16√

978 50 30
                                    

Sana.

Agad akong naghanap ng isusuot ko oras na pumayag si Dahyun na makipagdate sa akin.

Hindi ko alam pero nakaka-excite lang.

Unang beses namin 'tong magmi-meet.

Nakakatuwa lang at pumayag siya.

I just took a selca pagkabihis ko bago tuluyang umalis.

Minatozaki Sana posted a photo.

Gonna see you tonight. Can't wait to hold you tight. @Kim Dahyun.

Like | Comment | Share

Comments :

Myoui Mina
Dalaga kana, fren.

Hirai Momo
Ay, nagyaya na palang magdate.

Son Chaeyoung
Hindi nga talaga nagdedaydream si Ineng.

Park Jihyo
Walang poreber, mamamatay din tayong lahat.

Chou Tzuyu
Ayan na!! Aatake na ang mga Sana shy shy shy babies neto!
Hirai Momo replied :
Your road.
Im Nayeon replied :
Bunyagan.

Kang Seulgi :
SaiDa daw oh.

Mark Lee :
May comment na ang mga co-vloggers nila.

Unknown 2k18 :
Legit pala ang SaiDa.

Sana shy shy shy :
Mamsh taken na siyaaaa!

Yoo Jungyeon :
Ship niyo na, legit na.

Kim Dahyun :
I'm inosens. See you, I'm ready na.
Minatozaki Sana replied :
Mamaya hindi na.
Hirai Momo replied :
Dahyun, ingat ka.

Other comments : 100k

Naglog out na ko tsaka agad na lumabas ng bahay.

"Momo, Mina alis na ko!" I shouted bago tuluyang lumabas.

Nasa kanya kanya kasi silang kwarto. Magkakasama kami sa iisang bahay, binili namin 'to noong graduation namin ng college.

Nagdrive lang ako papunta sa bahay nila Dahyun, buti di ako naligaw dahil may waze naman.

Naabutan ko dun ang babaeng nakatayo sa harapan ng gate habang nakasuot ng simpleng blue dress na may dalang sling bag.

Nagpark ako sakto sa harapan niya. Ibinaba ko ang bintana ng kotse para makita niya ko.

"May hinihintay po ba kayo?" nakangiting tanong ko.

"Sana?" ngiting ngiting sabi niya.

Binuksan ko ang pintuan ko tsaka bumaba para kausapin siya.

"Tara na?" nahihiyang sabi ko pero inilahad ko ang palad ko.

Agad naman niya itong tinanggap.

Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa akin ng dumampi ang kanyang kamay sa akin.

Inalalayan ko siya at pinagbuksan ng pinto upang sumakay sa passenger seat.

Patakbo naman akong sumakay sa driver seat matapos yun.

"Kanina ka pa ba sa labas?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, saktong kalalabas ko lang." nahihiyang sagot niya.

"Wag kang mahiya sa akin. Tao lang din ako ah, date kita ngayon kaya expect like I will treat you like one." I smiled at her.

"Hindi, kase kanina sa post mo. Medyo nahiya ako, kase sikat ka tas ako hindi naman." mahinhin niyang sabi.

Aw, she's so cute.

"Matagal ko ng gustong yayain kang lumabas para makilala ka. Mula ng nireplyan kita sa RA ko sa comment marami ng rumors sa atin kaya tinutoo ko na." sabi ko. "Now they know na close talaga tayo." paliwanag ko.

Nag uusap lang kami while we're heading sa place na napili kong pagkainan namin.

Dinala ko sa restaurant garden, madaming lights and flowers dito. A perfect place for a romantic date.

"Like it?" tanong ko ng ipakita sa kanya ang lugar.

"Yes." she smiled. "I mean I love it, not just like." bawi niya.

"Tara, umupo na tayo." sabi ko at hinawakan ang kamay niya papunta sa table na pagkakainan namin.

Nakakatuwa lang at manghang mangha siya sa lugar na napili ko para sa kanya.

They waiter just started to serve our meal habanh ako inaappreciate ang kagandahan ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Gaano ka na katagal naba-vlog?" tanong niya sa akin.

"2 years, I guess?" sagot ko. "Ikaw buti nagvlog ka?" tanong ko naman.

"Nakakahiya man, but it's because of you. Short time vlogger ang mga kaibigan ko wala naman akong interes hanggang sa makita ko ang mga vlogs mo." she explained.

Nakakatuwa naman yung sinabi niya, ako pala ang dahilan.

"I like you, I mean your edits. I hope magka-collab tayo soon." nakangiting sabi ko.

"Naku, mga fans mo lang ang manonood nun." sabi ni Dahyun.

"Sumisikat ka narin kayang vlogger. Favorite ko yung latest upload mo, yung sleeping positions ng mga barkada mo at yung mga pagkakataong epic ang mga mukha nila." nakangiting sabi ko.

"Trip ko nga lang yun eh. Wala akong maisip na content. Ayaw nila ng bag raid may mga kababalaghan ata sila sa mga bag nila. Edi epic face nalang." natatawang sabi niya.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan hanggang matapos maserve ang meals namin.

This is gonna be a great night.

------

Vlog|SaiDaWhere stories live. Discover now