ALSB FANFIC - 6

574 15 4
                                    

Jiang Chen's POV

Pinipilit kong abutin ang mga kamay ng aking asawa. Ang babaeng nagpursige upang makuha hindi lang ang aking puso ngunit ang buo kong pagkatao.

"Xiao xi! Xiao xi, bitiwan n'yo ako!" maraming pulis ang pumipigil sa akin.

Xiao xi, bakit ang sakit-sakit naman ng anniversary na ito?

Mas gugustuhin ko na ako na lang imbes na ikaw, o kung iiwanan mo naman ako nang tuluyan, isama mo na ako.

... Ilang araw pa ang lumipas, halos hindi ko ialis sa aking dibdib ang sisidlan ng kanyang abo.

Panay ang katok nina mama at ng mga barkada ko sa pintuan ng bahay namin ni Xiao xi ngunit hindi ko iyon binubuksan.

Ni ayoko nang makakita pa ng liwanag dahil ang totoo, nilisan na ako nito.

Sabi ko Xiao xi, huwag kang bibitaw, 'di ba? Ngunit bakit nagawa mo pa rin akong iwan?

Gustung-gusto ko nang sumama sa'yo, sa inyo ng anak natin. Hindi kailanman magagamot ng alak ang sakit na nararamdaman ko.

Parang kailan lang, naiirita pa ako sa kakahabol mo sa akin.
Parang kailan lang no'ng mapagtanto kong importante ka sa akin dahil mahal na kita.

Parang kailan lang... nabuo ako.

Pero ngayon, ano na? Saan na ako patutungo?

Araw-araw, sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko. Umaasa akong mapapanaginipan kita o kaya pagkagising ko, nandito ka na at hindi totoong iniwan mo ako.

Sobrang sakit, Xiao xi.

Ni hindi ko alam kung may natitira pang luha sa mga mata ko.

Minsan, pumapatak iyon nang walang tigil.

Minsan, wala ni katiting at tanging buntung-hininga na lang ang meron ako.

Bagama't buhay pa ako, para na rin akong namatay.

Dahil nang-iwan ka. Lumayo ka.

Sobrang layo, hindi kita maabut-abot!

Bumalik ka na sa akin. Ipinapangako kong hindi na kita aasarin. Kahit anong gustong ipagawa mo sa'kin gagawin ko, kahit magmukha akong engot.

Mamahalin kita nang higit pa sa naibigay ko sa'yo basta ba balikan mo 'ko.

Walang kuwenta ang lahat kung hindi na kita nayayapos.
Kung hindi na kita nakikita.

Kung hindi na kita nahahalikan gaya ng dati.

Sabi mo, hindi kailanman titigil sa pagtibok ang puso mo para sa akin?
Bakit ngayon, nawala na iyon, naglaho, inagaw.

Matutulog muna ako, Xiao xi. Umaasa ako na sa tulong nito. Magkikita na tayong muli.

Miss na miss na kita.

Ipinikit ko ang mga mata habang nakahiga sa sahig katabi ang isang bote ng gamot.

Nag-iingayan sina Bo Song sa labas.

Bago ako mawalan nang pandama, bumukas ang pintuan at ang huling nakita ko ay ang gulat na mga mukha nila.

Nina mama, Lu Yang, Jing Xiao, Bo Song, Li Wei at ng bunso kong kapatid.

Kailangan kong gawin 'to dahil alam kong nalulungkot si Xiao xi kung saan man siya naroroon ngayon. Gusto ko silang makasama ng anak ko.

P.S. Any messages for me or comments about the story? Thank you everyone for your awesome support!

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Where stories live. Discover now