Chapter 19

630 6 0
                                    

"I think you"ll like this." Sabi ni Patrick pagkahinto niya ng kotse.

Teka, nasan ba kami?

Agad akong sumilip sa labas at doon ay nakita ko ang parke.

Tumingin ako sa kanya. Alam ko na ang dahilan kung bakit kami nandito.

"Tara." Yaya niya.

Pagkababa namin ay pinatong niya sa balikat ko ang suot-suot niyang Jacket. "Baka lamigin ka."

Hindi ako nakaimik habang sinisugurado niyang nayayakap akong mabuti ng Jacket niya. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin.

Pagkaalis niya sa harapan ko saka lang ako nakapagpasalamat sa kanya.

Nasa highway pa lang kami, na-curious na ako kung bakit parang ang daming ilaw at tao sa looban.

"Anong meron? Ngayon lang nagkaroon ng maraming tao dito sa dis oras ng gabi."

"Ang sabi sa’kin ng pinsan ko, pinatayo daw ni Mayor ang peryang iyan last week para raw may atteaction dito." Paliwang ni Patrick sabay lakad sa unahan ko. "Tatayo na lang ba tayo? Tara! Mukhang masaya dun."

Iniabot niya ang kamay niya sa’kin na agad ko namang tinanggap.

Ang init at ang lambot ng kamay niya. Nakakagaan ng pakiramdam at aaminin ko na gusto ko laging hawak ang kamay niya.

Pagpasok namin sa looban ay nadaanan namin ang magkatalikurang bench na pamilyar sa aming dalawa. Saglit kaming tumigil at umupo doon.

"Ngayon lang ako natuwa sa isang upuan." Ang natatawang sabi ni Patrick sabay himas sa sandalan nito.

"Sino bang mag-aakala na dito ko nakilala ang broken hearted na lasing." Tukso ko na ikinangiti niya.

Agad siyang yumuko. Pakiwari ko’y inalala pa niya ang pangyayaring iyon.

"Siguro sa pagkakataong ito, dapat natin pasalamatan ang mga ex natin. Kung hindi dahil sa kanila hindi tayo mapupunta dito." Sabi ko sabay halukipkip ng aking braso.

Tumingin si Patrick sa malyo. Nag-worry ako kung anong nasa isip niya.

"Alam mo, kung bibigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na baguhin ang lahat, wala akong babaguhin." Aniya.

"Bakit naman? Pagkakataon mo na iyon para itama ang mga mali mo at para hindi ka na masaktan pa."

"Dahil kung babaguhin ko ang mga pagkakamali ko, kasama na doon si Samantha at kapag tinanggal ko siya sa nakaraan ko sigurado ako na hindi kita makikilala."

Tumitig siya sa akin at bahagyan lumapit. "Kahit kailan, hindi ko pagsisisihan na nakilala kita dahil ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa’kin."

Bilang babae, nakakahaba ng buhok ang sinabi niya. Kung may ibang taong nakakarinig ng mga iyon, malamang na kikiligin din.

"Ganun din ako. Para sa’kin, destiny na magkakilala tayo." Tugon ko sabay akbay sa kanya.

"Gusto mong maglaro?" Tanong niya.

Tumingin ako sa Peryahan. Alam ko na may mga games doon pero marunong ba ang lalaking ‘to?

"Niyayaya mo akong maglaro sa loob eh hindi ko nga alam kung nakatikim ka na ba ng Perya."

"Nakarating na ako diyan. Noong bata ako lagi kaming tumatakas ng Yaya ko para maglaro sa ganyan. Minsan nga nagtataka na si Mommy kung bakit ang dami ko daw stuffed toys. Never kong sinabi na sa Perya galing yun dahil malalagot si Yaya."

Whose Karma Is It Anyways?Where stories live. Discover now