ALSB FANFIC 4 - THE SACRIFICE

1.9K 29 6
                                    

Xiao xi's POV

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Jiang Chen.

'Huwag ka nang masyadong magpaganda mamaya, kung ayaw mong mabulag ako'

Grabe talaga, simple lang galawan niya pero may hatak na kilig.

'Talaga! Hindi pa nga ako nag-aayos ngayon, nagkakandarapa ka na sa'kin. Paano pa kaya mamaya?'

HAHAHAHA na-iimagine ko ang pagkaasar niya kunwari pero kinikilig din 'yun panigurado.

Nga pala, mag-ti-three months old na ang baby nina Lu Yang at Jing Xiao, si Xiao yang. Hindi ba ang ang ganda ng pangalan niya tulad sa ninang niya?

Kinuha ko ito mula sa mama ni Jing xiao at kinarga.

Iyak ito nang iyak. Hindi ko alam ang aking gagawin kundi ang tawagin si Jing xiao na nasa kusina.

"Practice-practice din kasi," napalabi lang ako kay Jingjing na ngayon ay karga na ang kaninang anak na nasa akin.

"Oo na, sasabihin ko 'yan kay Jiang Chen."

"E, bakit? Siya ba ang magiging nanay?" kahit kailan talaga, ang hihilig nilang mambuska sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"E, bakit? Siya ba ang magiging nanay?" kahit kailan talaga, ang hihilig nilang mambuska sa akin.

"Ewan ko sa'yo. Si Lu Yang ba, magaling mag-alaga ng baby?"
Nagpasya si Jingjing na ilapag na ang anak nito sa kuwarto saka bumalik sa sala at naupo sa tabi ko.

"Xiao xi, hindi mo ba nakikita?"

Lumutang muna ang isip ko sa kung saan bago napakunot-noo.

"Ang alin?"

"Ito. Mas maganda kaya ako ngayon, ang ibig sabihin nun, maalaga si Lu Yang pati na rin kay Xiao yang. Ni ayaw padapuan ng lamok ang anak niya."

"Ang taas na ng confidence mo, a!" para akong matatawa kay Jingjing dahilan para pabiro nito akong tapikin sa balikat.
"Ikaw, anong kini-crave mo sa ngayon? May mga prutas ako diyan. Kompleto." umalis ito sa kinauupuan namin at naglabas ng prutas at inilagay iyon sa table na nasa harap ko.

"Pili ka lang," natahimik na lang ako bigla. Ewan kung sasabihin ko ba sa kanya na wala akong partikular na pinaglilihiang prutas kundi ang asawa ko. Hindi ba at nakakahiya 'yon?

Kaya, 'yong mangga na lang ang binalatan ko, kunwari ang asawa ko 'yon. Hahahaha.

-

Alas 5 ng hapon...

"Pramis, ang ganda mo ngayon, bes." masyado yatang exaggerated si Jingjing dahil sa pagmimake-over niya sa akin. Well, totoo naman iyon. Pero alam ko na kapag sinabi ko iyon kay Jiang Chen, babarahin lang niya ako. Unsupportive husband.

"Salamat, Jingjing. Ngayon lang naman ito e. Bukas, simple na naman ako."

"Huwag ka, mamaya, hindi ka patulugin ng asawa mo magdamag!"
Agad ko itong sinaway.
"Huy, marinig ka ni tita!"

Tawa ito nang tawa. Napakaganda ko nga sa blue dress, at buong hitsura ko na gawa ni Jingjing.

Hihintayin ko na lang sana si Jiang Chen ngunit dahil sa panaginip ko kagabi ay napagpasyahan kong puntahan na lang ito sa hospital. Tapos naman na ang shift nito dahil nga anniversary namin. Alam na iyon ng nakataas ng hospital.

Lalabas na sana ako ng pinto nang tawagin ako ni Jingjing.

Lalabas na sana ako ng pinto nang tawagin ako ni Jingjing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Xiao xi, gusto mo, ipag-drive ka na ni Lu Yang. Pauwi na rin siya e." medyo alalang-alala ang mukha ni Jingjing.

"Hindi na,"
"Sigurado ka?"

"Oo naman. Salamat sa tulong mo, Jing xiao. Salamat sa gabing ito."

"Pero kasi e,"

Pinaglalaruan nito ang magkabilang mga kamay.

"Sige na. Mali-late na ako. Bubulagin ko pa si Jiang Chen. Alis na 'ko."

Nakalabas na ako ng gate at nag-wave kay Jing xiao.

Lulan na ako ng taxi nang tumawag si Jiang Chen.

"Xiao xi, nasaan ka na?"
"Nakasakay na ako, bakit?"

"Saan na kayo banda?"

"Sa XXX Street... "

"Xiao xi, sabihin mo sa driver na itigil ang sasakyan."

"Bakit, anong meron?"

Kinakabahan ako sa pinagsasabi ni Jiang Chen sa kabilang linya.

"Please, gawin mo na lang... " puno nang pagmamakaawa ang boses nito.

"Manong, pakihinto po."

"Okay, miss-" bigla na lang kinabig ng driver ang sasakyan. Sa lakas no'n ay nauntog ako sa kung saan. Sa pagal na paghinga ay nakikita ko ang usok na nagmumula sa loob at labas ng sasakyan. Tumutulo ang dugo mula sa aking ulo, pababa sa mukha, at damit na suot ko.

Naalala ko ang panaginip ko at tila naririnig ko ang boses nung matandang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalala ko ang panaginip ko at tila naririnig ko ang boses nung matandang babae.

Parang nakikilala ko na ito. Si lola.

'Ito na ang sakripisyo mo, apo'

Nagsabayan sa pagpatak ang aking mga luha.

Please, iligtas n'yo po ako at ang anak namin ni Jiang Chen.

Huwag... po ngayon.
Pakiusap.

Pilit kong kinakapa ang aking tiyan.

Ang baby ko...

Singbilis ng kidlat, ang mga alaala ko kay Jiang Chen at mga mahal ko sa buhay ay pumasok sa isipan ko.

Bago ako mawalan nang malay ay naririnig ko pa ang sirena ng mga sasakyan ng pulis at boses ng mga tao sa paligid.

Jiang Chen,
Patawad, happy anniversary.
Mahal kita.

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon