30✔

728 35 34
                                    

Sana.

"Kalma." paalala sa akin ni Mina.

"Nasa loob na ba sila? Kasama siya?" pinilit kong maging kalmado dahil magkikita na kami ni Dahyun kung nagkataon.

"Wala pa, sinundo palang 'yon." saad ni Momo sa akin.

Hindi ako magkanda ugaga sa ngayon, andaming senaryong pumapasok pa sa isipan ko pero kinakabahan kasi talaga ako.

Alam niyo naman kasing gaano kalungkot yung huling nag usap kami.

Ilang taon 'din ang lumipas, kaya normal lang siguro na hindi ako mapakali.

Pumasok na kami sa loob ng restaurant para makuha na yung seats namin.

10 seaters table kinuha namin kasi 9 naman kami magkakasama kung nagkataon na kasama si Dahyun.

"Malapit na daw sila." sabi ni Momo na hawak yung phone.

Tumango na lang ako kahit hindi ako mapakali.

Pero maya maya 'rin kasi dumating na 'yung inaantay namin.

Naunang pumasok sila Jihyo, Tzuyu, Nayeon unnie at Chaeyoung.

"Wow, sana all gumanda!" bungad ni Nayeon unnie at nakipagbeso sa aming tatlo.

"Nahiya kami sa beauty mo, unnie." segunda ni Momo.

"Naghintay ba kayo ng matagal?" tanong naman ni Jihyo saktong makaupo siya.

"Halos kararating lang namin." maagap na sagot ni Mina na ngayo'y katabi na si Chaeyoung.

"Asan si Dahyun at Jungyeon unnie?" tanong ni Mina.

Hataw naman sa kaba yung puso ko nung marinig yung pangalan niya.

"Naghanap ng parking area, wala kasing space sa labas. Susunod narin 'yon." sagot naman ni Nayeon unnie.

Siguro ilang minutong kamustahan ang nangyare habang ako hawak ko yung phone ko at naglalaro ng Zombie Catchers nagbabakasakaling mawala yung kabang nararamdaman ko.

"Antagal niyo, Jungyeon!" bungad na sabi ni Nayeon unnie.

"Si Dahyun kasi, pinaikot pa kaya natagalan humanap ng parking space." usal ni Jungyeon unnie.

'Dun naman ako napaangat ng tingin then I saw a girl who's awkwardly staring at me.

"Ahm, umupo na nga kayo. Order na tayo!" basag ni Chaeyoung sa awkwardness.

Hindi pa nga natapos 'don dahil sa tabi ko na lang ang bakanteng upuan.

"Lipat na lang ako sa tabi ni Momo para katabi ni Dahyun si Jihyo." kalma lang Sana, si Dahyun lang 'yan.

"Hindi okay na ko sabi tabi mo." Dahyun spoke up. Hataw na naman ang tibok ng puso ko ng marinig ko 'yon.

"Aba, smooth." asar ni Momo bigla, gago naman neto

Hindi ako nakaimik at sinundan ko na lang siya ng tingin na papalapit sa tabi ko.

"Uso magsalita, beh. 'Wag puro titig, kung ice cream 'yan baka natunaw na." bulong ni Nayeon unnie na nasa tabi ko lang 'din.

Pinanlakihan ko lang ng mata baka kasi marinig ni Dahyun na ngayo'y nasa tabi ko lang.

"Buti pala nakasama ka?" kinakabahan ako pero dahil si Minatozaki Sana ako kailangan chill lang ako.

"Pinayagan ako na mag early out eh." plain na sagot niya.

"Syempre dahil sa mahiwagang excuse letter ni Sowon 'yan malamang." epal na naman ni Jihyo. Tama 'yan, hindi kase ako makahanap ng tamang sabihin eh.

Titignan ko pa lang siya nawawala lahat sa isipan ko ang dapat kong sabihin.

"For the first time, natuto ka mag absent. Next time turuan kita mag-AWOL, 'te." nandedemonyong sabi ni Tzuyu. Hayop. Nagturo pang mag AWOL sa matinong tao,  nalayo lang kami sandali naging tarantado na sila.

"Sayang bayad sa tuition!" ungot ko.

"Babayaran mo naman kakainin ko ngayon diba?" Dahyun spoke up with a slight smile.

Hala, gago.

"Sino may sabi?" asar ko naman. Sige, kaya ko 'to.

"Si Jihyo unnie, kaya nga ko sumama." sagot naman niya.

"Sige, sagot na kita." pagpayag ko.

Basta sasagutin mo rin ako.

Gusto ko ituloy kaso baka asarin lang ako ng mga tarantadong 'to.

"Oh, sagot ka 'daw niya!" kantyaw nilang lahat liban kay Dahyun at sa akin.

"Ikaw kaya Sana unnie, sasagutin ka ba ni Dahyun?" basag ni Chaeyoung. Mababatukan ko 'tong batang 'to.

Napalunok na lang ako at natahimik pero mas lalo akong nawalan ng sasabihin when Dahyun spoke up again.

"Bakit nanliligaw ba siya? Ligawan niya muna ako." firm na sabi ni Dahyun at nakakalokong tumitig pa sa akin.

Putangina.

----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vlog|SaiDaWhere stories live. Discover now