Still Into You [PROLOGUE]

17.9K 162 16
                                    

PROLOGUE

Bawat isa ay nagpalitan na ng mga panunumpa nila sa isa’t isa… Panunumpang habang buhay na magmamahan, hindi mangangaliwa, ang pagtupad sa lahat ng mga pangako nila, at siyempre... Ang wala nang itatago pang mga lihim sa bawat isa.

Ika nga nila, 'pag naging magasawa na ang dalawang matagal nang magkasintahan ay malaki talaga ang posibilidad na mas lalong tatatag ang relasyon nila…

Hindi ikinakaila ng barkada na talagang masaya na nga naman sila sa isa’t isa at ni isa sa kanila ay wala namang pagsisisi sa mga napagsumpaan nilang pagmamahal sa harap ng altar at sa maraming mga taong nakasaksi.

Kung totoo ang FOREVER, eh bakit may HAPPY ENDING pa? Tunay nga bang doon lang talaga magwawakas ang pagsasama nila? Sa isang magandang pangyayari? Sa katunayan, kung talagang mahal nila ang isa’t isa... Walang makakatapos ni makakawakas man sa kanila. Kaya heto ang tanong, nakamit na nga ba talaga nila ang HAPPILY EVER AFTER NILA? Lalo na kila Ynah at Zayn? O... Nagsisimula na naman muli sila nang panibagong kabanata sa panibagong yugto ng buhay nila?

May magiging hadlang pa kaya sa relasyon nila?

Kung mayroon man, talaga kayang sinusubukan ng tadahana kung hanggang saan sila makakatagal?

Akala ng karamihan doon na magtatapos ang kuwento ng buhay nila. Pero akala lamang nila 'yon... At akala ko lang din pala 'yun.

Akala ng karamihan nakamit na nila ang happy ending nila. Pero akala na lang muli nila 'yun...

Akala ng karamihan wala nang magiging hadlang pa sa pagsasama nila. Hangga’t buhay, hangga't nagsasama, tandaan na marami pa rin silang makatatagpuang sagabal, hadlang at balakid sa buhay nila at sa mga mangyayari pa sa kanila…

Pagiging totoo sa isa’t isa ang isa mahahalagang paraan upang hindi matapos ang pagsasama.

May mga sikreto pa kayang hindi nabubunyag o mabubunyag pa lang?

May mga lihim pa kayang pilit tinatago na kusang lalabas?

Gaano katagal maililihim ang mga sikretong naitago simula noong una pa lang?

Sila pa kaya hanggang sa huli?

Walang sikretong hindi nabubunyag. Saka ka pa lang ba aamin ng mga kasalanan mo, bago ang iba na ang unang makapuna sa 'yo?

--

(MISSED ME?! WHAHAHA, CHAROT! Hindi ko na kaya pa, kaya isusulat ko na itong book 3. Bigla akong naexcite sa mga naiisip kong plot nito eh. Nagkaroon lang ako nang panandaliang break, pero okay na ring bumalik na ang gana ko para ipagpatuloy itong TROMN. Yiieee! Keep in touch guys, anytime ay puwede kong ipost ang sumunod na chapters dito.

Keme lang ang UNKNOWNIMOUS IS SIGNING OFF! HAHAHAHA.

Nagkaroon na ba kayo ng idea kung tungkol saan naman itong pangatlong book na 'to? Share us your thoughts! Whahaha.)

TROMN 3: Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now