5

7K 138 8
                                    

CHAPTER 5: MMWA

YUNIKA's P.O.V

Agad akong nagpunta sa clinic ng makita ko na nakaoxygen mask si Wieran at nakapikit ito. Hindi ko alam kung ba't bigla na lang nangilid ang luha ko.

"L-lucan... R-rigo, o-okay lang naman si Wieran di ‘ba?" mahinang sabi ko at nakita ko din kasing nakaupo sa gilid ni Wieran si Akesiah kaya lalo kong nainis.

"Oo okay na sya kaya wag ka na mag-alala okay." sabi ni Lucan saka ginulo ang buhok ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kabilang gilid ni Wieran at tinitigan s’ya at gaya kanina ay namumutla pa din s’ya.

"Lucan ano bang sakit ni Wieran?" biglang tanong ko at nakita ko naman na napaiwas sila ni Rigo ng tingin sa’kin.

"A-ano... Kinapos lang sya ng hininga kanina kaya s’ya nanghina." sabi ni Lucan.
Umupo ako sa may upuan sa harap ni Wieran saka sya tinignan.

Kahit nakapikit s’ya ang gwapo niya pa din at sobrang puti n’ya at ang tangos ng ilong niya. Napangiti ako at nagulat ako ng makita ko na dumilat na s’ya at napalingon sa’kin.
Parang hinahabol ang puso ko dahil nakita kong bahagya s’yang ngumiti.

Maya-maya pa’y dahan-dahan s’yang umupo at tinanggal ang oxygen mask at may binigay naman sa kanya na tableta si Lucan at ininom nya naman yun dahilan para mawala ang pamumutla nya.

"W-wieran, ayos ka lang ba?" nag-aalala na tanong ko sa kanya.

Huminga s’ya ng malalim at saka muling tumingin sa akin.

"Maayos naman talaga ako kasi okay ka at sa susunod subukan mo na mag-ingat para di kana madisgrasya." Nakakaloko na sabi nya saka tumayo at naunang lumabas ng clinic.

Napanguso ako sa sinabing ‘yun ni Wieran kaya naman bumalik na kami sa room at pagbalik namin doon ay saktong dumating na din si Ma'am.

Subject naman namin ngayon ay Filipino kaya naman nakinig na ‘ko sa sasabihin ni Ma'am Perez.

"Okay class dahil magsisimula na ang mga klase ay binalak ko nading mag-assign nang gagawin nyo, 50% nang grade nyo ang nakasalalay dito at pipili ako ng may pinakamagaling na grupo na pagtatanghalin ko ng live sa theater sa susunod na linggo at ang mga tatawagin ko ang magiging magkagrupo." paliwanag ni Ma'am saka nagsimulang magtawag.

"Vienna, Matador, Lucia, Veronica, Xivir at Yttrium." tawag niya sa apilyedo ko kaya naman ang saya ko!

Yes! Yes! Magiging kagrupo ko si Wieran!
Muli pang nagtawag si Ma'am at ng matapos sya ay muli syang nagsalita.

"Kayo ang mamimili ng story n’yo pero sa mga Disneyland Princess stories kayo mamimili at naisip ko kasing kung nakakakilig ang ipe-perform ay mas magsisigla kayo sa pag-eensayo, ‘yun lang. Magpunta na kayo sa mga grupo n’yo at pag-usapan n’yo kung sinu-sino ang magiging magkapareha at anong istorya ang mapipili n’yo."

Umupo ako tabi nila Lucan at Wieran, at dahil dun ay napangiti ako.

"Bale ang napili ko na storya ay yung kay Snow White at gusto ko na kayo nalang ang bahalang pumili sa magiging prinsipe at magiging si Snow White." saad ni Akesiah kaya naman tumikhim ako at nagtaas ng kamay.

"Pwede bang ako na lang ang aaktong si Snow White?" nakangiting sabi ko pero tiningnan lang ako ng mga ka-grupo namin na babae.

"Alam mo Akesiah, mas bagay sayo na mag Snow White ka kasi maputi ka at mukha kang prinsesa dahil sa kagandahan mo." sabi ni Lucia. Kaya naman inirapan ko sila.

Oo maputi si Snow White, ako na morena pero maiksi naman ang buhok ko kaya bagay ako na mag Snow White!

"Mahaba ang buhok ni Akesiah!" reklamo ko at nakita ko naman na nagtawanan sila.

My Mr. Woman Allergic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon