, i have three crazy friends now."

"I'm so happy Vein, very. I hope to see them this sunday, i'll pick you your yaya miss you so much."

"Haha okay mom, goodnight byee."
"Goodnight, i love you."

Pagkatapos akong ihatid ni mommy pabalik sa school, kaagad kong nilagay yung mga gamit ko na binili ni mom para sa klase. Two weeks nalang kasi mags-start na kaya nag advance na si mom sa pagbili. Baka daw kasi wala na siyang time next week.

At ng magkita ang mga friends ko at si mom, di ko alam pero nakiki mommy din sila eh. Close agad sila tsk. Iti-nour lang naman nila si mom sa mga kwarto nila isa-isa bago sila pumasok sa kwarto ko. Edi sila na ang anak! My mom is a friend of all. May attitude kasi siya na friendly talaga. Pagkahiga ko sa kama, na feel ko agad yung pagod. Kaya naman ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na agad ako.

I woke up feeling something on my bed. Parang bumibigat ako, at parang lumilindol. And when i opened my eyes, i saw Mitch leaning close to me while the other two is laughing while staring at me. Wtf?

"Gising na si sleeping beauty, my kiss is so powerfull." ani Mitch sa panlalaking boses.

"No way! Hindi dapat ito nangyayari! I put poison on that nail!" kunwaring galit na sabi ni Lily at nakaturo sa, Nail? Oo nga at may pako sa gilid ng lampshade ko at pininturahan ng pink. Sa pagkakaalam ko, red ang dugo?

"Huhuhu my darling, my daughter. Mabuti nalang at nailigtas ka ng iyong magiting na prinsipe." mangiyak-iyak na sabi ni Chesca habang hinahaplos ang pisngi ko. Fuck! Ano bang ginagawa ng mga to sa kwarto ko?! Inalis ko ang kamay ni Chesca sa pisngi ko at pagalit na tumayo.

"Ano bang ginagawa nyo dito? Ang aga-aga nambibwesit kayo! Lumayas nga kayo!" ganyan talaga ako magsalita sa kanila. Sanay na sila sakin.

"But my princess, we are here to save you from this wicked witch! And the only way to save you is my kiss." sabi ni Mitch in a malandi way. Yuck!

Then i realized, "Did you really kissed me?!!!" was i kissed by a woman?! Shiiit! Gross!!

Nagsimula namang tumawa sila Lily at Chesca sabay kantyaw kay Mitch ng "patay kaaa"

Pagalit na hinabol ko si Mitch nang nagsimula ng tumakbo sa kwarto, "MITCHHH! COME BACK HERE YOU MORON! FUCK YOUUU!"

"Iloveyou Saph huhu maawa kaaa. Kiss lang yun, i don't want to fuck. Virgin pa akooo, hindi pa ako handaaa huhu!" paiyak na sabi nya habang tumatakbo. Panay naman ang tawa ng dalawa habang nakamasid lang samin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now