Chapter 30

465 2 0
                                    

Araw na nang pag-uwi ni Tito. Pinanood ko kung paano inempake ni Paula ang mga damit ni Tito sa bag. Infainess ha, ang galing niyang mag-empake. Pati tsinelas nagawan niya nang paraan kung papaano ilalagay doon.

Si Rochelle naman ay nasa doktor. Gusto daw niya kasing masiguro kung anu ano ang bawal kay Tito at kung ano lang ang pwedeng kainin. Maging ang mga gamot para mas mabilis na gumaling ang tahi ay inalam niya rin. Siya na ang toka dun. Engot kasi ako sa oras eh, baka magkamali pa ako ng ipapainom kay Tito.

Ako naman, pilit kong tinago sa sarili ko ang kaba. Pupuntahan ko na kasi ang Accountancy para bayaran ang nagastos namin dito sa Ospital. Hindi ko sure kung kasya ba ang dala kong pera. Gagamitin ko ang perang binigay ni Andrei. Hindi pala, perang sinoli ni Andrei. Grabe parang hotel talaga ang Ospital dito sa Pinas. Kung wala kang pera siguradong nganga.

Sana maliit lang ang babayaran namin para hindi ko magalaw ang ipon ni Tito sa bangko. Nagbilin siya na mag-withdraw agad kung sakaling kapusin ang dala ko.

“Naku! Ang laki naman.” Nasabi ko sa sarili ko ng makita ko ang Statement of Account.

Twenty five thousand! Grabe! Ilang araw lang naman si Tito dito ah.

“Ma’am nasa private po kasi kayo.” Tugon ng babae na di ko alam kung pinipilosopo ako o sadyang mapagbigay lang ng info.

“Babalikan ko na lang Miss ha. Kulang kasi ang dala ko.” Pakiusap ko sabay dausdos ng listahan sa maliit na butas ng glass window nila.

“Ay hindi na ho. Bayad na po yan. Wala na po kayong babayaran. Pinakita ko lang po sa inyo dahil hiningi ninyo.”

“Anong bayad? Sinong nagbayaad nito?” Pagtataka ko.

“Hindi niyo po alam?”

“Hindi. Nagbibiro lang ako. Joker ako eh.” Sarkastiko kong sagot. “Miss, itatanong ko ba sa’yo kung alam ko?”

“Sorry naman Ma’am. Wag po kayong high blood. Ang akala ko po kasi kilala niyo yung lalaking nagbayad kaya napatanong po ako ng ganun.”

Napaisip ako. Sino ang lalaking nagbayad?

“Miss anong itsura noong nagbayad? Natatandaan mo pa ba?”

Saglit na nag-isip ang babae sabay scan sa record book sa harap niya.

“Hindi ko po alam ang name niya pero mestiso po siya. Matangos ang ilong at sobrang puti ng ngipin.”

Napayuko ako sa narinig ko. Kahit na tinaboy ko siya, nagawa pa rin niyang bayaran ang bills dito sa Ospital. Siguro alam niyang poproblemahin ko iyon kaya ginawan na niya ng paraan para maging maayos na para sa akin.

Pagkauwi namin ay agad kong inupo si Tito sa isang silya. Ilang araw ding sarado ang Resto namin. Walang tagaluto kaya sarado.

Hindi rin dumating ang kapalit ni Dino mula Laguna. Bumabagyo kasi sa area nila ngayon kaya walang biyahe. Hopefully next week makapunta na siya dito.

Binuksan ko ang mga kurtina sa glass wall. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko ang kabuuan ng Resto namin na lumiliwanag gamit ang natural na ilaw ng araw.

“Naku Tito. Paano ka kaya aakyat panaog diyan sa hagdan?” Pag-aalala ni Paula na nakatingin sa mga baytang ng hagdan.

“Oo nga. Baka bumuka ang sugat mo niyan.” Dugtong ni Rochelle habang nilalapag sa mesa ang mga gamit ni Tito.

“Paano kung magsara kaya muna tayo ng Resto. Bilang hindi ka pa naman magaling Tito, obvious na wala tayong tagaluto. Dito ka na muna sa baba matulog hangga’t hindi pa gumagaling ang tahi mo.” Suhestiyon ko.

Kita ko sa mga mata ni Tito na hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. Ayaw na ayaw niya kasi na nagsasara kahit isang araw ang negosyo namin. Lagi niyang litanya na sayang ang isang araw na kita.

Pero ano nga naman ba ang magagawa niya? Kung kikilos agad siya at magluluto, malamang na baka bumuka ang sugat niya’t mabinat pa siya. Pag nagkataon, babalik na naman kami sa Ospital at mas lalong matatagalan ang pagbubukas ng Resto.

“May magagwa pa ba ako?” Ang malungkot niyang tugon.

“Hihingi na lang ako ng tulong kay Kuya Naldo mamaya para maibaba yung kama niyo dito Tito.” Sabi ni Rochelle sabay kuha sa isang vase na may tuyong bungkos ng roses.

Napahinto ako sa nakita ko. Naalala ko kung kanino galing ang mga roses na iyon. Umiling ako. Kailangan ko na siyang kalimutan kung gusto kong matigil ang karma.

Bumaling ako ng tingin sa isang mesa para sana pagpagan ang mga maliliit na alikabok doon. Naiwang nakapatong doon ang isang tray.

Rumehistro sa isip ko ang araw na nag-waiter sa amin si Patrick.

Pinunas ko ang palad ko sa aking mukha. Kahit saan yata ako bumaling, maaalala ko siya.

Kinatanghalian, pinapakain ko si Tito habang abala siya sa panonood ng TV.

“Huwag mo na akong subuan. Natuhog lang ang tagiliran ko pero hindi ako naputulan ng kamay.” Pigil niya sa akin sabay agaw ng kutsara.

“Gusto ko lang namang bumawi sa inyo Tito. Alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari sa inyo ito kaya hayaan niyo akong pagsilbihan kayo.” Himutok ko sabay ayos ng gamot niya sa isang mesa.

“Gusto mong makabawi? Bakit hindi mo simulan sa pagkausap kay Patrick?”

Napakamot ako ng ulo. Ang hirap naman ng gusto niya.

“Tito, naghiwalay na po kami. Ayoko nang guluhin pa ang buhay niya. Isa pa nahihiya na rin ako sa kanya. Lahat ng naging problema niya, ako ang naging dahilan.”

Bumuntong hininga si Tito at pagkatapos ay uminom ng tubig. Inubos niya iyon bago padabog na binaksak sa mesa.

“Alam mo ba kung gaano ko hinahangaan ang lalaking iyon? Kahit mayaman siya, hindi siya makasarili at hindi  maarte. Lahat ng kabutihang pinakita niya sa atin gusto ko suklian mo iyon ng kabutihan rin. Hindi naman mahirap gawin iyon eh. Kung talagang ayaw mo na sa kanya which is I trully doubt, pakitunguhan mo naman siya ng maayos bilang may pinagsamahan naman kayo.”

Hindi na ako sumagot pa dahil tama naman lahat ang sinabi niya pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Iyon ang mas makakabuti sa aming dalawa ni Patrick.

Nang makabalik na sina Paula mula sa palengke, tumambay muna ako sa bench sa tapat ng Resto.

Bumuntong hininga ako. Ngayon lang yata ako nakapagpahinga simula ng maaksidente si Tito. Halos wala akong tulog dahil gusto kong ako ang nag-a-asikaso sa kanya kahit madaling araw na.

Hindi lang katawan ko ang pagod pati na rin utak at puso ko. Kung magbakasyon kaya muna kami para naman mawala kahit saglit ang iniisip ko?

Ay! Wag na lang. Wala nga pala akong pera. Ang hirap ding maglabas at gumasta ng pera ngayon lalo na’t sarado pansamantala ang negosyo namin. Kailangang magtipid.

Na-miss ko bigla si Patrick. Kapag ganito kasing pagod at malungkot ako, isang yakap lang parang nawawala na ang lahat ng dinadaing ng katawan ko.

Ganun yata kapag mahal mo. Lagi kang masaya kapag kasama mo siya. Hindi ka rin makakaramdam ng pagod o pagkabagot kapag alam mong nandiyan lang siya sa tabi mo.

Sino bang mag-aakala na ang dalawang taong nagplanong gumanti ay na-inlove sa isa’t isa?

Ang tadhana nga naman, hindi mo masasabi kung sino ang makakatuluyan mo. Kadalasan, kung sino pa yung hindi mo naiisip na ma-i-in love ka, mapapansin mo na lang na kakabog kabog ang puso mo kapag kasama mo siya.

Pero katulad ng sinasabi ng iba, may gahiblang pagitan ng pag-ibig at pagdurusa. Marami nang nangyari sa amin ni Patrick na hindi maganda. Halos mamatay pa siya dahil sa akin. Ayoko nang maulit pa iyon. Mas gusto ko nang lumayo pa siya sa akin kesa naman magdusa siya sa karma na kasama ako.

Whose Karma Is It Anyways?Where stories live. Discover now