Chapter 1

9.7K 148 4
                                    

CHAPTER 1

CHLOE's P.O.V

Kinabukasan ay maaga kong nagising at agad akong naligo matapos ay nagbenda nako sa dibdib ko at naguniform nako saka ko sinuot ang wig ko. 

Pagkalabas ko ay nakita kong nakabihis nadin si Nairo at sa unang beses ay nakita ko kung gaano sya kagwapo kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Maputi sya, kissable at mapula ang labi, mahaba ang pilikmata at mapungay ang mga mata. Matangos din ang ilong habang may height na 5'9 habang ako naman ay 5'7.

"Par naglalaway ka na." Nakangising sabi ni Nairo kaya napaubo ako.

"Siraulo ka ba? Para kang bading!" Naasar na sabi ko sa kanya.

Tumawa naman sya saka ko hinila at inakbayan.

"Tara na nga!" Sabi ni Nairo saka kami naglakad palabas ng dorm pero nagulat ako dahil parang lumalabas kami ng school, nakita  si Nairo ng guard pero di sya nito pinansin. Dire diretso lang kami hanggang sa makarating kami sa Nethervine University. Katapat na school ng Melville University.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sakanya. Nakita kong napangisi si Nairo.

"Dadalawin natin si Kaycee. School ng mga babae 'to at pupunta tayo sa dorm nya." Sabi ni Nairo kaya wala nakong nagawa ng hinila nya ako.

"Hoy ungas! Mag cucutting classes tayo?" Sabi ko sakanya nakita ko namang tumango sya.

"Sige na Par ngayon lang gusto ko lang makausap si Kaycee." Sabi niya kaya naman napatahimik nalang ako.

Nang makarating kami sa isang kwarto ay kumatok dun si Nairo at nakita kong lumabas sa pintuan ang babae.

"Nairo? A-anong ginagawa mo dito?" Sabi nung babae.

"Kaycee! Dumating na kasi yung tropa ko ito oh si Chleo! Gwapo yang kaibigan ko pero mas gwapo padin kayo." Sabi ni Nairo kay Kaycee.

Tinapunan naman ako ng tingin ng babae at nakita kong napangiti ito ng makita ako at saka hinawi ang buhok nito sa likod ng tenga nya tinanguan ko lang sya.

"Nice to meet Chleo." Nakangiting sabi nung babae sakin seryoso ko syang tinanguan saka ko bumaling sa iba.

"Nga pala ba't di kayo pumasok sa loob." Sabi ni Kaycee.

"Kailangan na kasi naming pum—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan ni Nairo ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Sige papasok kami sa loob. Salamat!" Nakangiting sabi ni Nairo saka pumasok si Kaycee sa loob.

"Gago ka! Kala ko ba saglit lang tayo!" Naiinis na sabi ko kay Nairo.

"Oo nga saglit lang tayo mamaya na tayo umalis inaaya pa nga tayo ni Kaycee eh!" Sabi ni Nairo kaya naman inis na napakamot ako sa ulo ko.

"Sino ba kasi yang babae na yan at di mo maiwan?!" Inis na sabi ko sakanya.

"Gusto ko nga par! Balak ko ligawan kaya dapat tulungan moko!" Sabi niya. 

Pumasok na kami sa loob ng dorm nila at nakita kong naghain ng pagkain si Kaycee samin.

"Yan oh cake kakabili ko lang kanina. Tikman nyo masarap." Sabi ni Kaycee saka tumabi sakin. 

Naiilang akong napausog at nakita kong umusog ulit sya palapit sakin! 

Ugh! Ano ba 'tong babaeng 'to napakamanhid naman di makaramdam! 

"Kaycee dito ka sa tabi ko oh maluwag." Sabi ni Nairo at nakita ko namang napanguso si Kaycee at napilitang tumabi sakanya.

"Ilang taon kana pala Chleo?" Nakangiting turan ni Kaycee sakin.

When Chloe Pretends To Be Chleo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon