Chapter 5

6.8K 121 1
                                    

Marco

Like me, Seth was a bit shocked when we saw each other. His anger then faded the moment he knew that it was me who bumped him.

"Seth!" I called again and walked towards him for a hug. "Why are you here?" I asked as I pulled away.

He looked at me with pure amusement. At hindi ko alam kung bakit.

"Just buying some things. You're with someone?" He asked then looked at my back.

Lumingon rin ako sa likod ko pero hindi na pala nakasunod sina Nana Selya sa akin. Where did they go?

"I'm with Nana Selya but... I don't know where she is." Sabi ko at lumingon-lingon pa para mahanap ko siya.

As if on cue, narinig kong may tunawag sa pangalan ko galing sa likuran and I know that it's Nana's voice.

"Vienna!" Tawag niya at napalingon ako sa kanya na lumalapit na. "Jusko ikawng bata ka talaga. Kung saan saan ka pumupunta at kung ano anong nilalagay mo sa cart. Malapit ng mag ala una kaya kumain ka muna ng tanghalian at baka mapano ka." Sabi niya habang inilalagay ang mga dala niya.

Si Nana talaga.

"Hindi pa po naman ako gutom."

"Anong hindi gutom? Kahit hindi ka pa gutom ay dapat hindi ka nagpapalipas ng kain dahil baka magkasakit ka." Pangaral niya.

Magsasalita pa sana ako nang may umunang magsalita.

"Sasamahan ko nalang po siyang magtanghalian kung ayos lang po sa inyo." Magalang na sinabi ni Seth ngunit may pinipigilang ngiti sa labi.

I frowned. Why is he smiling? Dahil pinagalitan ako ni Nana? Kung bungguin ko kaya siya ulit?

"At sino ka naman?" Nakakunot noong tanong ni Nana.

"I'm Seth Concepcion po. Vienna's friend." He smiled.

Napataas naman ang kilay ni Nana at nanaliliit ang matang sinuri si Seth.

Ano ba yan!

"Nana tama na po. Kakain na po ako. Babye po!" Paalam ko at agad na hinatak si Seth palabas ng grocery store.

Sinamahan ako ni Seth na kumain at tapos na naman siyang kumain kaya iced coffee lang ang inorder niya.

We talked about Marco all the time at sinabi ko rin na isosoli ko sa kanya yung sneakers niya.

And oh I am so thankful for having Seth with me. Ang saya niyang kasama. Ang sarap ikulong sa bote.

Nang tawagin niya ang waiter para magbayad ng bill ay nag agawan pa kaming dalawa kung sino ang magbabayad. Syempre ako dapat yung magbayad dahil mas marami yung kinain ko!

"Ang cute niyo pong dalawa. Bagay po kayo." Sabi ng waitress na kumuha sa bill namin.

What?

I made a face. Nagkatinginan kami ni Seth at pareho kami ng ekspresyon na hindi makapaniwala.

Bagay kaming dalawa? Oh no, this is fucking incest.

"Kuya Seth, ako nang magbabayad." I put a stess on the word 'kuya'.

"Wag na, ako na yung magbabayad dahil ako naman yung kuya mo."

"Ay sorry po. M-Magkapatid po p-pala kayo." Sabi nung waitress na halatang nahihiya.

At ginawa iyon paraan ni Seth para siya yung makapagbayad. After we left, I teased him and called him 'kuya' at para namang hindi maipinta ang mukha niya.

Nag text yung driver namin na tapos na silng mag grocery kaya nagpahatid nalang ako kay Seth sa bahay.

"Thank you again kuya!" I teased him again when he stopped near our gate.

"Isa nalang talaga at makakatikim ka na sa'kin." He threatened and I just laughed.

"Okay! Hindi ko na nga lang sasabihin sa'yo." Sabi niya.

Anong hindi niya sasabihin? Ano yun?

"What is it?" I curiously asked.

"If I tell you, you'll quit calling me 'kuya'?" He negotiated.

Hmm.

"Okay! Now tell me."

"Fine. Mag iinuman kami mamaya sa Royal. Kasama si Marco."

Marco!

"Really?"

Oh I can't wait to see you again after one week Marco.

"Yes. And I want you to come with me and wear something really sexy and seductive." He said.

At agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba may gusto sa akin ito eh!

"Ano? Bakit? Bakit magsusuot ako ng ganoon? Wala ka ba talagang gusto sa akin?" Tuloy tuloy kong sinabi.

And that made him laugh.

"Ayan na naman ang pagka assuming mo. Kung gusto mong makuha si Marco, then just do what I tell you to do." He said then winked at me.

And that's what I did. Hinalungkat ko ang mga damit sa walk in closet ko para maghanap ng 'sexy' at 'seductive' na damit.

Wearing a hot red turtle neck bodycon dress, I looked at my reflection in the mirror. Then I tied my hair up into a messy bun then put on a light make up.

Yes, this dress is conservative when you are looking in front. Pero kapag sa likod tingnan ay walang kahit anong tela na nakatabon sa likod ko. At kitang kita ang exposed skin ko sa likod lalo na at naka bun yung buhok ko.

And I like it that way.

Sinundo ako ni Seth sa bahay at sinabi ko na naman kay Daddy na uuwi ako before ten thirty. Pero through call lang iyon dahil hindi pa siya nakakauwi which is good.

Dahil kapag nakita niya itong suot ko ay paniguradong itatakwil niya ako bilang anak.

Nang nakapasok kami ay agad na gumala ang paningin ko para hanapin ang taong matagal ko ng hindi nakikita.

Chos. Matagal talaga Vien?

Naramdaman kong may lumapat na kamay sa likod ko and I know that it's the guy beside me which is Seth.

Nilingon ko siya at agad na sinamaan ng tingin. May gusto talaga sakin to eh.

"Just go with the flow sa anong gagawin ko. Let's see kung hindi parin bibigay si Melendrez." Sabi ni Seth habang nilalapit ang bibig sa tenga ko para marinig ko kung ano ang sinasabi niya.

Go with the flow? Ano ba ang binabalak niyang gawin?

Bago pa ako makapagtanong ay iginiya niya na ako sa paglalakad pataas ng hagdanan hanggang sa makarating kami sa isang maingay na lamesa na may pamilyar na mga mukha.

"Hey guys!" Tawag ni Seth sa atensyon nila.

The moment he got their attention, inilipat niya ang kamay niyang nasa likod ko patungong baywang ko at inilapit ako sa kanya.

Pero hindi na ako nakapagreact dahil mas importante ang taong nakikita ko ngayon. Pero hindi naman siya nag-aangat ng tingin sa amin.

"This is Vienna Velasquez. She's with me." Sabi ni Seth ngunit ang mata ko ay nasa kay Marco lang.

I saw how his forehead ceased habang nakatitig sa hawak niyang inumin. Unti-unti ay nag-angat siya ng tingin at nagtama ang paningin naming dalawa. But that was just brief because his eyes then drifted to Seth's hand on my waist.

Then he smoothly set his attention back to his drink like it's just nothing to him.

And it's fucking annoying!

Chasing Fire (Completed)Where stories live. Discover now