4

6.9K 152 1
                                    

CHAPTER 4: MMWA

YUNIKA's P.O.V

Matapos naming maglunch ay agad kaming bumalik ng room. Nanatili akong nakatingin kay Wieran na naglalakad sa harapan ko kaya naman di ko maiwasang kiligin. Pakiramdam ko mag on na kami kasi para syang boyfriend ko kung umasta.

Nang makapasok na kami ay sunod na pumasok si Sir Diaz, teacher namin sa History.

"Okay class today I will announce that we are having our first quarter reporters and I will group you by partners." sabi ni Sir Diaz kaya naman kabado ako. Nagsimula nang magtawag si Sir Diaz.

'Sana si Wieran ang makakapartner ko! Please? Please!' panalangin ko sa isip-isip ko.

"Mr. Xivir and Ms. Vienna." sabi ni Sir dahilan para mapalingon ako nang nakasimangot kay Wieran habang seryoso naman syang nakatingin sakin.

"Ms. Matador and Mr. Yttrium," sabi ulit ni Sir.
Naikuyom ko ang kamay ko ng makita kong ngumiting tumingin si Akesiah kay Wieran na nasa harapan ko.

'Bwisit na babae 'to! Gumanda lang sya ng isang paligo sakin kala mo kung sino na!'
"Unique sayang di kita nakapartner." Nakangusong sabi ni Rigo kaya sumimangot naman ako sa kanya.

"Psh! Nakakatamad na mag-aral tsk!" sabi ko sa kanila saka ko nangalumbaba sa sa table ko.

"Hayaan mo na Matador mag-aaral ako ng mabuti para makakuha tayo ng mataas na score sa report natin." sabi ni Lucan saka ginulo ang buhok ko.

Umungot ako dahil sa inis na naramdaman ko. At nang matapos ang history namin ay nagpunta na kami sa court dahil PE class na ang kasunod.

Naglalakad ako sa papuntang court na bagsak ang mga balikat saka ko umupo. Di ko alam na katabi ko na pala si Wieran pero dahil nabadtrip ako ay di ko sya nililingon.

"Okay class! Today we are having our PE class! Kailangan nyong sumali sa mga sports na gusto nyo bilang representative sa sport fest." sabi ni Mrs. Tanya.

"We have swimming competition, Billiard competition, Baseball competition, Soccer competition, Basketball competition at Volleyball competition, please write in your paper the sport that you've chosen." Sabi ni ma'am.

Agad akong nagsulat sa papel at sinulat ko ang Swimming competition.

Elementary palang ako ay sumasali nako sa mga swimming competition.

"Unique sasali ako sa basketball." sbi ni Rigo sakin saka ngumiti.

"Ako naman sa soccer." sabi naman ni Lucan.
Napalingon ako kay Wieran na katabi naman nya ay si Akesiah at tinanong sya nito.

"Wieran sasali ako sa swimming ikaw?" sabi ni Akesiah.

"Baseball ang sasalihan ko." seryosong sabi ni Wieran kaya naman nang mapatingin sya sakin ay inirapan ko sya.

Hinawakan ko ang papel na hawak ko at nagulat ako ng medyo lumapit si Wieran at nang lingunin ko sya ay three inch nalang ang pagitan namin.

"Wag ka sumali sa swimming," seryosong sabi nito habang nakatitig sakin.

Napalunok ako at nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ko at saka ko kinabahan at pinagpawisan ng malagkit dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sakin.

"B-bakit naman hindi?" kunot-noo na sabi ko sa kanya.

*Dug-Dug!*
*Dug-Dug!*
*Dug-Dug!* 

Bumilis ang tibok ng puso ko at sunod-sunod ang paglunok ko ng ilapit nya ang bibig nya sa tenga ko.

"Dahil ayokong may ibang lalaking makakita sa magandang katawan mo." bulong nya sakin dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.

---

Nang pabalikin kami sa room ay para akong lutang. Paulit ulit sa utak ko ang sinabi sakin ni Wieran kanina at ang puso ko? Pakiramdam ko naiwan ko sa court.

"Unique oks ka lang?" Takang tanong ni Rigo sakin na nakapagpabalik ng diwa ko.

"O-oo!" Nakangiting sabi ko sakanila.
Nang may maalala akong itanong.

"Lucan? D-diba swimming din ang sports na pinili ni Akesiah? Gaano na sya katagal sumasali ng mga competition?" Sabi ko.

"Hmmm, simula elementary. Saka alam mo bang gold medalist sya?" Sabi ni Lucan. Kaya naikuyom ko ang kamay ko.

'Bwisit na babaeng 'yun! May balak pa yatang agawin ang trono ko sa larangan ng paglalangoy! Kainis.' sabi ko sa isip-isip ko.

"Bakit matador? Diba swimming din ang sports mo?" sabi ni Lucan na tinanguan ko naman.

"Ibig sabihin mas magaling kapa kay Akesiah?" nakangiting sabi ni Rigo na sinimangutan ko naman.

"H-hindi ih. Madalas kasi akong matalo sa mga competition. Pero di ako papayag na mas hangaan ni Wieran ang babaeng 'yon! Tsk." sabi ko nang bigla akong may maalala.

"T-teka? Asan nga pala nagpunta ang dalawang 'yun?! N-nakita ko silang magkasama kanina ah?" sabi ko sa kanila. Nakita ko namang nagkatinginan ang dalawa.

"Sa tingin ko sa library. Narinig ko kasing balak nilang aralin yung report nila." sabi ni Lucan di nako nagsalita pa at dali-dali na akong pumunta nang library.

Nang makapasok ako dun ay agad ko namang nakitang parehong nagaaral ang dalawa. At mukhang busy nga sila sa ginagawa nila kaya naman wala kong choice kundi ang panoorin sila nang maalala kong what if mag-aral din ako sa math? Tutal hirap na hirap ako dun kaya pumunta ako bookshelf malapit sa kanila. Kaso kinailangan ko pang umakyat sa hagdan para maabot ang librong yun sa taas kaso di ko inaasahang madudulas ang paa ko sa isang baitang ng hagdan dahilan para mapabitaw ako sa pagkakakapit ko!

"A-ahhhhhh!" sigaw ko ng malalaglag nako at saka ko napapikit ng maramdaman kong may mga bisig na nakahawak sa bewang ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at saka ko dahan-dahang dinilat ang mga mata ko nang makita kong titig na titig sakin si Wieran at namumutla ito.

"Ahhh!" napahiyaw ako sa sakit ng pareho kaming napaupo sa sakit dahil parang nanghina sya.

"W-wieran a-ayos ka lang?!" nag-aalalang tanong ko sa kanya dahil nakita kong naghabol sya nang hininga. Nakita ko namang agad na pumunta samin sila Rigo at Lucan.

"D-dude! Dadalhin ka namin sa Clinic!" sabi ni Lucan saka nila inakay si Wieran palabas ng library.

Agad akong sumunod sa kanila pero may humila sa braso ko dahilan para mapalingon ako.

"Wala ka bang alam sa sakit ni Wieran?" seryosong tanong ni Akesiah sakin kaya napalunok ako.

"W-wala?" sabi ko naman nakita ko namang napapikit sya nang mariin.

"Layuan mo na sya hangga't maaari." sabi niya saka ako nilagpasan pero pinigilan ko sya sa braso.

"May gusto kaba kay Wieran?!" naiinis na sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang ngumiti sya ng peke at ikinainis ko yun lalo.

"Oo, sobrang gusto ko si Wieran." sabi nito saka muling naglakad at iniwan akong nakanganga!

---




My Mr. Woman Allergic (COMPLETED)Where stories live. Discover now